~*~

"Late kayo ng isang oras!" Bungad na bati ni Kei nang makarating kami sa Starbucks kung saan sila naghihintay. Kumpleto na ang barkada bukod sa'min ni Lindsey at nang makita ko 'yung mga pagkain nila sa lamesa ay tsaka ko naalala 'yung mga alaga ko sa tiyan na kanina pa ako iniiyakan.



"Blame Denden. Parang pagong siya gumalaw. Seriously." Lindsey says, rolling her eyes. Tinabihan niya si Keisha na tahimik na umiinom ng Matcha Latte habang nagsusulat sa isang notebook.



Tinignan ko ng masama si Lindsey at inirapan. "Ako pa may kasalanan?" Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Gino at Clark. Habang nauupo ay napansin ko na para bang nakatitig sa'kin yung katabi ko kaya naman nilingon ko siya at tama nga ako. Gino's looking at me as if may malaki akong atraso sa kanya. "What?" Iritado kong tanong. Wala ako sa mood ngayon dahil bukod pa sa kulang ang tulog ko dahil madaling araw na ako natulog kagabi, hindi pa ako nakakakain ng breakfast. Talk about being hungry and sleep-deprived.



He scans me from head to toe. "What the heck are you wearing?" Tanong niya na para bang may halong inis ang tono.



"Clothes, duh." Sarkastiko kong sagot. Ang aga-aga magtatanong ng obvious ang sagot.



"Denise," matalim na sambit ni Gino at pinandilatan ako. "Nagtatanong ako nang maayos."



"Oo, pero 'yung tanong mo hindi maayos." Bulong ko at mula sa gilid ay narinig ko ang mahinang pag-ubo ni Yexel. Nang lingunin ko siya ay patago siyang umiling na para bang sinasabi sa'kin na 'wag nang pumatol pa sa boyfriend kong mukhang mainit din ang ulo ngayon. 



It's December and the weather outside is cold. I guess masyado pa ngang maaga para ma-badtrip ako at ayoko rin naman na mag-away kami ni Gino dahil lang sa parehas kaming bad mood―although I'm sure it's probably just me. Badtrip lang ang mokong na 'to dahil ang ikli ng shorts na suot ko. Kakain nalang muna ako para matahimik na 'tong mga alaga sa tiyan ko. "Si Lindsey ang pumili ng damit ko. Okay?" I tell him with a sigh.



Nakita kong lumingon si Gino kay Lindsey na ngumiti lang nang abot-tenga bago nag-peace sign. Maya-maya'y napabuntong hininga nalang din siya at pinigilan ako nang sana'y maglalakad na ako papunta ng counter. Hinubad niya ang suot na jacket at inabot sa'kin. "Itali mo sa bewang mo."



Tahimik ko lang itong kinuha at sinunod ang kanyang sinabi at tsaka na naglakad paalis. Inasahan ko na naman itong reaksiyon na 'to mula kay Gino kaya pinilit ko talaga si Lindsey na palitan 'yung shorts pero makulit din 'yung isang 'yon. Ayos lang naman sa'kin na ganito siya protective dahil hindi rin naman ito over the line. He still lets me wear whatever I want, lalo na kapag magkasama kami. May mga pagkakataon lang talaga na totopakin siya at magagalit sa suot ko. 

Don't Look Back (A Depression Awareness Story) [Revising]Место, где живут истории. Откройте их для себя