Chapter 36

9.7K 255 128
                                    




HELLO OUR AVID READERS AND FOLLOWERS. ITO NA PO ANG PROMISE KO NA UPDATE. BINAGO KO KASI YUNG ISANG GINAWA KO NABURA ACCIDENTALLY. WHEW! SANA PO MAGUSTUHAN NIYO ITO. MARAMING SALAMAT PO SA INYONG WALANG SAWANG PAGSUPORTA SA AMIN NI BESTFRIEND KO. KAYO ANG NAGING INSPIRASYON NAMIN SA PAGSUSULAT. NATUTUWA PO KAMI KAPAG NAG IINGAY NA KAYO SA COMMENT SECTION.

WE LOVE YOU GUYS AND GOD BLESS EACH AND EVERYONE.

XOXO

ALTRIX












Nung araw na iyon hindi ko alam kung paano pa mag function ang lahat lahat sa pagkatao ko. Ngayon ko lang napagtanto na mahirap palang gawin ang pakawalan mo iyong taong naging bahagi na ng pagkatao mo sa mahabang panahon. Yung taong minahal mo, pinapangarap mo, hiniling mo sa itaas na mapapasayo, at ngayo'y nasa kamay mo na ito, pinakawalan mo naman. Ganun nga talaga siguro ang mga babae napaka unpredictable minsan. Parang kilan lang nangyari ang masakit na alaala na iyon.

FLASHBACK

Maga ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pag-iyak habang nakatunganga sa couch kung saan naganap ang masayang gabi ko kasama niya. Kagabi lang ang init ng yakapan namin pero ngayon sobrang lamig.

Dinala ako ng mga paa ko papasok sa bahay pagkatapos ko maisuot ang mga damit kong pinagtatanggal niya kagabi. Nadatnan ko ang mommy kong nagkakape at kitang kita sa kanya ang pagkagulat kaya napatayo ito at dinaluhan ako papuntang living room dahil wala na yata akong lakas upang ihakbang ang mga paa ko. Nakakapanghina ng katawan ang masaktan ng dahil sa pag-ibig.Ilang beses na ba akong lumuha dahil sa bagay na ito. Ilang beses na ba nadurog ang puso ko dahil sa babaeng minahal ko ng lubos.

Pagkaupo namin basta na lang ako napayakap sa mommy ko. Sobrang higpit na para akong batang naghahanap ng kakampi sa mga oras na ito na tanging yakap lang ni Mommy okay na ang lahat. Akala ko ganun kadali, hindi pala madaling tanggapin ang salitang 'letting go' kapag ang nagsabi nito sayo ay ang taong pinakamamahal mo. Parang bombing sumabog na sapul ang puso mo. Wala na yatang katapusan ang pagpatak ng mga luha na ito kasi dalawa na kami ni Mommy ang nagpupunas. Hay tumigil ka na please baka umapaw ang Laguna de Bay.

"Iha, enough. This is too much for you to handle now. You need to get out of here pansamantala lang anak. Gusto mo ba na makita ka ng anak mon a ganito? He'll be worried too. Kahit 2 years old lang yang apo ko he knew and he can sense kapag may dinaramdam ang ina niya. Dahil ganun ka anak when you were like his age. You always checked on me kapag nalulungkot si mommy. Please Trixie, try to look after yourself dahil may anak ka pang nangangailangan ng kalinga mo." Sabay punas sa mga mata ko.

"Mommy, akala ko kasi ganun kadali pakawalan si Alex(sob) akala ko magiging metatag ako sa pagsabing pinapalaya ko na siya. Pero ang marinig mo mula sa kanya ang salitang pinapalaya na kita sobra sobra pala ang impact nun sa akin. Para akong nasabugan ng bomba ng sampung beses(sob) dahil sa pagpapalaya niya sa akin."sapo ko ang mukha ko na basa na ng mga luha.

"Let's go to Greece anak. Magsimula ka ng panibagong buhay kasama ng anak mo at kami. Walang alex at malayo sa mga alaala niya." Hearing the word Greece makes me think for a while. Thoughts came, maybe my Mom is right. Being away from her, away from all the memories we both created baka sakaling makalimutan ko na siya. I looked at my mother's eyes na may ilang butyl ng luhang handa na para pumatak.

"Yes mom, we will go with you. Baka ito yung way out ko na makalimutan ang sakit na dala dala ko sa ngayon. We should leave the country as soon as possible mom. Please???" at ayun bumuhos na naman ang mga luha sa mga mata ko. Kaya nung araw din na iyon, nag impake kami. Umalis kami ng bansa at lumipad patungong Greece na wala yata sa sarili ko. Alam ko bitbit ko ang anak ko pero para akong robot na tatango lang kung kilan ako tatanungin. Hinatid kami nina Chloe sa airport, kausap ko din ang P.A ko at iniwan ko sa kanya ang pagkadami daming obligasyon. Naiwan naman sa bahay sina Chloe at Tita at sila na muna ang bahalang mag asikaso sa mga taong naiwan namin sa bansa. Saka ko na lang ibabalita sa mga kaibigan ko ang biglaang pag alis namin. Sigurado naman ako na maiintindihan nila ang desisyon ko na paglayo muna sa kanila at sa bansang sinilangan ko.


So It's You After All(COMPLETED)Where stories live. Discover now