Truth or Dare?(One Shot Story)

296 10 10
                                    

"Truth or Dare?"Tanong ni Kylie sa akin. Heto kami ngayon sa open field ng aming school nagkatuwaang maglaro ng 'Spin the Bottle'. Unang ikot ng bote ng mineral water ako pa ang natumbok.

Kapag minamalas ka nga naman o.

"So ano na Rian? Truth or Dare?" pangungulit ni Ailene.

"Uhmm...dare na lang!" Kampante kong sagot.

"Talaga lang ha, tingnan natin tapang mo Rian."Pananantsya naman ni Ella. " Sino may suggestion dyan? Dapat mahirap ito."

Nagtinginan sina Ella, Kylie, at Ailene.

Huh wala silang maisip!

(EVIL GRIN)

5 minutes later...

" O ano na? Five minutes na eh 'la pa rin kayong maisip na dare."Naiinip kong sabi.

" Teka lang naman dyan Rian, ang atat mo eh...ang mga bagay na ito pinag-iisipan talaga."—Kylie

"Huh para namang ang seryoso nito.This is just a game."Tingnan niyo 'to hindi ako pinansin nilang tatlo. Serious mode talaga sila.

***TING***

"Ahh alam ko na ang magandang dare para kay Rian.Halika kayo Ella at Ailene sasabihin ko sa inyo." At hinila na ni Kylie yung dalawa. Ayun nagbubulungan sa malayo.Pagkatapos ay tumingin sila sa akin at ngumiti yun bang naisip na masama.

Lumapit na sila sa akin. "Rian we need you to swear to GOD na gagawin mo ang dare namin. Magpromise ka!"

Hala ano bang iniisip ng mga 'to? Sige na nga ng matapos na 'to.

"Ok I swear to God that I will do the dare.Peksman mamatay man...ok na yun?"

" Good.Ang dare ay pumunta ka sa gitna nitong open field, tumayo ka doon-" –Ailene.

"Yun lang pala ang dali kaya nun. Yakang-yaka ko yan." Ang dali lang ng dare ang se-seryoso nila.Pinapromise pa ako kay God.

" Patapusin mo muna ako Rian. Tumayo ka sa gitna ng open field at isisigaw mo ng tatlong beses ang mga katagang " I LOVE YOU BRETT MARIANO!"

" Hu—WhaAAatt...?!? Nababaliw na ba kayo? Hindi ko magagawa yun wuie.Oo inaamin ko love ko yung si Brett pero hindi ko yun sasabihin sa kanya at lalung –lalo ng ipagsigawan ko pa! Ano ba, kayo lang naman nakakaalam eh..yun na yun. Iba na lang!"

Kinikilabutan ako sa mga kaibigan ko. Grabe naman sila. Namumutla na ako sa kaba.

" Hindi pede Rian nangako ka sa amin at syempre kay GOD 'di ba?!?"—Kylie.

"Pero hindi pede yung dare niyo!Nakakahiya!"

Oh LORD...Help me!

"Eh kaya nga dare 'di ba. Tsaka pinaghirapan namin yung isipin ha. Gawin mo na. wala namnag masyadong tao sa paligid." – Ella.

Nakangiti pa silang tatlo. Bakit ko ba 'to naging mga kaibigan? Hindi marunong maawa.

"Oo nakapangako pero—"

"Wala ng pero pero pa Rian. Gawin mo na lang para matapos na 'to."—Kylie.

Wala talo na ako. Hindi talaga ako mananalo kapag nagtulungan na silang tatlo. Lagot na ako.

" Sige na nga...pede sabihin ko na lang sa normal na boses."Baka mabago ko pa isip ng mga ito.

"HINDI!"Sabay nilang sabi. " At Rian dapat marinig namin ha...pupunta kami sa dulo nitong field. Isisigaw mo yun ng tatlong beses na dapat malinaw!"

"Sumusobra na kayo eh!"

"Ok Rian...Goodluck..sige dali na punta ka na doon at kami rin dun sa dulo."

Ayun at iniwan na nila ako. Gagawin ko na lang talaga 'to. Bahala na si batman,superman,wolverine at juan de la cruz.Sana lang 'di marinig ni Brett.

