Chapter 2 - Bye Tita. :(

521 37 4
                                    

Ice's Point of view:


"Talaga? Nice! Magiging masaya ka na nyan! Goodluck sa college life mo! ☺" Wag Vhei! Wag mokong iwan. (Ang drama xD) Promise, gagawa ako ng paraan para di ka matuloy.


"Oo nga e. Sana ikaw din someday." tumalikod nako para di nya mahalata na deep inside, masakit. Ayaw ko kasi talaga mawala bestfriend ko na mahal na mahal ko e. :(


Vhei's POV:


*Tiktilaok sabi ng manok. Gising gising o batang tulog. Ang araw ay sumisikat, bulaklak ay bumubukadkad. Tiktilaok sabi ng manok. Gising gising o batang tulog.*


Pagkagising ko, pumunta ako ng kusina para kumain. Pagbaba ko, nakita kong naghahanda si tita Nessa ng almusal.


"Oh Vhei. Gising ka na pala?" Hindi tita, tulog pako. 'Di ako 'to. Halata ba? "Tara kain na. Nagluto ako ng tocino pati kanin." anong nangyari sa mata ni tita? Bakit parang namamaga?


"Sige po tita. Hmm, tita? Napano po mata nyo?" tanong ko ng nakataas yung kilay.


"Ah eto? Wala to. Nakagat lang ng ipis kagabi. Hehe." Sus! Etchosera din tong si tita e'no? Dalawang mata? Kinagat ng ipis? Pareho? Talaga lang ha?


"Kunwari ka pa tita! Umiyak ka no? Aminin!" paloko kong sabi sa kanya.


"Umiyak? Ba-bakit naman ako iiyak aber?" tinitigan ko si tita tapos nginitian ko sya na parang nang-aasar.


Naluha ulit si tita sabay yakap sakin.


"Ti-tita? Okay lang po ba kayo?"


"Mamimiss kita Vhei." sabi ni tita sabay halik sa noo ko. Grabe. Nakakaawa si Tita. Nagda-doubt tuloy ako kung sasama pa ba ako kay Tita Cora o hindi. Walang kasama na si Tita Nessa e. May sakit pa man din sya. :((((


"Tita naman! Akala ko ba walang iyakan? Ano yan? Baka naman agawan moko sa pagiging best actress ha?" pabirong sabi ko. "E Tita? Sure po bang okay lang sa inyo na sumama ako? Wala na po kayong kasama dito sa bahay nyan e."


"Ano ka ba Vhei! Syempre gusto kong sumama ka at dun mag-aral. Pangarap mo yun diba? Para na rin sa maganda mong future. :)" sweet talaga ng tita ko. Sobrang mamimiss ko talaga sya.


"Sige po tita. Sabi nyo po e. Don't worry tita, I'll do my best para maging maayos future ko. I want to give you great leisures in life, as a return for all the things you've done for me. ☺"


"Nako. Talagang ikaw bata ka. Mamimiss talaga kita Vhei."


"Mamimiss din po kita tita. Supeeeeeeer! Salamat po sa lahat. ☺"


"Tama na nga 'to! Naubos na luha ko kagabi e. Tara kain na tayo."


Habang kumakain, may biglang nag-doorbell. Oo. May doorbell kami! Mayaman kami e! Private school tapos 150.00 php baon!


"Vhei, ayan na ata tita Cora mo. Buksan mo na yung pinto." tumayo ako at binuksan yung pinto.


"Tita Nessa! Si tita Cora nga po!" sigaw ko. "Tita Cora pasok po kayo." Ang galang ko diba?


"Vhei? Ang laki mo na ha?" sabi ni tita Cora.


"Ah, hehe. Tara na po sa loob." em speechless.


Pagkatapos kong kumain, sinabi sakin ni tita Nessa na mag-ayos na at mag-uusap muna daw sila ni tita Cora.


Umakyat nako at nag-ayos na nga. Nung tapos nakong mag-ayos, 'di pa rin sila tapos mag-usap! -.-


After 2383926734567287320678 years, tinawag nako ni tita Nessa dahil aalis na daw kami ni tita Cora.


"Tita!" sabay yakap ko kay tita Nessa. "Tita mag-iingat po kayo ha? Wag nyo pong kalimutang inumin yung mga gamot nyo. Isa kada limang oras. Yung mga pinto po, quadruple lock nyo. Wag po papalipas ng gutom. Bawal din po magpaligaw ha? Iloveyou po tita!"


"OPO." sabi ni tita sabay tawa. "Osige na, alis na kayo. Baka tanghaliin kayo e. Bye Vhei! Alagaan mo tita Cora mo. Wag kang pasaway okay?"


"Opo tita. Promise. Sige po alis na kami. Bye tita."


"Oh ano Vhei? Tara na?" yaya ni tita Cora.


"Ahh, eh." di nako pinasagot ni Tita Cora tapos dumiretso na sya palabas. BASTUSAN!?


Pagkalabas namin ng gate, nakita ni tita Cora na butas yung gulong ng sasakyan nya. Nagtaka sya kung bakit. Di naman daw butas yun nung dumating sya.


"Oh Cora, may problema ba?" wala tita Nessa, wala. Obvious ba?


"Ah, oo e. May sira ulo atang nagbutas ng gulong ng sasakyan ko. Kung kelan paalis naman o. San ba may malapit na vulcanizing shop dito?" tanong ni tita Cora.


"Kila mang Turing po tita!" sabat ko. "Tara po samahan ko kayo."


Pumunta kami kila mang Turing pero, HIMALA! Wala sya. Hindi naman umaalis yun kasi laging walang pera e -.-"



Siguro hanggang sa point na to medyo nabobored parin kayo. Pero simula sa chapter 3 hindi na :) I swear. Kaya keep on reading.


Vote, comment, and be a fan :*

Ang LOVE ay parang MATH, so CONFUSING!Where stories live. Discover now