*MerCy CHAPTER: Beautiful Goodbye

Mulai dari awal
                                    

Lalong kumunot yung noo ko nung mabasa ko yung mga comments sa baba nung album, puro..

"Bagay kayo." "Wow, I think he suits you better than your ex." "You look good together."

Anu bang klaseng mga comment yan? Di hamak na mas gwapo ako sa lalaking yun no! Tch. Mga bulag.

Si Witch naman, pandi thank you. Tss. Tapos nagcomment pa yung Terrence, yung lalaki nya ngayon, nag I love you pa? Nag I love you sa comment box? Ang cheap huh! Tapos si Witch, nag I love you too? What the hell? Akala ko ba sabi nya ayaw nya nung ganung nagsasabihan ng I love you sa net? Kasi sabi nya ang corny at ang baduy? Tapos ngayon? Wow, I really can't believe her! Tss!

Hindi ko na napigilan ang daliri ko at nagtype rin ako ng comment dun sa album.

"Ang sweet nyo naman ata? Nakakaumay." I commented.

Maya maya, sumagot sya. So on line sya? Pero di sya on line sa chatbox ko ah? Naka offline sya sakin? Feeling naman nya ichachat ko sya! Tss.

Binasa ko yung comment nya.

"Sweet talaga kami eh, walang magagawa. Eh ikaw, bakit ang bitter mo naman ata? Hindi ka parin nakaka move on lamok?" -comment nya

What the? Bitter?! Ako?! Tsaka anu daw? Di pa nakaka move on? Tch.

Nagcomment nga ulit ako.

"Bitter? Ako? Haha, nagpapatawa ka ba? Tsaka sinong hindi pa nakaka move on? May Caia na ako no." reply ko

Maya maya, sumagot na ulit sya..

"Ok sabi mo eh. Di na ako makikipagtalo. Magsskype pa kasi kami ni Terrence hanggang makatulog ako eh, so dyan ka na huh? Isa pa ayaw ni Terrence na nakikipag usap ako sa ibang lalaki, so goodnight na lang lamok. Alagaan mo na lang yung Caia mo habang buhay pa sya ok? Advance condolence na lang, kung sakaling mamatay na sya maya maya."

What the hell? Argh! Ang sama parin talaga ng tabas ng bibig nya! Haay! Magcocomment pa sana ako, pero hindi ko na tinuloy. Haay, ang sakit talaga sa ulo ng babaeng yun! Kung makapag sabi sya ng mamatay, akala mo wala lang sa kanya eh! Grabe talaga sya! Haay!

Pinatay ko na yung cellphone ko at hinagis sa may paanan ng kama ko. Hinilot hilot ko yung ulo ko kasi lalong sumakit yun dahil sa pag uusap namin ni witch. Tch. Dapat talaga hindi ko na tinitingnan ang profile ng babaeng yun eh! To naman kasing daliri ko, ayaw paawat eh! Tsk.

"Masakit ba ulo mo Mervz? Gusto mo hilutin ko?" napatingin ako dun sa nagsalita

"Caia? Kanina ka pa dyan?"

"Hindi, kakapasok ko lang."

"Ah..ah, bakit ka nandito?"

"Hindi ako makatulog Mervz, pwede bang manood ng t.v. kasama mo? Tabi tayo, tulad ng dati."

"Oo ba, halika dito." pagkasabi ko nun pumunta na si Caia sa kama ko at humiga sa braso ko

"Ang sarap talaga manood ng t.v. ng ganito ang tayo hehe."

"Masarap sayo, sakin nakakangawit, ang bigat ng ulo mo."

"Wag ka na magreklamo Mervz, pumayag ka na naman eh."

"Sabi ko nga." pagkasabi ko nun ngumiti lang sya at nanood na ulit ng t.v. , buti naman napapangiti ko sya kahit papano, gusto ko lage lang syang nakangiti

Pag naiisip kong isang araw, mawawala na lang sya bigla, natatakot ako. Ayoko pang dumating ang araw na yun. Yung araw na wala ng Caia na mangungulit sakin, wala ng Caia na dadantay sa mga bisig ko, wala na yung Caia na lageng nakangiti sa akin. Iniisip ko palang, naiiyak na ako eh.

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIENDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang