Chapter 28: Soulmates

Start from the beginning
                                    

Soulmates. Siguro nga. Baka nga siya ang soulmate ko kaya ganito na lang ang connection naming dalawa.

"At dahil soulmate kita, alam kong naiinis ka na nakikita silang magkausap pero ikaw hindi niya kinakausap o iniinis tulad ng dati. Nagseselos ka sa kanilang dalawa."

"Excuse me?! Ano ba 'yang sinasabi mo, Phoenix? Agree ako sa mga una mong sinabi tungkol sa soulmates pero hindi dito? Nababaliw ka lang ata."

"Sige lang. Hindi naman ako ang niloloko mo. 'Yang sarili mo."

"Shut up, Phoenix. Bakit naman ako magseselos?"

"Bakit nga ba?" Nakakaloko niyang tanong at nginitian lang ako. "Ikaw na bahalang maghanap ng sagot, Ash. Grabe naman na siguro ang pagkamartyr ko kung ako pa mismo ang magsasabi sa pagmumukha mo 'di ba?" dagdag pa niya at tumawa.

Nahinto kami sa pagkwekwentuhan nang makita kami no'ng apat at umupo sa tabi namin.

"Nagsosolo kayo, ha." Natatawang sabi ni Jaydee. Parang kanina lang hindi siya namamansin tapos ngayon..

"Ayang mga gan'yang modus, lalo tuloy kayong napaghahalataan. Akala ko ba – "

"Ang kulit niyo," irap ko sa kanila.

"Pikon ka na niyan?" Tulad kanina ay natatawa na naman si Jaydee.

Sa ginawa niyang 'yon naramdaman ko na naman 'yong parang may nagvibrate na phone na madalas kong maramdaman sa tuwing nakikita ko siya. Minsan ang creepy na.

Hindi ko na lang siya pinansin at humarap kay Marga, "Marga – "

Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang may bigla na lang kumurot sa ilong ko. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko nang malaman na si Jaydee ang gumawa no'n.

"Hindi mo ba ako pinapansin – "

"Ah! Nakalimutan ko na pinapauwi pala ako ng maaga. Sorry, guys, una na ako sa inyo. Bye!" Paalam ko sa kanila sabay takbo paalis ng lugar na 'yon.

Kasabay nang pagtakbo ko ang mabilis na takbo rin ng puso ko. Magkakasakit pa ata ako.

***

Paikot-ikot ako sa kama ko dahil pilit kong iniisip ang sagot sa tanong ko. Nagseselos nga ba ako? At bakit naman ako magseselos kay Aubrey at Jaydee?

Hindi kaya may gusto na ako kay Jaydee? No. No. No. Hindi pwede. Wala naman siyang ginawa kung hindi inisin lang ako. Tapos wala sa kanya 'yong hinahanap ko sa isang lalaki. Isa pa, may gusto siyang iba. Si Ate Sab. Or baka si Aubrey na? Ewan ko. Basta hindi.

"Of course magseselos siya." Napatayo ako nang marinig ang boses ni Ate Cass. Wala naman siya sa kwarto ko kaya sumilip ako sa may pinto. Nasa may tapat siya ng pinto ng kwarto niya at hawak ang keychain niya. Hinahanap ata niya 'yong susi sa room niya. "Tanga ka ba, Zac o ano?" sabi pa niya sa kausap niya sa kabilang linya.

Napapadyak siya kaya nabitawan niya ang susi. Ang dami kasi niyang bitbit kaya hindi magkandaugaga. Nagshopping kasi.

Nang makita niya ako, she mouthed the word, "Help." Kaya lumapit ako at kinuha ang keycain niya at hinanap ang susi sa kwarto niya.

"Ilang years na ba kayong friends ni Megan? Three? Two?" tanong niya sa nasa kabilang linya. "You're so dense. Nagseselos nga siya! Sa tingin mo bakit siya nagseselos? Malamang kasi gusto ka niya!"

