Chapter 12 "My First Date *^-^*"

17 0 0
                                        

Charlotte’s POV

“30 mins. Nalang mag s-start na ang mass. Anong oars ba nya balak pumunta dito sa bahay.?”

“hoy superthin! Umupo ka nga! Ako ang nahihilo sa ginagawa mo eh.” Hindi ko na sya pinansin at umalis na ako.

“tss.. sabi ko umupo. Di ko sinabing umalis.” Ayan.. bumalik na naman sa pagkapilosopo.

“Puntahan ko nalang kaya si besh sa kanila para kasing walang balak na pumunta rito eh.?”

Pagbukas ko ng gate, sumalubong sakin ang nakakrinding boses ni Justin

“hoy bruhitaaa.! Ay juskoo.! Nakakalurki ka.!”

“naman Justin.! Wag ngayon, maaga na, Sunday pa.! kalalabas ko pa lang ng gate at yang nakakarinding boses mo na ang bubungad sakin.!” Sabay lakad palayo sa kanya.

“hey hey hey.! Weyt a minit milk mainit.” Ha.? Ano raw.? Eh diba dapat wait a minute kapeng mainit dapat yun.? Tss.. mga bakla talaga.

“I have some tanong to ask you.”

“what.? Can you do it faster.? Nagmamadali ako.”

“ai.? Highbloodenensis ang peg.?

Oh by the way.

Sinetch yung erfong papabol na nag hatid sayo yesterday.?” Huh.? Ano raw.?

“ayusin mo nga yang pananalita mo.. parang kang alien di kita maintindihan.”

“ I sed, sino yung handsome and papabol na naghatid sayo yesterday.?” Ha.? Nag hatid.? Eh diba sinundo ako ni kuya sa bahay nina Vlad.?

“anong naghatid.? Sinundo kaya ako ni kuya.”

Nagulat na lang ako nang may humintong kotse sa harapan namin.

“(window opens) Maam Charlotte.” Ay si mang Pedring lang pala.. driver nina besh.

“mang Pedring naman eh.. Charie na lang po ang itawag nyo sakin. Si besh po.?”

“nauna na po sila.” Sila. At sino naman ang kasama niya.?

“pinapasabi po ni maam na hindi nyo raw po siya makakasabay kasi lumbas sila nila maam Michelle at sir Joseph.” Aah.. oo nga pala bumalik na sila Tita galing States. So.. ibig sabihin ako lang ang magsisimba.? As in ALONE.?

“at pinapasabi nya rin po na ihatid ko kayo.”

Pumasok na ako sa kotse at iniwan ang baklang si Justin sa kalsada kasama ng aso nyang si Jhoni.

WHERE: Church

Late na ako dumating at buti na lang nakahanap pa ako ng bakanteng upuan.

(inhale) hmmm.. bango..

Teka, familiar ang amoy ah.? San ko nga ba to na amoy.? Hmm…

 Urgh.. I can’t remember. Pero familiar talaga ang amoy. Sino kaya yun.?

Hindi naman ang katabi ko.

Wala rin sa mga taong nasa harapan ko ang may amoy na tulad nun.

Di tuloy ako makapag concentrate sa mass..

“miss.? Okay lang ba.? Para kasing di ka makahinga ng maayos eh.” Ack.. ahaha.. nahahalata na ako ng katabi ko.. haha inhale kasi ako ng inhale eh. Eh pano kasi.. nakaka addict yung amoy eh..

“ahehe.. medyo ok na po.. salamat sa concern.”

Hanggang sa matapos na ang mass, hindi ko parin nalalaman kung sino ang may ari ng mabangong amoy na yun.

Pagkalabas ko ng church, mas tumapang yung amoy.. ibig sabihin malapit lang sya sakin..

~hmmmm… bango talaga.. nakaka addict..~

Inhale lang nang inhale hanggang sa…

Bumangga ako sa lalaki sa harap ko.