Lingon sa paligid. Kukonti lang naman mga estudyante. Nag-uwian na ata. Kaya ko 'to. Naglakad na ako sa gitna. By the way si Brett Mariano siya yung ultimate crush ko na love ko na rin dahil ewan. Basta Love ko lang siya.Magkaibigan kami noon at magkaklase sa elementary. Pero pagdating ng Highschool nag-iba ang lahat. Well naging campus crush lang naman siya at nagkaroon ng mga bagong kaibigan. Kapag nagkikita kami tangu-tango na lang. Pero heto ako nagmamahal sa kanya sa malayo. Hindi ko kasi magawang lumapit sa kanya dahil palagi siyang kasama ng barkada niya at alam ko ring hindi kami magka-level nun eh. Hindi rin niya ako nilalapitan kaya walang nangyayari. Umaasa sa imposible. Basta ang alam ko lang 'I've fallen for him'.

Ang masaklap alam iyan ng mga kaibigan ko at malapit na ring mabulgar sa mga taong naririto.Siguro naman wala lang 'to. Ano ba paki-alam nila.

I'm in deep thought at namalayan ko na lang na sa gitna na ako ng open field.Lingon sa paligid. Mga nasa sampung tao lang ang narito. Nabawasan ang  kaba ko ng 0.00001%.Nakita ko sina Kylie, Ailene, at Ella dun sa dulo, pakaway-kaway sa akin. Lagot talaga silang tatlo sa akin balang araw.

Hingang malalim.

Kaya mo'to Rian.1..2..3..

"I LOVE YOU BRETT MARIANO...I LOVE YOU BRETT MARIANO...I LOVE YOU BRETT MARIANO!!!"

Pagkatapos ko iyang isigaw ayaw ko ng ibukas aking mga mata. Nakakahiya 'to LORD.

"And I love you too Rian Mendez."

Hala sinong nagsalita? Boses lalaki yun a. Lumingon ako sa aking likod. Wide-eyed at in shock ako.Nandoon si Brett nakangiting nakatingin sa akin. Teka sabi niya 'I love you too'? Guni-guni ko lang ata yun.

Lumapit siya sa akin.

" Totoo ba yung mga sinabi mo Rian?"Tanong ni Brett. Hala OMG paano 'to narinig niya?Kapag minamalas ka nga naman. When it rain it pours talaga.

"A-eh..d-dare lang yun..pppero totoo."O shit bakit ko sinabi!Takbo Rian..Takbo...

Hinawakan ni Brett mga braso ko. "Hoy, teka lang bakit ka aalis? Pagkatapos mo yung aminin..hindi pede."

"Pero nakakahiya eh..."Sabi ko na lang.

"Hindi mo ako narinig kanina...yung mga sinabi ko?"Tanong ni Brett na nakahawak pa rin sa braso ko.

"Hindi...may sinabi ka ba?"—ako.

"Oo, ang sabi ko..." Hinila niya ako palapit sa kanya. "and I love you too Rian Mendez."

Holoh!!!Hindi ko yun guni-guni?Sinabi niya talaga yun?

"Ma-mahal m-mo rin ako Brett?" Tanong ko. Pero para na akong lumulutang sa hangin ng mga sandaling iyon.

"Oo, noon pa. Hindi lang talaga ako nagkalakas loob na sabihin sa iyo. Mukhang masaya ka na eh sa buhay mo." Pag-aamin ni Brett. Ito na talaga ang best day of my life. Thanks sa ka-shungaan ng mga kaibigan ko. Minsan may pakinabang rin pala.

"So...ano na ngayon?Girlfriend na kita pede?"Tanong ni Brett sa akin.

"Uhmmm..totoo ba talaga 'to Brett?"

"Oo naman...papatunayan ko sa'yo. Teka atras ka muna ng konti."

Anong naiisip nitong lalaking ito? Tumayo ng matuwid si Brett at huminga ng malalim sa mga sumunod na ginawa niya ay parang matutunaw na ang puso ko sa kilig at sasabog na ako sa tuwa. Boyfriend ko na talaga siya. Ito ginawa niya.

Sumigaw siya ng "I LOVE YOU RIAN MENDEZ.... I LOVE YOU RIAN MENDEZ.... I LOVE YOU RIAN MENDEZ!!!"

_The End_



Truth or Dare?(One Shot Story)Where stories live. Discover now