Nabitawan ko ang susi kaya napatingin sa akin si Ate Cass at napakunot ang noo. Pinulot ko ulit agad 'yon at nang makita ang susi ay binuksan ko na ang pinto niya at saka nagmamadaling dumiretsyo sa kwarto ko.

Damn it.

Hindi nga kaya.. may gusto na talaga ako kay Jaydee?

***

Ilang beses akong nilalapitan at kinukulit ni Jaydee na parang dati lang pero hindi ko siya pinapansin. Una, kasi natatakot ako. Pangalawa, kasi kahit anong pilit kong tanggi sa sarili ko na gusto ko siya, hindi pa rin mabura na wala na akong magagawa kasi nga gusto ko na talaga siya. Pangatlo, kasi nahihiya ako na nagseselos ako sa kanilang dalawa ni Aubrey. Parehas ko silang kaibigan tapos nagseselos ako sa kanilang dalawa. Kaya lang kasi mas nagiging close na sila kumpara noong una.

Last day na ng school year pero paiwas-iwas pa rin ako. Nakakaloko na talaga 'to.

"Maybe MU na sila?" dinig kong sabi ni Marga kay Rocco. Pinag-uusapan kasi ng dalawa si Jaydee at Aubrey. "Girl, may ano sa inyo ni Jaydee?" tanong ni Marga nang hindi na makatiis. "Lately nagiging super close niyo na."

Ngumiti si Aubrey sa kaniya at saka kumindat at dumila.

Sa naging reaksyon niya parang may kumurot sa puso ko. Kung walang something sa kanila, didiretsyuhin naman ni Aubrey si Marga na friends lang sila. Kaya lang hindi niya ginawa.

"Parang ang lata mo naman, Ash. Is it because of the exams?" tanong sa akin ni Aubrey.

Umiling ako at ngumiti lang sa kaniya.

"Alam mo, Aubrey, napansin ko lang.. kapag magkausap kayo ni Jaydee iba 'yong ngiti niya. Ang genuine. Hindi pilit, hindi mapang-asar. Siguro ang saya niya talaga kapag magkausap kayo, ano? I think he likes you. At maswerte ka. Kasi ibang klase siya magkagusto. Syempre swerte rin siya sa 'yo." Hindi ko na makontrol ang bibig ko at kung anu-ano na ang lumalabas dito. "Take care of him."

"Ash – "

"Ash! Tara na!" tawag sa akin ni Phoenix.

Nagpaalam lang ako kay Aubrey pati na rin kila Marga at saka tumakbo papunta kay Phoenix para umuwi.

***

"Congratulations at nakatapos ka na naman ng isang buong taon sa school!" sigaw nila Ate Zoe kaya napangiti ako.

Nasa No Name kami at nagcecelebrate kasi nakatapos na naman ako ng isang school year habang sila ay nakatapos na rin ng finals.

Habang nagkakatuwaan ay bigla na lang may tumabi sa akin at nang makita kong si Jaydee 'yon, kahit gustuhin kong umalis sa kinauupuan ko at lumayo sa kaniya, hindi ko na magawa.

"Hindi na kita nakita kanina, ha? 'Yong tatlo na lang inabutan ko nang makarating ako sa may bleachers," sabi niya sa akin.

"Ah, kasi umuwi na rin ako agad."

"Ah, okay."

Nakatahimik kaming dalawa kahit na ang mga tao sa paligid namin ay sobrang ingay. Nagvibrate ang phone niya at tiningnan niya 'yon saka tumingin sa akin, "I have to go." Agad? Kakarating lang niya, ha? Ah. Siguro magkikita sila.

"Sige, ingat." I smiled at him.

Paalis na sana siya pero napahinto siya at lumapit ulit sa akin.

"Ash, ano.. bukas. If it's okay, please accompany me somewhere. I'll be waiting in front of the school gate. 3pm. Bye."

Wanted: SomeoneTo LoveWhere stories live. Discover now