CHAPTER 1

11.4K 137 15
                                    

"Ugh!" I woke up that day dahil sa sunud-sunod na ingay ng doorbell. "Syete! Ang sakit ng ulo ko," I stood up while massaging my temple.

Medyo napasubo kasi ako ng inom kagabi sa bar with my two besties, Pamela Asuncion and Bethaly Maligaya aka Betchay. Wala naman kasing pasok sa opisina ngayong araw dahil Sunday kaya ayos lang kung mag-bar hopping kami.

And thank God, kahit nakainom ay nakauwi naman ako ng maayos sa condo ko.

Pam and Betchay are my BFFs since first year college at William University. We became BFFs since we took up the same course which is Business Management. The three of us are not just only BFFs but we're also like sisters.

When I opened the door, my forehead crumpled and at the same time I was stunned.

Standing in front of me is a drop dead gorgeous man. The most gorgeous man I have ever seen in my entire life.

He was only wearing a pair of slippers, faded jeans and a white V-neck shirt na hapit sa katawan nito. Simple yet he looked like a model. Walang panama si Channing Tatum at Ashton Kutcher dito.

'Nyeta! Ang gwapo,'
sa isip ko while biting my lower lip. 'Gosh! His biceps. His Triceps. Syete! Nakakatakam.'

Biceps and triceps palang 'yon. What more ang katawan nitong nakatago sa T-shirt nito?

'Heaven,' at lihim akong napahagikgik sa naisip.

Napako ang tingin ko sa mukha nito.

'Perfect.'

His expressive light brown eyes, pointed nose, rosy cheeks and kissable lips na kay sarap halikan. All of it denotes a perfect description of a man.

Siguro nang ibuhos ng langit ang kagwapuhan sa mundo ay sinalo nito lahat-lahat.

"Like what you saw?" he smirked.

"Huh?" Doon ako natauhan.

"Can I come in?"

"S-Sure," I stammered.

Nang mapadaan ito sa harapan ko ay hindi ko mapigilang mapapikit at mapasinghap nang malanghap ko ang panlalaking amoy nito.

'Syete! Ang bango-bango niya.'

"Hey, are you okay?"

I automatically opened my eyes, "Huh?"

Napailing-iling ito at humakbang palapit sa akin. "I'm asking you if you are okay."

Napaiktad ako nang sinalat nito ang noo ko. Nakaramdam kasi ako ng tila libu-libong kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko nang dumaiti ang palad nito sa balat ko.

"Wala ka namang lagnat."

"Ah-eh," parang napapasong tinanggal ko ang kamay nito. I took a deep breath to calm myself then shook my head to get back my senses. "W-Who are you?"

Ang tanga ko lang 'di ba? Ngayon ko lang na-realize na nagpapasok na pala ako ng tao sa condo ko na hindi ko naman kilala.

Paano pala kung magnanakaw 'to o kaya ay rapist and worst mamamatay tao? Eh di baka bukas o kaya'y mamayang gabi nakalutang-lutang na sa ilog pasig ang walang buhay kong katawan.

'Landi mo kasi. Nakakita ka lang ng gwapo, natulaley na kaagad ang beauty mo,' anang isang bahagi ng isip ko.

My Sperm Donor (R18) #Wattys2016Where stories live. Discover now