Yun yun eh! :)

1.4K 36 15
                                    

Leina's Pov.

Umuwi akong BASA?! hahaha. basa eh. BASA. at alam niyo bang, CHACHING CHACHING.

HINATID AKO NI DRIX :P syempre hindi sa mismong bahay namin. ng di naambush ng tatay ko yon si megatron. AYYYYYY PSH! wag ka nga dyan. codename niyo ni klein yun. bakit megatron pa din eh si drix na seatmate mo. TIGILAN NA NGA YUN. si optimus na si daddy ngayon. haha :P 

"LEI! bakit basa uniform mo?" ate tess. 

"hahahaha. naligo kami sa ulan ate tess. ang saya nga eh." sabi ko.

I'M A GREAT PRETENDER. ay teka. hindi ako nagprepretend na masaya kasi masaya naman talaga ako eh. the events turned out well. nakahanap ako ng karamay sa pagkatao ni drix at masaya ako don pero sa mga kaibigan ko?! iniyakan nila ko. AISHHHHHHHHHHHH!

Flashback: 

"LIAN! bakit ka basa?! ano okay ka lang? san ka ba galing? ano? sumagot ka kaya?!" sabi ni bea.

"trip niya magpaulan eh." si drix naman yung sumagot. pinagtatakpan ako? haha.

"hayyyyyyyst. nakakamiss kasi yung ulan!" sabi ko.

PINAGTATAKPAN KO DIN SARILI KO. haha. 

"lian. ganyan ka na ba talaga? wala ka na ba talagang tiwala samin?" jen. 

ANO DAW?! bakit??!!

"huh? bakit jen?? anong ibig mong sabihing walang tiwala??!" gulat na gulat kong sinabi.

"alam naman namin lian eh. nakita ka namin sa may chapel kanina. hanggang kailan mo itatago??" 

Akala ko okay na lahat lahat. pero hindi pa din pala. mga kaibigan ko walang kaalam alam. parang nakonsensya ako na si drix alam na pero mismong mga kaibigan ko hindi pa tapos akala nila wala akong tiwala sa kanila. aish :(

"alis na muna ko. pagusapan niyo na lang ng maayos yan para magkalinawan  na kayo. sige!" sabi ni drix tapos umakyat na siya sa may room. 

HOTSEAT! eexplain mo na lian.. OKAY. ito na! magsasalita na dapat ako pero.

"lian. inalagaan ka ng buong barkada tapos iiyak ka lang dahil sa lalaking yun? sa lahat.. sa lalaking yun ka pa umiyak? di mo ba alam na maraming nalulungkot sa bawat patak ng luha dyan sa mga mata mo. isa na kami don. tapos wala kaming magawa kasi hindi naman namin alam." sabi ni bea.

AWWWWWWWWW. tama naman siya db? iiyak na lang dun pa sa lalaking hindi worth it ng lahat ng iyak mo. 

Hindi kona kayaaaaa! parang sasabog na naman yung luha ko. ang bait ng mga kaibigan ko. andyan sila kung kailangan ko sila pero ano? sinarili ko ang lahat inakala kong huhusgahan nila ko kagad kaya hindi ko sinabi sa kanila pero ang pagkakamali ko KABALIGTARAN ANG LAHAT. :( 

"hi... hindi ko naman kasi alam na ganito yung mangyayari eh. pa.. pasensya na talaga!!" sabi ko.

YEHEY! umiiyak na naman ako. PARTY PARTY! aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayt!

"timang ka ba! bakit ka humihingi ng pasensya??" sabi ni jen.

"eh kasi... hindi ko nasabi sa inyo tapos malalaman niyo kung kailan ganito na yung sitwasyon ko. pasensya na talaga mga gegeks *sniff* kasi akala ko magagalit kayo kasi alam niyo na na nagfall ako sa di naman karapat dapat tapos natatakot ako na maging cold kayo sakin." sabi ko.

DI NAMAN kARAPAT DAPAT SI KLEIN DB?! hindi nga ba? ano bayan. bakit ka nagdadalawang isip sa bagay na obvious naman na ang sagot. 

"alam naman namin. umpisa pa lang eh. hinintay lang naming sabihin mo samin kasi gusto namin manggaling sayo lahat lahat.. pero ayon wala eh.. pero okay lang samin yun kasi desisyon mo naman yun db? bilang kaibigan mo naman susuportahan ka namin. pero oo tama ka kung sinabi mo samin nilayo ka na namin sa kanya nung una palang!" sabi ni bea.

Single By Heart But Doubled For LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora