1527
Bago pa man dumating ang mga dayuhan na sumakop sa buong Pilipinas ay may mga nilalang na mas nauna na sa kanila.
Sila ay mga nilalang na hindi maipaliwanag ang lakas, maaaring sila ay nasa kamay ng kabutihan at kasamaan.
Sa mga nilalang na ito nabibilang ang mga lobo at aswang na mortal na magkalaban.
ang aswang na pumapatay ng tao at ang lobo na pomo-protekta sa tao.
Sa paglipas ng panahon ay padagdag ng padagdag ang may mga taong tinatawag na mga hunters---sila ang mga taong pumapatay ng mga aswang na katulong ng mga lobo.
may mga taong sumasamba na sa kadiliman at pinamumunuan ng itim na babaylan at sa kabutihan ay ang puting babaylan. ang dalawang grupong ito ay ang patuloy na naglalaban hanggang ngayon.
Sa lakas ng pwersa ng kabutihan ay napilitang mag tago ang mga aswang---libo libong aswang ang pinatay ng mga lobo at hunters sa tulong na din nang mga puting elemento, ang mga diwata.
Ang mga diwata ay pinaniniwalaang nilikha at mga nilalang ni Bathala ang Panginoon ng mga nilalang na nakatira sa lupa.
Sila ay ang mga nilalang na nag pro-protekta sa mga bagay na nilikha ng tinatawag nilang "BATHALA"
2025
"e sir sa tingin nyo po ba ay meron pang mga ganyan?, nasa 21st century na tayo--hindi na nag e-exist ang mga ganyan"
" oo nga sir!"
"1527 pa yan, panahon pa yan ng mga ninuno natin sir"
"hindi kailanman matatakpan ng kasalukuyan ang nakaraan Sheena"
" ano pong ibig nyong Sabihin sir?"
ngunit ngumiti lamang ang guro at pinagpatuloy ang pag kwe-kwento.
1527
Ang pangitain ng dalawang babaylan ay hudyat na inaasam ng dalawang grupo "PAG-ASA" pag asa na matagal na nilang gustong matamo.
Sa ikaapat na linggo, kabilugan ng buwan--dugo'y dadanak dalawang kapares ang isisilang na syang tatawaging pinakamalakas sa dalawang naghaharian.
taga pag tanggol ng sanlibutan at ang preposiyang kikitil sa karamihan dugo'y dadanak senyales ang mag du-dugtong--, dugo at luha---ulan ay raragasa sa kamay ng kamatayan ay muling pag kabuhay ng bagong umaga.
ilan lamang iyan sa pangitain na nakasulat na sa kamay ng tadhana ngunit ang hindi nasabi ng puting babaylan ay kung anong panahon at sino na sya namang hindi nakita ng dilim.
ang balanseng ito ay maghahati sa dalawang grupo.
