Chapter Eight: Binabagyong Puso

Magsimula sa umpisa
                                    

     "You guessed it right, I'm crazy."

     "Na-inlove ka na ba dati?"

     "Hindi ka naman maniniwala sa isasagot ko sa tanong mo na 'yan."

     "Ano nga?" Umiling lang ito. "Hindi ka pa nai-inlove?"

     "Sa totoo lang, never."

     "H-hindi ka naman bakla?"

     "Wala pa rin akong nagiging crush na lalake so sure akong babae ang gusto ko. But the feeling of being in-love? Crush siguro meron, yung nakikita ko sa TV."

     "Mukhang mataas ang standards mo ah."

     "Simple lang naman ang gusto ko, yung masarap kausap. Alam mo kung bakit? Kasi ang hitsura ng tao nagbabago at pagtanda niyo, kapag nagawa niyo na lahat ng bagay na gusto niyo at naabot na lahat ng pangarap niyo, wala nang matitirang puwedeng gagawin kung hindi ang magusap."

     "Naniniwala ka ba sa soulmates?"

     "Wow deja vu ba 'tong tanong na ito?"

     "Just answer my question, please." 

     "Ngumiti ka muna? Kanina ka pa nakasimangot eh. Sa oras na ngumiti ka, sasagutin ko 'yang tanong mo." Sa wakas at sumilay na rin ang ngiti sa mga labi ni Ginny sa unang pagkakataon sa araw na iyon. "Ayan, ngingiti ka rin naman pala eh."

     "Ngumiti na ang tao, kaya sagutin mo na ang tanong ko. Do you believe in soulmates?" 

     "You've been fooled! Hindi ko sasagutin ang tanong na 'yan!" Nagsimulang tumakbo palayo si Jordan. "Halika, habulin mo muna ako! Come on Ginny bebe! 'Pag nahabol mo ko saka na kita sasagutin." pangaasar ni Jordan. Walang nagawa si Ginny kung hindi ang humabol sa mapangasar na lalake. 

     "Sa oras na mahabol kita ay pagsisisihan mo!" 


     Matapos magimpake ng dalawa ay pumunta na sila sa may reception. Nandoon si Aida na kasalukuyang nanonood ng telebisyon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay unti unting nagdidilim ang paligid at nagsisimula na rin ang pag-ambon. Lumalakas ang ihip ng hangin na tila ba isang bagyo ang parating. "Signal no. 2 na pala, hindi ligtas na bumiyahe pa kayo. Tingnan niyo ang balita, may papalapit na bagyo sa Pilipinas." Napatingin ang dalawa sa telebisyon, isang sikat na weather forecaster ang kasalukuyang nagbabalita tungkol sa bagyong Ising. 

     "I guess we're stranded here mahal na kamahalang Ginny." 

     "Libre na ang gabing ito para sa inyo, tutal masama naman ang panahon. 'Wag na muna kayong tumuloy, ipagpabukas niyo na lamang ang pa-Quezon niyo." pag-aalok ni Aida. 

     "Naku, salamat po ate Aida. Hindi na po kailangan ang libre, may pera pa naman po kami dito." sabi ni Ginny. Mura lang naman isang gabi sa resort na ito lalo na at low season naman. 

     "Basta dito na kayo ngayong gabi kung ayos lang sa inyo. Kung aalis pa kayo ay mag-isa na lang ako sa resort na 'to. Aba eh takot na takot ako sa kulog at kidlat, hindi ko kayang mag-isa." sincerong sabi ni Aida. 

     "Ate Aida sige po dito na lang po kami ngayong gabi hanggang sa umalis na ang bagyo." tugon ni Jordan. 

     "Oo nga ate Aida, wala naman pong problema."


     Tumaas hanggang sa signal no. 4 ang warning signal para sa Cagbalete Island nang hapong ding iyon. Hindi nagtagal ay namatay ang kuryente at nawalan ng signal ang kanilang mga telepono. Mabuti na lang at may hinandang flashlight si Aida. Napagdesisyunan ng tatlo na manatili sa common area ng resort kung saan naroroon ang reception, kusina at kainan. "Ate Aida ako na lang ang magluluto ng hapunan natin." alok ni Jordan na hindi naman hinindian ni Aida. 

     "Sige ba, walang problema basta sarapan mo ha!"

     "Walang problema, ngayong gabi ako na muna ang chef sa resort na ito. Sisiguraduhin kong masasarapan kayo sa iluluto ko." pagyayabang ni Jordan na sinabayan ng kulog. Humagikhik naman ng tawa si Ginny. 

     "Tingnan mo, hindi sangayon ang langit sa'yo!"

     "Baka 'pag natikman mo ang luto ko ay hanap hanapin mo na ako Ginny. Mai-inlove ka sa akin, sinasabi ko sa'yo."

     "Wala ba talaga kayong relasyon? Bagay sana kayo eh. Mga bagay tulad ng pag-ibig ay hindi na dapat pinatatagal ang panliligaw." sabat ni Aida. 

     "It's complicated po ate Aida, at hindi po niya ako nililigawan. Magkaiba po kami ng gusto, hindi po siya naniniwala sa soulmates at aminadong never pang na-inlove, samantalang ako ay nabuntis ng lalakeng inakala kong ako lang ang mahal." tugon ni Ginny. "Siguro sa susunod na lifetime na lang, kung magkaiba ang serkumstansya, ay bakit hindi po?" Natahimik ang lahat sa sinaad ni Ginny. "Hindi ko pa nga alam kung anong sunod kong gagawin sa buhay ko, sa totoo lang ay ayaw ko muna pumasok sa isang relasyon. Gusto kong ayusin muna ang sarili ko at ng magiging anak ko."

     Napabuntong hininga si Jordan at sa halip ay pinagpatuloy na lamang ang ginagawa sa kusina. "Ay siya nga, komplikado nga ang sitwasyon mo ngayon Ginny. Pero kahit anong mangyari, ay 'wag na 'wag kang susuko. Kapag naiayos mo na ang buhay mo ay saka ka umibig muli, pero sinasasabi ko sa'yo, 'pag tumibok na 'yang puso mo ay wala ka nang magagawa."

     "Sana nga po ate, sana po dumating ang panahon na tumibok ulit ang puso ko."

     

Sakit ng KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon