Pagdating sa baba ay nadaanan niya si nana Belen na kalaro si Sandra. Pero busy ang baby sa pagngat-ngat ng stick-o.
"Good morning baby" Sabay halik sa anak niya. Sandra extended her hands while making a sound kaya kinarga niya ito. Umupo siya sa sofa at nilaro-laro ang maliliit na kamay ni Sandra.
"Kape po ba ma'am o tanghalian?" Nana Belen asked. Ang lambing talaga nito magsalita.
"Kape lang muna nana, salamat" Hinagkan niya ang anak. "Anong oras ho lumabas si Elmar?"
"Sabado ngayon ma'am" Alanganing ngumiti ang matanda.
She frowned. "Oo nga pala. Eh nasaan ho siya?"
"May bibilhin lang daw sa labas sabi niya. Kung pwede daw hintayin mo siyang mananghalian"
Tumango siya.
Bumalik si nana Belen dala ang kape niya. Nangalahati na siya ng dumating si Elmar. Nangunot ang noo niya ng may tatlong lalaking kasama. Base sa suot na t-shirts ay taga grocery store ang mga ito. May tulak-tulak na mga cart na may lamang mga karton.
"Ilagay niyo lang diyan" Turo nito sa bandang gilid. "Ako na ang bahala mamaya" He added.
She was just looking at them. Malay ba niya kung anong ginawa nito. She was enjoying her coffee when he came near them. He took Sandra from her lap. He bent and kissed her on the corner of her lips!
She gasped. "E-Elmar!"
"What?" Ngisi nito.
"You are.."
"Yes I am" Ngisi nito.
Wala naman siyang sinabi a?!
Ang gusto niyang sabihin ay namimihasa na ito sa kahahalik sa kanya! At ang nakakainis ay gustong-gusto naman niya!
Kainis!
Nagpaalam na ang mga lalaki. Elmar sat down besides her.
"Ano ang mga 'yan?" Lingon niya sa mga karton. Nasa sampu yata.
"Groceries" Simpleng saad nito.
Kumunot ang noo niya. "Ang dami naman?"
"Kung pwede lang bilhin lahat ang laman ng grocery ginawa ko na. Para hindi ka na bumili ng kailangan mo gamit ang pera mo" Inis na sabi nito.
Napatanga siya dito. Seryoso? Iyon pa rin hanggang ngayon?
"Hindi mo makalimutan 'yon?"
"Hindi" Madilim ang mukhang sabi nito. Well, at least he's being honest, yeah?
She sighed. Pero mas mahirap pa yata 'tong kausapin kesa kay Sandra. "Bakit ka ba inis na inis do'n?"
"I am the man on this house. In this family, normal lang na ako ang gumastos at magtaguyod sa pamilyang 'to" He blows a harsh breath. "Sino ba ang dapat bumuhay sa isang pamilya, 'di ba ang lalake?" Nakabusangot na sabi nito. Gigil na gigil, tingin niya dito, kung pwede lang siguro siyang sakalin, ginawa na nito sa sobrang inis.
She snorted. "That was in the middle age Elmar. Iba na ngayon, pantay na ang babae at lalake. Kung may pera naman ang babae, bakit naman hindi siya pwedeng gumastos ng para sa sarili niya? Bakit niya i-asa ang lahat sa lalaki?"
Gano'n kasi ang paniniwala niya. They were partners. Dapat lang namang magtulungan. If she can buy things for her and for the house with her own money, then, why not? Sabi ng iba, ang lalaki ang padre de pamilya, siya ang bubuhay sa buong pamilya. Yes, nandoon na tayo. Tama 'yon.
Pero kapag may pera naman ang babae, kaya namang bumili ng gamit, o groceries. Or foods for the family. Or even her personal needs, then bakit i-asa pa sa asawa? Hindi ba pwedeng mag-compromise?
YOU ARE READING
SUBMISSIVE 4:ELMAR DEMIR
RomanceIn Elmar Demir point of view, there's nothing compared with freedom. Freedom of speech. Freedom of expression. Everything about freedom. Para sa kanya, ang pinaka sa lahat ay kalayaan sa babae. Marriage? Nahh. That thing didn't cross his mind. Alam...
CHAPTER 4
Start from the beginning
