Ken's POV
“Nandito na tayo!“ bigla kaming tumigil sa harap ng isang restaurant.
Pareho kaming hingal kakatakbo
Tumingin siya saakin at dahan dahan na kami naglakad papunta sa loob.
“Nadiskubre ko toh nung naghahanap ako ng makakainan. ang maganda dito pwedeng ikaw ang magluto Tara!“
Bigla niya nanaman hinila yung kamay ko. Ngayon ko lang napansin na magkahawak pala kami ng kamay simula kanina.
Ang lambot ng kamay niya. Nasa langit na ba ako?
Tumingin ako sakanya pero nakangiti parin siya. “Hai Chef!“ humarap saamin ang mga nasa thirties na lalaki.
“Iha buti nandito ka uli! Sino ang kasama mo iha?“ Lumapit kami.
“Chef si Ken niligtas niya ako kanina sa masasamang loob malapit sa palengke. Ken si Chef“
Nagbow naman ako. “magandang hapon po.“ binati niya rin ako bago bumaling kay Alexia
“Ikaw ba ang magluluto iha?“ Tumango naman siya. “Oh siya maiiwan ko na muna kayo dito at aasikasuhin ko ang iba pang costumers“
nagpasalamat naman siya kay Chef at ganun din ako. “Sige maupo ka muna jan madali lang ito“
“Ah... pwede bang tumulong nalang?“ nag isip naman muna siya. “Sige! eto balatan at hiwain mo nalang kaya mo?“ tumango ako. Mag isa lang ako sa bahay kaya malamang alam ko magluto.
Sinimulan kong balatan at hiwain yung sibuyas at bawang pati patatas.
Nag defroze naman siya ng karne ng manok.
Nang nagluluto siya ay ayaw niya akong palapitin.
“Sige na kasi Alexa gusto kong tumulong“ Ngumiti lang siya saakin at hindi na ulit pinansin.
“Ang kulit mo din noh! pero sorry ka tapos na eh“ nilapag niya agad sa harap ko ang bowl.
Adobo at curry.
“Amoy palang. hmmm.“ ngumiti lang siya sa tinuran ko at naglagay ng kanin at ulam sa plato ko.
“Ay teka! dapat ako gumagawa nun ei?“ sita ko sakanya.
“Hindi... pasasalamat ko nga toh saiyo ei“ sabi niya habang nilalagay yung curry sa plato ko.
Tumayo ako at pinaghila siya ng upuan
“Hayan umupo ka“ Pinilit ko siyang maupo. Natawa lang siya at sumunod.
Naglagay ako ng kanin sa plate niya at adobo.
“Tara kain na tayo?“ tanong ko bago umupo.
“Salamat.“ani niya. Sumubo ako ng adobo at sinunod yung curry.
“Hindi ba masarap?“ tumingin ako sakanya at naka abang siya sa isasagot ko.
Umiling ako Mukha naman siyang nalungkot.
“hindi masarap kasi sobrang sarap!“ sabi ko na ikinagulat atah niya.
“Kala ko hindi mo nagustuhan.Alam mo ba may secret recipe ako“ kumain na din siya tulad ko.
“weh? ano naman? wala naman akong malasahang kakaiba e“ puna ko bago sumubo ulit. Masarap talaga walang halong biro.
“secret recipe nga ei.secret kasi.tsaka pag sinabi ko hindi na secret. simpleng recipe nalang ang niluto ko.“ tumingin siya saakin bago ngumiti.
Minsan hindi ko siya ma gets.
Natapos kaming kumain at nagprisinta akong mag bayad.
“Naku hindi na. ako na diba nga libre ko toh.“ umiling ako sa sinabi niya at hinablot ang bill sa kamay niya.
“Hindi ako na.“ hinila naman niya pabalik yung bill.
“Ako na sabi ei. pasasalamat ko lang sayo“ Tumayo siya pero hinila ko siya sa braso dahilan para ma out balance siya at napasubsob sa dibdib ko.
Hinablot ko agad yung bill bago siya maka tayo ulit at mabilis nag punta sa counter at nagbayad.
“Tapos na ko mag bayad. Tara?“ Tumingin ako sakanya at namumula siya.
“T-teka may sakit ka ba?“Hinawakan ko ang noo niya pero hindi naman siya mainit.
“W-wala. Sa-salamat.“ Nakayuko naman siya ngayon. May ginawa ba ako?
“Galit ka ba na ako ang nagbayad sa bill? ano-ano sorry. sorry“ tumingin naman siya saakin.
“Hindi. hindi ako galit. M-may naisip lang.“ sabi niya with hand gestures pa.
Lumapit kami kay Chef at nagpaalam.
“mag iingat kayo! balik kayo ah!“ ani ni chef habang kinakawayan kami.
Sabay kaming lumabas at napansin naming gabi na.
“Ahmm. a-ano...kas-kasi Alexia pwede-pwede ba kitang mainvite maglakad s-sa tabing d-dagat?“ napakamot ako sa batok at nakita kong nakatingin siya sa kin.
“Sige tara!“ ngumiti siya at sabay kaming naglakad. Grabe ang ganda talaga niya. *drool*
erase.erase. Nagmumukha naman akong manyak nun.
Habang patuloy kaming naglalakad ay hindi ko maiwasang tignan siya.
“Alam mo nakakahalata na ako.“ tumigil siya sa paglakad at ganun din ako.
Tumingin siya sa mata ko
“Crush mo ba ako Ken?“
___________
=========
#vote
#comment
#iHARTyou
missflinthearted
YOU ARE READING
Living Death
Teen FictionLiving Death Hindi pagiging isang zombie kundi pamumuhay ng walang pagpapahalaga walang nagmamahal saiyo pamumuhay ng may palugit ngunit ang pag ibig ang magpapabago ng lahat ang kapangyarihan ng LOVE ang babago sa buhay niya mula sa pagiging LIV...
