Chapter 20

7 1 0
                                        

Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa pagitan namin ni Jan habang nakaupo sa magkabilang sofa. Walang kahit sino ang may balak na magsalita at ramdam na ramdam ang namumuong tensyon sa aming dalawa. Ipinagpapasalamat ko pa nga na nakabukas ang tv na nagbibigay ng kaunting ingay, kung hindi ay baka kung ano na ang naiisip ko sa hindi namin pag-uusap ni Jan.

Niyaya nya ako kaya naman inaantay kong sya ang unang magsalita. Pinauwi ko na din si Zairo dahil doon. Ayoko namang marinig pa nya kung ano man ang pag-uusapan namin. Gusto kong manatili nalang iyon sa pagitan namin ni Jan.

"Uh, I don't know how to start this, but I want to talk to you. And heaven knows how many times I tried but failed to do so." Napatingin ako kay Jan nang magsalita na sya.

"Kumusta ka na?" Pagputol ko. Alam kong nahihirapan pa syang sabihin ang mga gusto nya kaya naman uunahan ko na. Dahil nga doon ay napaangat ang tingin nya sa akin.

"I don't know. I can say that I'm doing fine, but you're the one asking me, so I can't lie. I don't want to lie to you." Umiwas sya ng tingin at huminga ng malalim bago ulit tumingin sa akin. "Our situation made me miserable. I know I should fix it from the start, but I'm afraid, Yesha. I am afraid that if I talk about it, it will make things worse. You're drifting away from me, and I can't stop that. You have your life, I know that, but at the moment, I want to be selfish and own you. It was bad, so I try to distance myself when I can't." She ended up crying. Nakatingin lang ako sa kanya at pilit pinoproseso lahat ng sinabi nya.

​Gusto nyang maging selfish? Bakit?

Hindi ko maintindihan ang parteng iyon. Maayos naman ang pagkakaibigan naming dalawa kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit kakailanganin pa nyang maging selfish pagdating sa akin. Dahil ba sa tingin nya ay naaagaw na ako ng ibang tao sa kanya? Hindi ko naman sya ipagpapalit kahit na kanino dahil sobra kong pinahahalagahan ang pagkakaibigan namin o kung ano man ang mayroon sa amin.

Kahit naguguluhan ay mas nanaig pa rin sa akin ang ideyang intindihin nalang sya at kung ano pa ang mga bagay na hindi nya masabi. Mas gugustuhin ko pang magkaayos nalang kami kaysa alamin ang mga rason nya kung bakit natiis nyang hindi ako pansinin at kausapin ng matagal na panahon. Maibalik lang namin ang dating pagsasamahan ay mas importante para sa akin. Dahil pagkatapos naman nuon ay magkakaroon na kami ng mas mahabang panahon para ipahayag ang mga bagay na hindi pa namin kayang sabihin sa ngayon. Ang kausapin ako at humingi lang sya ng tawad ang mahalaga sa akin para malaman ko na babalik pa sya.

"Hindi mo na kailangan pilitin ang sarili mo na magpaliwanag. Siguro mas kailangan mo pa ng oras at buong puso ko iyon ibibigay sayo habang pinupunan natin yung mga panahon na nasayang natin. Ang mahalaga sa ngayon ay nagkaayos na tayo." Nilapitan ko sya at hinawakan ang mukha nya para makita ko iyon ng maayos. Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha nya kaya naman agad ko iyon pinahid gamit ang hinlalaki ko. Nang kumalma sya ay agad nya akong hinila upang yakapin. Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya at tinapik-tapik ang likod nya.

Nagtagal pa kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago napagpasyahan na magkasamang maghanda ng makakain. Habang ginagawa namin iyon ay nagsimula na rin kaming magkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin ng mga nagdaang buwan. Nasabi rin nya sa akin na ilang beses nyang pinigilan ang sariling lumapit sa akin para kausapin ako. May mga pagkakataon din daw na si Jihad ang pumipigil sa kanya dahil alam nito ang pinagdadaanan nya.

Napunta tuloy kay Jihad ang pag-uusap namin. Tinanong ko sa kanya kung paano sila naging malapit ni Jihad at kung ano ang mga ginagawa nila tuwing magkasama sila. Simple nya lang iyon na sinagot. Nagsimula daw silang nagkausap nung camping at mas lalo lang silang napalapit sa isa't isa nang mapansin ni Jihad na umiiwas sya sa akin. Simula din daw nuon ay lagi na sya nitong sinasamahan at nagiging tulay nya para ipaalam na may pakialam pa rin sya sa akin kahit hindi kami nag-uusap. Naalala ko tuloy yung bigla akong binigyan ni Jihad ng pagkain at ng kung ano-ano pa na napaisip ako kung bakit nya iyon ginagawa. Kapag magkasama naman daw sila ay puro pag-aaral ang inaatupag nila. Nagtutulungan silang gumawa ng mga gawin at magreview ng mga lesson namin. Nang itanong ko naman kung nagkakamabutihan ba sila ay mabilis nya iyon na itinanggi dahil kahit isang beses daw ay hindi nya naramdaman na nagpapakita ng kahit konting motibo si Jihad sa kanya. Malabo rin naman din daw syang magkaroon ng nararamdaman ay Jihad kaya masasabi nya na sinseridad lang pagkakaibigan nila.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jul 21 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

When You Broke Me FirstTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang