“Bakla tara Paete” narinig kong aya sakin ng kaibigan kong si Joshua matapos naming magdasal.
Kaka labas lang namin sa bahay ng dinasalan para mag hipag ng vape ng biglang sumabat ang isa ko pang kaibigan. “walang sasakyan si Carl, kulang motor. Lakad lakad nalang tayo” si Jansen na mukang gustong gustong gumala nanaman sa buong Saynalu.
“oo nga lakad lakad nalang” pag sang ayon naman ni JC.
Ako in the other hand, wala namang akong pakialam, kung mag stroll man sa Paete, o mag lakad lakad. As long as kasama ko ang mga friend ko, kahit habulin pa kami ng aso laging magiging masaya basta kasama sila.
At matapos ang mahabang diskusyon ng mga kaibigan ko, imbes na mag sama sama kami, ending si Joshua mag isa ang nag stroll pa Paete. “Baka mang lalake nanaman yun, nakakasawa na kasi ang mga lalake”. Litanya ni Jansen nung maka alis si Joshua.
“e oo nga ang fresh pa kaya nung sa Balian Hahahahaha” biglang singit ni Carl at nag tawanan kami lahat.
Habang nag lalakad kami kung saan saan, di ma alis sa isip ko yung nang yare sa Balian.
It was 10 ng gabi ng dalhin kami ni Joshua sa maliit na tulay sa Balian. Anim kami non, si Joshua, Chachi, Carl, JC, Jansen at ako. Habang papalapit sa maliit ng tulay ng Balian ay may natatanaw na kami mga lalakeng around 18-21 years old. And as usual alam na namin ang mangyayare at ayaw ko nalang banggitin dahil maski ako diko mapaniwalaan sa sarili ko kung bakit napunta ako sa part ng buhay ko na yon.
Habang nalulunod ako sa pag alaala ng nangyaring yun sa Balian ay bigla akong napatid at na gising sa pag dadaydream kahit gabi na.
"Ok kalang ate” tanong ni JC.
“Oo ayos lang, may iniisip lang ako” pag da dahilan ko.
"Puntahan natin si Chachi baka nandon, tas bili narin tayo ng Buko shake” singit ni Jansen dahil papa layo na ng papalayo ang nilalakad namin at wala kaming mapuntahan.
At dahil napapagod na kami apat sa pag lalakad, sumang-ayon kami na puntahan ang isa naming kaibigan na si Chachi at mag buko shake sa tabi nitong tindahan.
Habang nasa daan, puro tawanan, laitan, at kung ano ano pa ang ginagawa namin, at iyon sa lahat sa pangunguna ni Jansen dahil sa humor nitong Prangka at minsan may pag ka masama ang ugali.
Papalapit kami sa tulay na malaki ng Gen. Luna, habang abala sa kung ano mang kinekwento ni Jansen at sya naman nagiging sanhi ng tawa ng mga kaibigan kong nag lalakad rin, ay napadpad ang tingin ko sa isang lalake.
Moreno ito, matangkad, payat ang pangangatawan, may medjo katamtamang haba ng buhok, matangos ang ilong, at makapal ang labi. Hindi ko alam kung bakit pag ka daan nya ay napa tulala ako, dahil ba naka sabit yung damit nya sa balikat nya at kitang kita ang mala binatang hubog ng katawan nya, o dahil sa mala basket ball player na tangkad nya?, hindi ko alam pero nahuli ko nalang ang sarili kong hinahabol sya ng tingin, hanggang sa makalampas sya at nag deretso pasalungat sa pupuntahan namin.
Sabi ng nila (Curiosity kills the Cat) well, hindi naman ako cat, at wala rin akong pussy. Kaya dali dali akong bumaling sa kwento parin ng kwento na si Jansen at kinalabit sya.
“kilala mo ba yun mare”
“Ha? sino naman” patakang tanong ni Jansen.
“yung dumaan na Lalake, yung matangkad tas naka hubad? ”. Pag tatanong ko ulit.
“ahh yun ba, Oo kaklase ko yun nung grade 8”.
“weh? Totoo ba? Ano naman pangalan” pag tatanong ko ng may buong pag asa at kaharutan”
“wait........ hm.... Zander ata?. Oo Zander. Allen Zander Medina. ”
"Ah ol thanks” naging bitin ko sagot at binale wala na ang may Malisyosong tingin ng kaibigan ko.
Allen Zander Medina.... hmmm
At dito nag simula ang totoong Fairytale ni Emmie.lab.
