Chapter 42: Feelings

Start from the beginning
                                    

“Di ka pa rin nagbabago! Ang yabang mo pa ren!”

“Nagsalita! Hanggang ngayon kontrabida ka pa rin!”

“SSSTOOOOP! Pwede ba?! Dalawang taon na, hindi pa rin kayo magka-ayos na dalawa. Daig niyo pa yung magjowa na di maka-move on!”

“Lola pano ko po makaka-ayos yang lalaking yan eh kakarating pa lang dito sa pinas, nanggugulo na agad!” Sigaw ni Ethan.

“Hoy Ethan! Makapagbintang ka! May ebidensya ka ba?! Ha? Nagbago na nga ako eh! Matagal na, tsaka pano kita ginulo? Sige nga!” Hamon ni Brent.

“Ginamit mo agad si Fretzie! Alam kong napanuod mo lahat nung nangyari nung acquaintance party! Kaya nga kasama mo siya agad sa bar diba?!”

“Ay gago! Malay ko sa nangyari sa inyo nung party na sinasabi mo. Aksidente kaming nagkita sa taxi noh! Makapagbintang ka talaga!” Sabi ni Brent na feeling ko eh sobrang highblood na. He’s telling the truth.

“Oh anong ginagawa mo sa Bridgeton Hotel?! Lulusot ka pa.”

“Bakit bawal?! HOTEL NGA DIBA?! Baka-nag check in. Isip isip din pag may time!”

“Eh bakit sa CAPS pa kayo nag-Bar?! Nananadya ka ba talaga?!”

“HOY! Si Fretzie nagsabi nun! Malay ko ba sa CAPS na yan. Galing amerika nga diba? Tsaka ano ka, CHICKS?! Anong iniisip mo, na ini-istalk kita?! Kadiri ah!”

“So sinasabi mong---”

“ANG KULIT NG LAHI MO!”

“Tanga, magkamag-anak tayo! Makulit ka rin!”

“Peste! Hindi nga sabi kita ginagantihan. Gwapo ka nga, mas tanga naman. Nagkataon lang ang lahat. Magkababata kami ni Fretzie noh. Wag mong isiping ginagamit ko siya para gantihan ka. Wala na sakin yung nangyari two years ago. Nakamove on na ako, mga kanina lang”

“Wow ah. Nahiya naman ako sayo.”

“Oh. Tapos na kayong dalawa? Pwede nang sumingit?!” Singit ni Lola Dyosa.

Hindi sumagot yung dalawa.

“OH JUSKO! Juskol-me-maybe! Ayusin niyo nga yan. Wag niyong antaying pag-umpugin ko kayong dalawa” At umalis na si Lola Dyosa.

*pagkaalis ni Lola Dyosa*

*booog*

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Where stories live. Discover now