Sya.! Sya ang may ari ng nakaka addict na amoy na kanina ko pa hinahanap.! Oh please.. humarap ka naman..

Binilisan ko ang pag lakad para maunahan ko sya. Nung medyo magkasabay na kami sa paglalakad, lilingon n asana ako kaya lang…

“(bump) ah miss sorry pasen—“ makikita ko na sana yung taong nag mamay-ari ng nakaka addict na amoy, kaya lang.. may bumangga eh.. tsk..di ko tuloy nakita.

Pero nung nakita ko kung sino ang nakabangga sakin,..

*u* biglang nag twinkle ang mga mata ko..

“stan— uhmmm.. uhmm..”

Tinakpan nya yung bibig ko sbay hawak sa kamay at hinila tapos tumakbo palayo sa crowd. Nagiging hobby na nya ata na hilain ako ah.? Hihihi. Nahawakan ko na naman ang malambot nyang kamay.!! Waaah.!! Kinikilig na naman ang bida *^_^*

“huff.. huff.. huff.. polboron… pasensya na ah.? Huff. Huff.” Nung nakalayo na kami, huminto na kami sa pagtakbo at binitiwan nya na ang kamay ko.

:3 bakit nya binitawan.? Nakakainis ka naman miss author eh.! Pinuputol mo ang kasiyahan ko.!

Nung hindi na sya hinihingal, tumayo na sya at tinanggal nya na yung hood nya. KYAAAAAAAAAHHH.!!! A..a..ang…

Ang cute-cute nya.!! SUPER.!! Gusto kong pisilin yung mukha nya kasi nanggigigil na talaga ako.! Pero syempre di ko ginawa. Ano ako shunga.? Baka pag mahalata nya ako, iiwasan nya na ako.. huhu.. yoko nga.!

Tumalikod na lang ako kasi sigurado ako.. 99.99% sure.. namumula na ako.

“polboron.? ok ka lang.?” sabay hawak sa balikat ko. Na syang naging dahilan ng paglingon ko ng wala sa oras.

“namumula ka ata.? Ok ka lang.?”

“a..a

Ahehe.. ok lang ako. Nu ka ba. Ganto lang talaga ako pag hinihingal. Normal na sakin to.” Nagulat na lang ako sa mga sumunod nyang ginawa  kasi…

Pinilsil nya yung pisngi ko.! O/////O

“alam mo, ang cute cute cute cute mo pag namumula.” O/////O c.. cute.? Cute daw ako.!! Ayiiiiiiieeee.. kay crush pa nanggaling yun ah.?

“oy.. maawa ka naman sha pishngi kuh.!” Sabi ko habang hinahawakan ang kamay nya para kunwari pinipigilan ko sya.. waaaah.!! Ang landi mo talaga Charie.!!

“Ang cute cute mo kasi.” Ayhihi.. sige lang ipagpatuloy mo lang yang ginagawa mo. *^_^*

“cute pala ah.? Etong sayo.!” Pinisil ko rin yung pisngi nya. At yun.. nagpisilan kami ng pisngi hanggang sa mapagod na kami.

“haha.. sige na nga ititigil ko na. naaawa na ako sa pisngi mo eh.” Huh.? Wag muna.. pabayaan mo na yang pisngi ko. Waah.!! Anlandi ko.!! Haha

“haha tingnan mo yung pisngi mo ang pula. ^-^”

“eh.?” Agad kong kinuha ang pocket mirror sa sling bag para tingnan ang cute kong mukha.

Nung natapos ko nang tingnan ang sarili ko sa salamin, saka ko lang napansin na wala na pala siya.

“Stan.? Stanley.? Nasan na ba yung taong yun.? Stan.?” Ang bilis nya naming nawala.

“bulaga.!!”

“ay palaka!” hinampas ko sya gamit ang bag ko. “bat ka ba nanggugulat.? Kung may sakit ako sa puso, baka kanina pa ako inatake dito.” 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chapter 12  "My First Date *^-^*"Where stories live. Discover now