Chapter 8: Broken Glass

Depuis le début
                                    

Takang titig ang itinapon ko sa kanya. "Huh?" tanging nasabi ko habang hindi pa rin binibitawan ang pagkakahawak sa kamay niya.

"Mukhang wala pa," sabi niya atsaka umiling iling siya bago bumitiw. "Wala 'yon. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko," dagdag niya bago tuluyang pumasok sa loob. May iba pa siyang sinabi pero halos pabulong na iyon, mahina at malumanay kaya't hindi ako sigurado kung tama bang, "Katulad ng laging mong ginagawa," ang sinabi niya.

Nang pumasok ako sa loob ng kwarto ay nakita ko si Hanna na nakaupo hindi kalayuan sa pintuan. Matalim na titig ang ibinigay niya sa akin. Titig na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita mula sa kanya. Tumayo siya't akala ko ay lalapit sa akin kaya napapikit ako sa takot. Isang malakas nakalabog nang pinto ang aking narinig at sa pagdilat ng aking mga mata ay wala ng Hanna sa loob ng kwarto.

"Carla Cali"

"Umuwi. Masakit po kasi ang ulo niya," pagdadahilan ko. Isang tango lang ang ginawa ng teacher namin at muling nag roll call. Napahalumbaba ako habang hinihintay na tawagin ang pangalan ko. Nilipat lipat ko rin ang pahina ng lumang libro na nakapatong sa English book ko. Sumagi sa aking isip ang sinabi ni Kate kanina.

Ano nga kaya ang ibig niyang sabihin?

Akmang isasara ko na ang lumang libro nang may nahagip na isang pulang sulat ang aking mga mata. Tinitigan ko iyon nang mabuti. Agad akong nakaramdam ng takot at kaba matapos basahin ang nakasulat.

"Apple Martinez"

Anong ibig sabihin nito? Bakit may nakasulat na naman?

Naramdaman kong may kumakalabit sa balikat ko subalit ipinagsawalang bahala ko lang. Muli kong sinuri ang sulat. Alam kong hindi ko ito sulat kamay tsaka wala naman akong naaalalang nagsulat ulit ako dito. Patuloy akong kinalabit ng katabi ko kaya naman inis na hinarap ko siya. Magsasalita na sana ako kaya lang natigilan ako nung nakita ko siya—Yung lalaking nakita ko dati sa hospital noong bumisita ako kay Jamine.

"Kanina ka pa tinatawag ni Ma'am," sabi niya. Hindi ako makagalaw. Nanlaki ang mga mata ko't bahagyang nakaawang ang bibig ko sa pagkabigla. "Dummy. Hindi ko alam ko alam na ganito pala ang epekto ko sa'yo," aniya habang mala demonyong nakangiti. Agad naman akong natauhan sa sinabi niya't dali daling umismid.

"Present, ma'am" wika ko sabay taas ng kamay at nagpanggap na wala akong impaktong katabi.

"Hanna Paras" pagtatawag ni Ma'am Ching subalit walang Hanna na sumagot sa kanya. Nang luminggon ako sa pwesto ni Hanna ay wala siya. Nagtanong si ma'am kung bakit wala si Hanna, pero kibit balikat lang ang tangi niyang nakuha mula sa'min.

Tila pagong kung lumakad ang oras. Napakatagal. Kanina pa ako nababato rito't inaantok lalo pa't alas tres y medya na ng hapon.

May 25 minutes pa bago mag-time ngunit natigil ang pagkla-klase namin nang nakarinig kami ng isang malakas na hiyawan mula sa labas na sinabayan pa ng takbuhan ng mga estudyante. Lumabas si Ma'am Ching upang manita pero hindi niya nagawang patigilin ang pagkataranta ng mga estudyante.

"M-may patay po sa cr ng 3rd floor," nanginginig at tila ba takot na takot na sagot ng isang estudyanteng lalaki na napagtangungan ng aming guro.

Lumabas si Ma'am Ching upang kumpirmahin kung totoo ba ang sinabi ng binata kaya naman naiwan kami sa loob ng kwarto. Awtomatiko naman kaming nagsunuran ng mga kaklase ko papunta sa lugar na tinutukoy ng estudyanteng lalaki na sa aking palagay ay nasa third year pa lamang.

Nagtutulakan ang karamihan pababa ng hagdan. Lahat ay gustong makita't maki usyoso sa nangyayari. Nakita kong nagkukumpulan ang mga estudyante sa tapat ng cr ng boys. Lumapit ako doon ngunit sadyang maraming tao kaya kailangan ko pang makipagngitngitan. May humarang din sa'king guro. Mabuti na lang isa ako sa limang mapalad na estudyanteng nakapasok sa loob.

Pagkapasok ko ay agad kong hinawakan ko ang dalawa kong tuhod habang naghahabol ng hininga.

Isang masangsang na amoy ang gumuhit sa aking ilong. Dahil nakayuko ay kitang kita ko na halos naging kulay pula na ang puting tiles sa mga nagkalat dugo lalo na sa tapat ko. Nang inangat ko ang aking ulo ay tumambad sa'kin ang isang katawan ng estudyanteng lalaki na puno ng sugat at may mga pasang kulay ube sa buong katawan. Halos hindi na makilala ang biktima sa bugbog at galos na kanyang natamo.

Napatakip sa bibig dahil mukhang hindi pa kuntento ang gumawa sa kanya nito't may malalaking piraso pa ng salamin na nakabaon nang malalim sa kanyang mukha pababa sa buo niyang katawan. Ang kanyang puting polo ay wasak wasak na at nakatali siya sa magkabilaang pinto ng dalawang cubicle na para bang pang display sa store upang ang sinumang pupunta dito ay agad siyang makikita. Nakakakilabot.

Lalapitan ko pa sana ang biktima upang mas lalo siyang masuri ngunit natigilan ako nang nakita ko ang isang pamilyar na bagay---isang tattoo malapit sa kanyang pulso katulad ng kay Kate. Agad kong nilibot ng tingin ang buong lugar at napansin kong sira ang malaking salamin na nandito na sa aking palagay ay siyang ginamit sa biktima.

Muli kong naalala ang nakasulat sa lumang libro na nagbigay sa akin ng kakaibang kaba. Kabang nararamdaman ko tuwing may nangyayaring hindi maganda.

"The broken glass is ready for him, he who must die."

---------------------------

A/n:  

Dedicated to MarieXXII. Hi girl! Thank you for supporting my story :) God bless you all. Labyu! <3

P.S. This chapter is already edited. As in LAHAT binago ko. 

The Unnamed BookOù les histoires vivent. Découvrez maintenant