Sa university library ng Seoul Arts and Culture College, malalim ang katahimikan kahit past lunch na. Nakaupo sa pinakalikod si Woo Seulgi, hawak ang psychology textbook pero hindi doon nakatuon ang utak niya. Tulad ng ilang linggo na ang nakalipas, nasa ibang frequency ang isip niya isang lihim na wavelength na konektado lang sa isang tao: Yoo Jaeyi.
Sa bawat sulok ng utak ni Seulgi, naroon ang imahe ni Jaeyi. Ang ngiti. Ang mata. Ang tinig. Ang huling mensahe.
“You’re almost ready.”
Anong ibig sabihin nun?
---
Nagkibit-balikat si Choi Kyung habang dahan-dahang lumapit, bitbit ang dalawang bottled coffee. “Uy,” sabay lapag ng isa sa mesa. “Anong pinoproblema ng best friend kong may sariling mundo?”
Napabalikwas si Seulgi, agad na tinakpan ang phone.
“Wala! Um, nothing. Notes lang.”
“Sure,” sagot ni Kyung habang umupo. “Baka naman ‘yung notes mo kay Miss Jaeyi ulit?”
Tahimik si Seulgi.
Hindi na kailangan ng sagot. Kita na sa mata.
---
Habang sa kabilang panig ng lungsod, sa isang high-rise private condo, nakatayo sa harap ng salamin si Jaeyi. Naka-bathrobe lang, bagong ligo, habang pinapatuyo ng towel ang buhok. Sa tabi niya, naka-on ang tablet na nagpapakita ng CCTV footage mula sa university library.
Her personal project. Hidden cam naka Long-range, Illegal, Dangerous but brilliant.
At sa maliit na screen, kita niya si Seulgi. Nakayuko. Nagbabasa. Tumatawa ng kaunti kasama ang kaibigan. Buo ang tingin ni Jaeyi sa kanya.
“She’s perfect,” mahina niyang bulong.
Hindi ito infatuation.
Hindi ito crush.
It was possession.
---
That same afternoon, dumiretso si Seulgi sa convenience store malapit sa campus. Mag-isa. Low energy. Pagod mentally sa kakaisip kung ano ang susunod na galaw.
And then tumigil ang mundo.
Dahil sa tapat ng refrigerated drinks, naroon ang taong halos isang taon na niyang ini-imagine lang sa mga screen.
Yoo Jaeyi...
Walang makeup, nakasombrero, simpleng hoodie. Pero imposibleng hindi siya. ‘Yung mga mata… ‘yung presence. Parang may sariling gravity.
Tumingin si Jaeyi sa kanya.
Tuwid. Diretso. Walang ngiti, walang kilig.
Pero may kilabot.
Nagkatitigan sila.
Dalawang segundo.
Tatlo.
Apat.
At bigla lumakad si Jaeyi palapit. Hindi ‘yung tipong nagmamadali. Hindi rin casual. Parang sigurado siyang dapat siyang lumapit.
---
“I..im your fan,” mahinang sabi ni Seulgi, halos hindi lumalabas ang boses.
Tumigil si Jaeyi sa tapat niya. Nakatingin lang. Tahimik.
“Alam ko,” sagot niya.
Napakapit si Seulgi sa strap ng bag niya. “Totoo ba ‘to?”
“Tanong ko rin sa’yo ‘yan noon,” sagot ni Jaeyi. “Kung totoo ka ba.”
Nag-init ang katawan ni Seulgi, hindi dahil sa hiya o kilig, kundi dahil sa takot na hindi niya maipaliwanag.
“Teka..paano mo..?”
“Gusto mo ba akong makilala?” putol ni Jaeyi.
“Ha?”
“‘Yung totoo. Hindi ‘yung nasa TV. Hindi ‘yung sinasabi ng articles. Gusto mo ba ako talaga?”
Napalunok si Seulgi. “Oo...”
Ngumiti si Jaeyi, manipis. Matalim. Halos hindi smile.
“Then follow me.”
---
Walang paliwanag. Walang planado. Pero sumunod si Seulgi.
Mula sa convenience store, naglakad sila papunta sa isang alley. Hindi matao. Madilim kahit hapon pa lang. Tumigil si Jaeyi sa harap ng itim na sasakyan. Bukas ang pinto.
“Dito tayo,” sabi niya.
“P-pwede ko bang malaman kung saan tayo pupunta?”
“Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?” tanong ni Jaeyi habang lumalapit sa kanya. “Sayang. Akala ko handa ka na.”
Napakagat-labi si Seulgi.
Tumingin siya sa loob ng sasakyan. Malinis. May faint scent ng perfume. Paglingon niya muli kay Jaeyi, parang wala nang ibang boses sa mundo kundi ‘yung kanya.
“Sige,” mahinang bulong niya. “Handa na ako.”
Umupo siya sa loob.
Sinarado ni Jaeyi ang pinto.
---
Somewhere in the back of her mind, may sigaw na nagsasabing tumakbo, umatras, humingi ng tulong. Pero mas malakas ang boses na bumubulong:
> “Ito na ang simula.”
At sa isip ni Jaeyi, habang pinapapadyak ang driver sa direksyon ng kanyang private studio:
> “At sa wakas, hawak ko na ang pisi ng laruan ko.”
---
Jaeyi's POV
Tinanong ko siya kung gusto ba niya akong makilala.
Not the fantasy.
The real me.
Nang umoo siya, alam kong nahulog na siya.
Wala nang atrasan.
---
Sumunod siya sa akin papunta sa sasakyan. Tahimik. Nanginginig.
Pag-upo niya sa loob, sinara ko ang pinto.
Sa loob ng car, walang nagsasalita. Pero naramdaman ko sa katawan niya ang hindi mapigilang pag-angat ng kilig, takot, at something darker.
Something she doesn’t even understand yet.
---
I looked at her out of the corner of my eye.
“Excited ka ba?” tanong ko.
“O-oo...” mahina niyang sagot.
“I’m not like what you think,” dagdag ko.
“Alam ko. Gusto ko pa rin.”
Sinungaling.
Pero cute.
---
Sa loob-loob ko, natawa ako. Hindi dahil sa sinabi niya. Kundi dahil sa pagkakaintindi ko sa kanya nang mas malalim kaysa sa pagkaintindi niya sa sarili.
Hindi niya ako gusto dahil idol ako. Gusto niya ako dahil ako ang salamin ng pinakatagong bahagi niya.
Obsession, Craving at Violence.
At gusto ko siyang panuorin habang unti-unti niyang nilalamon ang sarili niya.
---
Habang umaandar ang kotse paalis ng lungsod, pinikit ko sandali ang mata ko at sinabing:
> “Ito na ang simula, Seulgi.”
YOU ARE READING
Deadly Bias [COMPLETE]
FanfictionTitled: Deadly Bias ( Taglish ) Genre: Dark story, Love Romance, obsession, psycho. Under the glimmering lights of fame, Yoo Jaeyi is South Korea's sweetheart a top idol turned award-winning actress, adored by millions. Her smile melts hearts. Her p...
![Deadly Bias [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/393386916-64-k471331.jpg)