Nine: decisions

Magsimula sa umpisa
                                    

“basta, kahit suyang-suya ka na sa’kin, suyang-suya ka na’t araw-araw mo kong nakikita” kasi malapit ng hindi na kita Makita.

“sawang-sawa na kaya ako. Hahaha”

Pinalo ko sya.

“ewan ko sa’yo” tapos inakap ko pa sya ng mahigpit saka ko kinagat yung braso nya.  *U*

“araay”

“hahaha, puro naman taba yang braso mo, asan na yung biceps mong matigas?”

“kasalanan mo yan, hindi na ko nakakapag-gym”

Hahaha, niloloko lang eh. Mamuscles parin kaya sya. Hindi nga nagbago yung katawan nya eh, mas naging sexy lang sya. Hihihi.

---

“oy, may sasabihin ako sa’yo?”

Andito kami sa isang resto. Napagtripan kong ayain sya, kesa magkulong kami sa condo nya, may maplano na naman akong kakaiba? hihihi

“o ano? Magpopropose ka na ba sa’kin?” he smirked.  Kung pwede lang oh di matagal na kong nagpropose sa’yo.

“PSH, hindi noh. Kapal talaga! Tungkol sa’k—“

“ma’am, sir. Here’s your order.”

Tang na juice. Panggulong waiter!

“ano na ngang sabi mo?” says Jared KO

“wala, sige kumain ka na! Ako naman magbabayad nyan eh tss!”

Natapos na kaming kumain. Hindi ko parin nasasabi sa kanya.

Balak ko pa naman magpaalam, baka—baka sakaling, never mind.

“diba sabi mo may sasabihin ka?” sya.

Naglalakad kami ngayon dito sa may garden nung resto

“ah- eh hmm. Ahm, gusto ko lang—

*kriiing*

My phone rang.

Crap! Ugh! Nawawala yung grace, poise and dignity ko. Amp!

Mom calling?

What now?

“hello?”

(hello dear! Oh I forgot to say, hindi ka sa plane natin sasakay! Susunduin ka ng Private Plane ng mga Biel.  Wag mo ng alalahanin yung mga gamit mo dyan, iwan mo na lang. Alright?)

“okay, bye”

*toot* I ended it. Ano akala nya? Sya lang ang may kayang patayan ako ng cellphone? Hmp *roll eyes*

“who’s that?” Jared KO asks

“mom”

Parehas lang kaming nakatingin sa malayo habang naglalakad-lakad.

May tinuro syang swing, hinawakan nya yung kamay ko saka ako hinila papunta doon.

This place is too romantic for us. There’s a lake near the swing, punong puno ng magagandang water lily, tumatalon pa yung ibang isda. the beauty of the moon reflects in the middle of lake, eto lang yung nagbibigay liwanag sa’min. Don’t need efforts para maging ganito karomantic, this is a perfect place para sa mga taong nagmamahalan.

Naupo ako sa swing tapos inugoy naman nya.

“J-Jared”

“hmmm” sya. Nasa likuran ko sya kasi sya yung naguugoy sa swing.

“I’m leaving.” Hindi parin nya hinihinto

“nag-ayaaya ka dito sa garden tapos aalis na agad?” sa halip na mag-emo, hindi ko alam at natawa parin ako. Tuloy parin sya sa pag-ugoy

It takes  few minutes bago pa ulit ako makapagsalita.

It’s getting harder for me. Hindi na siguro kailangan pang pahabain yung pakikipagtalo ko sa nanay ko. I mean, ugh! Ang hirap iexplain. Wala naman kasi akong pinaglalaban. Hindi naman kagaya ng ibang buhay at story na pinaghihiwalay ng magulang yung dalawang nagmamahalan, cuz in the first place ako lang yung may gusto, ako lang yung nagmamahal sa kanya? Fighting over my parent is very futile! Wala naman akong ilalabang pagmamahalan, right?  

“I mean I’m leaving this country.” Napahinto sya sa pag-uugoy pero nakahawak pa sya sa swing, I can’t see his expression. Nakatalikod ako.

“for good” pahabol ko pa. This time hindi na sya nakahawak sa swing.

I turn around so I can see him na.

He stared at me motionless. Hindi ko sya mabasa. Half open yung bibig nya, a little bit shock, maybe?

“w-why?” he asks

Hindi ko naman siguro kailangan pang magsinungaling sa kanya. Because maybe, he didn’t care at all.

“Christian and I are getting married. I’m leaving three days before” painful smile is written all over my face.

Tumingin sya iba, hindi ko Makita yung emosyon nya, masyadong madilim sa part namin.

Just, just say NO. Ako mismo ang gagawa ng paraan para malayo sa mga Sy- Lee. Kahit hindi mo rin ako mahal basta tutol ka din, kahit na trip trip mo lang na hindi ako makasal.

Narinig kong tumawa sya, a bitter one. Ewan ko, pero pakiramdam ko ay mapait yung pagkatawa nya.

Ngumiti sya pero hindi umabot hanggang tenga nya.

so. Ahm, good luck and best wishes! Congratulate mo na lang din ako kay Christian

 Pakiramdam ko ay hindi na ko makagalaw sa pwesto ko. Hindi ko alam kung ano ba mararamdaman ko? I can’t hide the disappointment.

Bat ba kasi nageexpect ka ng ibang sagot Rica?

--

comment, vote T.T

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jared is Mine, Mine Alone! (NTBG by Alesana_Marie FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon