Chapter 1

19 0 0
                                        


Chapter 1

"Here. She is the girl."

Napayakap ako sa parehas kong braso habang nandito ako sa loob ng kwarto ng bahay-ampunan kasama ang iba pang mga bata.

May isang bigating tao na naghahanap ng mga bata na pwede nilang ampunin ng madalian at dalhin agad sa ibang bansa.

Sumilip kami kanina sa bintana at nakita namin na maraming lalaking mga naka-itim na suits sa labas kaya naisip namin na bigatin at mayaman yung mang-aampon. Hanggang sa makita namin yung isang lalaki na may nakatagong baril sa likod niya at nilingon pa kami kanina habang nakadungaw kami sa bintana.

Kaya ngayon lang kami nakaramdam na ayaw magpa-ampon sa kung sinumang lalaki na gumagamit ng mga baril.

"How old is she? I wanna see her."

Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa kwarto na pinaglagyan sa'min.

"Ate... Kinakabahan po ako..." napalingon ako sa kasama ko dito sa loob ng kwarto na kasama ko rin dito sa orphanage. Iyon halos ang ibinubulong nila sa akin. Ang kinakabahan sila.

Maging din naman ako.

15 years old lang ako at... wala pa akong pangalan. Tinatawag lang nila kami sa mga numbers o kaya naman sa hindi kaaya-ayang gawang mga pangalan sa tuwing nagagalit ang mga tao ng orphanage o kaya ay kapag naiirita at naiinis na sila. Kaya masasabi kong, kahit na matagal na kaming magkakasama dito... hindi namin kilala ang isa't isa.

Abandonado na itong bahay-ampunan... sa pagkakaalam ko. Hindi ko rin alam kung rehistrado ba ito o kung paano kami nabuhay dito hanggang sa ngayon. May iilang mga tao ang nagbabantay ng orphanage na ito. Ang head master, guidance master, at may tatlo pang caregivers master.

May nakakatanda din sa aming lahat. Ang tinuturing naming pinaka 'Ate' dito sa orphanage. 18 years old siya nung mayroong kumuha at umampon sa kaniya kaya hindi na namin siya kasama ngayon dito. Simula nung umalis siya dito sa orphanage, wala ng nagtatanggol sa aming lahat. Hanggang sa ako na ang naging 'Ate' ng mga kasama ko dito sa orphanage.

Bumukas na ang pinto tiningnan kami isa-isa ni Head Master. Tumigil ang tingin niya sakin bago ako nilapitan at kinabig ang braso ko bago hinila palabas ng kwarto.

"Ate!" nag-iiyakang tawag sakin ng mga kapwa ko bata dito sa orphanage. Pero ng tumigil maglakad si Head Master at nilingon sila...

"Kapag may narinig pa akong isang ingay diyan, ipa-papatay ko kayong lahat. Naintindihan niyo?!" napatungo ako at nilingon ang mga kasama kong bata at sabay silang tinanguan. Senyas na huwag silang mag-alala at okay lang ako.

"Ikaw." sabi ng Head Master nang masarado niya na ang pintuan ng kwarto.

"Nasa first floor ang lalaking gustong umampon sayo. Kapag ikinanta mo itong orphanage sa kanila, siguraduhin mong hahanapin kita at kapag nahanap na kita, habang natutulog ka, saka kita gigilitan sa leeg. Nakuha mo?" napangibit ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko kaya mabilis akong tumango habang naluluha pa.

Hinila na niya ako pababa sa first floor at nang makababa kami, nakatungo lang ako hanggang sa tumigil kami sa tapat ng lalaking nakadekwatro ang pagkaka-upo.

Agad akong napatingin sa kaniya dahil ngayon lang ako nakakita ng taong maayos kung manamit. Pero agad din ako napayuko dahil nagtama ang paningin namin.

"Does she know the basic english language?"

"Actually, this girl is genius among the others. She can understand what we're talking about." mabait na tono ni Head Master habang nakatingin doon sa seryosong lalaki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Became the Mafia Boss Adopted DaughterStories to obsess over. Discover now