Promise

42 8 0
                                    

After class

"Hay natapos na din yung klase." sabay unat unat niya. "Insan uwi ka muna o sasama ka muna samin?" ha? Samin? Sino pa bang ibang kasama.

"Ah Kiel bakit samin may kasama pa ba tayo?"

"Ah haha di ko nga pala nasabi sayo. Tuwing wala kasi kaming gig tumatambay sila samin." Bago ko pa maconfirm kung sinong sila ang tinutukoy niya ay kinaladkad niya na ko papuntang parking lot. Hindi na nga ako nakapagpaalam kela Bhessie o kay Xander man lang.

Malayo pa lang ay nakikita ko na silang kumakaway.

Pagkarating namin dun ay isa isa nila akong binate.

"Hi Alexis." sabi ni Rein na may smiling face. Gwapo niya din nu. Pero mas gwapo yung kuya niya.

"A-Alexis." utal na sabi ni Keith. Naano kaya to.

"Yow Alexis." bati ni Renz. Astig talaga tong lalaking to.

Narinig na lang namin na biglang bunukas ang pintuan ng sasakyan. At niluwa naman nito ang pinakanakakainis ng creture na kilala ko.

"What the? What are you doing here?" sabi niya na nagpakunot naman ng nuo ko.

Rinig ko na lang ang tawanan nila. "Guys ako nag imbita kay Alexis dito. Nandito siya kasi magpapatulong siya saken."

"H*ll no! Your teaching her how to bake that carrot cake kanina? You know she can't do it so wag mo na aksayahan ng oras to teach her." sarap din talaga to batukan ei.

Bago ko pa siya ma flying kick papuntang sun ay sumabat na si Kiel na tungkol sa sasalihan kong club yun. Agad naman silang naexcite para tulungan ako pero siympre mayroong KJ si Xander. -_-

....

Mag tatatlong oras na din kame dito sa bahay nila Kiel. Grabe ang dami ko nang natutunan sa kanya. Sabi niya naman madali lang naman daw ako turuan kaya napapaeasy lang tong ginagawa namin.

Dahil tatlong kategorya ang pagpipilian ay napili ko dito ay ang pagkanta buti na lang at singer tong si Insan matutulungan niya talaga ako. Ako ang pinapili niya ng gusto kong kantahin na song, pinili ko naman ay Rather be by Clean Bandit acoustic version ito at dahil si Kieth ang guitarist ng grupo nila ay kasama din siyang nagtuturo saken. Tinuro nila saken kung saan tataas baba boses ko at kung panu yung kulot kulot na boses.

~~~
When I am with you
There's no place I rather be...

"Ok ok na Insan practice practisan mo lang para mas makuha mo ng maayos." pagkatapos ko naman sumang ayon ay nagpaalam muna siya samin para kumuha ng miryenda namin. Nasa music room kasi nila kame kung saan sila nagpapractice at nagjajamming. Tapos Xander at yung iba naman ay nasa kwarto ni Kiel maglalaro daw sila dun.

Naiwan tuloy kaming dalawa ni Kieth. Awkward naman. Tahimik pa lang tao si Kieth. Kanina pa kasi siya walang imik siguro nahihiya siya saken. Tama! Baka nahihiya nga siya! Nagiisip na ko ng topic namin nang nagsalita siya.

"Bakit kaya nasa labas yung underwares ng mga superheroes?" seryosong saad niya. Na kinatawa ko naman. Pano ngayun ko lang narealize na nasa labas nga yung undies nila.

Bigla naman aiyang tumawa din.

"Alam mo ang lawak ng imagination mo."

"Wala kasi tayong mapag usapan. Eh wala din naman akong maisip na topic." Oo nga naman ako din wala akong maisip kanina. At least nag try siyang kausapin ako.

"Siguro dun nang gagaling yung powers nila nu?" sabi ko na seryosong seryoso na nakatingin sa kanya. Mukhang nabigla naman siya sa ginawa ko kasi iniwas siya kaagad ng tingin. Tapos tumawa naman siya agad. Ano kayang drugs na higop nito at ganito siya. Kung tumatawa pala tong si Kieth ang gwapo niya din tignan ang sweet ng mukha niya kahit may feminine side pa siya.

Saving My First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon