Part 1

13 1 0
                                        

Disclaimer:
This is a work of fiction. All characters, events, and situations are purely imaginary and are not intended to reflect real people or real experiences. The story explores themes of identity, death, and love in a fictional and speculative context.

Reader discretion is advised for sensitive topics such as death, grief, and gender identity.

I don't have the exact number of chapters planned yet, but this story will be fast-paced and is intended to be a short story. Expect brief chapters with emotional impact and steady progression.

Thank you for reading and supporting Becoming Him.


Gia's POV 

No! I can't die yet. Not yet, please.

Nakahiga ako sa isang kama sa loob ng ER. Nagsasagawa sila ng CPR sa katawan ko pero paulit-ulit na sinasabi ng nurse na wala akong response.

Hindi ko rin alam kung anong nangyayari. Kung bakit nakikita ko sila sa paligid kahit na walang malay ang katawan ko.

Please lord, kung naririnig niyo po ako. 'Wag niyo po muna akong kunin.

Anong nangyayari? Bakit may parang kung anong enerhiya ang humihila sa akin?

AHHHH!!

Napapikit nalang ako at sumigaw nang tuloyan akong hinila ng kung anong bagay na hindi ko nakikita. Nang naramdaman kong nawala na ito ay sinubukan kong buksan ang mga mata ko at nakita sa harap ko ang walang malay na lalaki.

Madilim ang paligid at mag-isa siyang nakahiga sa damuhan habang ako ay nasa ibabaw ng katawan niya, nakalutang.

Nakahilata siya sa damuhan, parang nahimbing lang, pero may malamig na katahimikan sa mukha niya. Mahaba ang buhok na tumatakip sa noo, mapula ang labi, at mahaba ang pilik-mata. Kung hindi lang siya duguan, iisipin mong natutulog lang siya.

  Mukhang kaedad ko lang rin. 

Pero........Anong nangyari sakanya?

Bakit ako nandito?

Hindi ko na alam ang susunod na nangyari.

 Basta ang alam ko muli akong huminga. 

"An- anong nangyari?" tanong ko habang tinitignan ang katawan ko ngayon.

Malambot pero medyo malaki na kamay, naka-rubber shoes, jeans at hoodie na jacket. Kinapa ko ang mukha at nahawakan ng mga kamay ko ang hindi pamilyar na hugis ng mukha. 

Ba-bakit ako nasa katawan ng lalaking 'to?

Agad akong tumayo at dahil sa biglaan kong pagkilos napansin ko ang sugat ko na patuloy pang dumudugo nang naramdaman ko ang kirot nito.

I need to go, kailangan kong pumunta sa ospital para malaman ang lagay ko.

Kahit na aagod-agod nagpunta ako sa ospital at hinanap ang sarili ko.

"Nurse, yung estudyanteng nasagasaan? Si Gia Hernandez po!" tanong ko habang nakahawak pa rin sa tiyan ko kung saan ang sugat ko.

"Kapamilya ka po ba ng pasyente?" agad akong tumango bilang sagot.

"Sorry po, wala na po ang pasyente. Nasa morgue na po ang katawan niya—"

Hindi ko na narinig ang mga salitang sinabi ng nurse pagatapos nun. Parang tumahimik ang buong paligid nang nalaman kong wala na ako. 

"Sir, ayos ka lang? Sir!" hindi man malinaw pero ito ang huli kong narinig bago ako bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.


Becoming HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon