“R-Ram, buntis ako.” saad ko sa aking nobyo na si Ram.
“W-what? It c-can't be, Anastasia. 25 pa lang tayo, m-may may pangarap pa ako.” Hindi mapakaling tugon niya.
“Ipalaglag mo nalang ang batang ’yan, Tasha.” agad akong napangiwi. Ipalaglag? no!
“Hindi puwede, Ram. Anak natin ’to, nasisiraan ka na ba?”
“Nasisiraan ka na rin ba, Anastasia? Ano namang gagawin mo sa b-batang ’yan? Aalagaan?” bahagya syang napatawa, “May pangarap pa ako. Sa tingin mo bang iiwan ko ang pangarap ko para sa batang ’yan?”
“Ayoko, A-anastasia. I'm s-sorry. Hindi pa ako handa maging ama.” Saad nya at agad na naglakad papalayo sa akin.
Tuluyan na nga akong tinalikuran ni Ram. Walang ng ibang bagay pa ang makakapantay sa sakit na aking nararamdaman ngayon.
Iniwan na ako ng lalaking aking minamahal.
“A-anastasia?” Tumawag sa akin ang kaibigan kong si Yumi. Sa kanyang boses, tila sya’y kinakabahan.
“Y-yumi? Bakit ka napatawag?” Saad ko, pinipilit na maging masaya ang tono sa aking pananalita.
“P-patawarin mo kami, Tasha” Saad ng aking kaibigan mula sa kabilang linya, rinig na rinig ko ang kanyang paghagulgol.
“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?”
“Sorry.. Buntis ako. Buntis ako, Tasha.”
Bakit sya nanghihingi ng tawad, kung buntis lang s’ya?
Huwag mong sabihin..
“Si Ram ang ama.”
Tila binagsakan ako ng langit at lupa sa kanyang sinabi.
“S-sinabi ni Ram sa akin.. Hiniwalayan ka na n’ya. At, a-at sa akin s’ya sasama.”
“S-sorry, Tasha. I'm really sorry.”
Na ibagsak ko ang telepono sa lupa.
Sabi n’ya hindi pa s’ya handa maging ama? bakit s’ya sumama sa kaibigan kong nabuntis n’ya?
Ang unfair naman. Bakit kay Yumi s’ya sumama? Bakit sa kaibigan ko pa? Bakit kaibigan ko pa ang binuntis n’ya?
Tila hindi lang ako trinaydor ng aking minamahal, trinaydor din ako ng taong akala ko ay mapapagkakatiwalaan.
Ubos na ubos na ako habang naglalakad. Wala na akong pake kung ano man ang mangyari sa akin sa kalsada. Hindi ko namalayan na sa aking pag tawid, ay may paparating na truck— kasabay ng pagka handusay ko sa kalsada, ang pagdami ng mga tao sa paligid.
Pero nakita ko sina Ram at Yumi, tumatakbo patungo sa aking gawi.
“T-tasha? baby? My god, what h-happend?!” Rinig kong sabi ni Ram. “Yumi! this is all your fault!” dagdag pa niya.
“Tasha, I'm sorry. hindi ko naman alam na magiging ganito ang sitwasyon dahil lang sa prank.”
P-prank?
“Pag may nangyari sa mag ina ko, I will fcking sue you, Yumi!”
Nandidilim na ang paligid, unti-unting pumipikit na ang mga mata ko.
Dahil sa "prank" na ginawa nila, hindi lang isa ang mamamatay, kung hindi dalawa. At dahil sa prank na yun may natutunan ako, na hindi kailanman nababawi ang oras.
YOU ARE READING
Oneshot Stories
Short StoryOneshot stories that will make you yearn for another chapter.
