Meet Megan Imperial

211K 993 85
                                    

Imperial Ladies (Book 2 of Imperial Bothers)

by: Aya_Hoshino

------Megan Imperial's POV------

Ako si Megan Imperial ang pinaka-unang anak nina Tomoko at Kelvin Imperial.

Marami ang naiinggit sa akin sa school ng malaman nilang apo ako ng pinaka-mayamang businessman sa bansa ngunit buti pa sila masaya para sa akin. Kung alam lang nila na kung may choice lang ako na mamili ng ibang pamilya ay ginawa ko na.

Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong maging isang Imperial?

Dahil ang lolo ko ay walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa amin ng kapatid kong si Eris at sa iba ko pang pinsan na babae na wala kaming kwenta.

"Babaeng apo na naman!? Ano ba kayong tatlo ha? May diperensiya ba iyang mga ari niyo at hindi niyo ako mabigyan kahit isang lalakeng apo?"

Ayun, sinermunan na naman ni lolo ang daddy ko at pati na ang mga tito ko na sina tito Alexander at tito Arthur.

Nakatayo silang tatlo sa harap ng mesa sa office ng lolo ko doon sa loob ng Imperial palace. Nilakihan ko ng konti ang siwang ng pintuan upang marinig ko ng maayos ang pag-uusap nila sa loob.

"Dad, kung na-fru-frustrate ka ay lalo na ako! Alam mo naman ang kahalagahan ng pagkakaroon ko ng anak na lalaki upang gumaling na si Yumi sa sakit niya di bah?" -Arthur

"Ganun naman pala Arthur, eh di bigyan mo na ako ng apo as soon as possible!"-Zheng

"Pero daddy... alam mo namang isang anak lang bawat taon ang maibibigay ng aming mga asawa liban na lang kung may lumabas na kambal." -Kelvin

"This is a very serious situation... hindi ko na nagugustuhan ito. Kung hindi kayo ang may problema ay baka ang mga asawa niyo kaya napagdesisyunan ko na subukang gumawa ng surrogate baby." -Zheng

"Ano?" Sabay na tanong ng tatlong magkakapatid.

"Since sabi niyo nga na isang baby lang bawat taon ang pwedeng gawin ng asawa niyo eh bakit hindi na lang tayo kumuha ng mga surrogate mom? Sa ganung paraan ay tumaas ang tiyansa ko na magkaroon ng lalakeng apo." -Zheng

"No dad, hindi papayag ang mga asawa namin diyan" giit ni tito Alexander.

"Hahaha!!! Hindi niyo naman kelangan makipagtalik sa mga surrogate mom, kelangan niyo lang mag-donate ng sperms ninyong tatlo." -Zheng

"Kahit na daddy!" Reklamo ulit ng tatlo.

"Basta this is final! Sa ngayon ay gusto ko munang makasiguro na effective nga ang prosesong iyon at hindi lang ako niloloko ng doktor na kakilala ko kaya isang surrogate mom na lang muna tapos ang sperm cells na gagamitin ay mula sa inyong tatlo."

"This is insane dad!" Patuloy na umalma ang mga tito ko.

"Hayaan mo na kuya Alexander, meron akong nabasang mga article tungkol sa ganyang proseso at sabi sa mga yun na mababa lang ang chance na magtagumpay ang ganun" saad ng ama ko na si Kelvin.

"Okay sige pumapayag na ako pero sa isang kondisyon dad..." -Alexander

"Ano?" tanong naman ni lolo Zheng.

"Kapag hindi naging matagumpay na makagawa ng baby ang first attempt ay yun na ang magiging panghuli." -Alexander

"Oo nga daddy, ayaw naman naming kumalat sa kung saan-saang bahagi ng mundo ang mga lahi namin." -Kelvin

"Okay sige we have a deal, eh ikaw Arthur?" Tanong ni lolo sa natahimik na si tito Art.

"Ayoko dad."

"Arthur, kailangan mong gawin ito."

"Bakit dad mamatay ka na ba?"

"Hindi pa naman, but I'm not getting any younger son, at kung sakaling mamatay ako ngayon right in front of you ay hindi pa rin ako matatahimik sa kabilang buhay hangga't hindi ko nasisiguro na may pagmamanahan kayo ng apelyido ko."

"Bakit ba ganun na lang kahalaga sa inyo ang apelyido niyo dad?" -Arthur

"Tangan ng apelyidong Imperial ang mga pinagdaanan ko sa buhay bago ko narating ang kinatatayuan ko ngayon kaya hindi ako makakapayag na mapunta na lang ito sa kung sinu-sino." -Zheng

5 years old pa lang ako ng mga panahong iyon pero naiintindihan ko na ang mga pangyayari at nalulungkot ako dahil kahit nandito kami ng mga pinsan ko sa Imperial Palace ay hindi pa rin kami naging sapat para kay lolo. Naghahanap pa rin siya ng ibang apo... isang lalakeng apo na magmamana ng apelyidong pinaka-iingatan niya. T_T

Kaya naman lumaki akong takot sa responsibilidad kaya nang malaman ko na buhay ang tita Felicity ko at may isang anak siya na nagngangalang Ira ay sobra akong natuwa. Ngayon ay hindi na ako ang pinaka-matanda sa mga apo ni lolo kaya ibig sabihin ay kung sakaling walang dumating na lalakeng apo sa Imperial Family ay hindi mapupunta sa akin ang pressure.

At ang gusto ko na lang gawin ngayon?

Gusto kong magmahal ng magmahal ng magmahal... pupunuin ko ng pag-ibig ang mundo ko. Pag-ibig, yun lang ang gusto kong isipin at hindi negosyo. <3

#ImperialLadies

Imperial LadiesWhere stories live. Discover now