Free 22

296 5 2
                                    

Free 22

************

( C r u x )

"Don't call me Babe! dun ka sa babae mo! bwisit ka!" sigaw ni Mommy kay Daddy with matching pukol pa ng mga gamit nya.

"Sinabi ko na sayong aksidente nga lang yun! Ano ba Xii! Kalma!" Daddy.

Nagpatuloy pa sila sa ganun habang ako umiinom dito ng tsaa. -.-

Buti pala wala dito si Andi dahil pag nagkataon sya crying lady dito.

Nasa ospital sya binabantayan si Roki. Maghapon na nga yun dun eh. Di pa siguro yung kumakain.

Patayo pa sana ko ng marinig ko si Mommy na umiyak.

" Maghiwalay na tayo? yun ba ang gusto mo Xii?" Napatakbo ako sa gitna nila at tinulak si Daddy palayo kay Mommy.

"Dad! Wag nyo namang sabihin yan!" napaupo sa sahig si Mommy na umiiyak at halos di na makahinga. Noon biro-biro lang yung nangyayare eh pero ngayon ..may posibilidad na mag-split sila.

"P--Pabayaan mo ang Daddy mo Crux." sabi pa ni Mommy. Tinaasan ko sya ng kilay at binalingan ng masamang tingin si Daddy.

Tumayo ako at humarang kay Mommy.

"Daddy, Ang akala ko ba masamang magpaiyak ng babae? Bakit kay Mommy mo pa ginawa?! Alam mo po bang lagi nalang sya tumatawa kahit masakit na sakanya? " Pinipigilan ako ni Mommy.

"Crux--"

"Mommy! Pwede ba! Ngayon pa ba kayo mag-hihiwalay dahil lang dyan sa putanginang pambababae na yan?! Daddy naman! nandito na kami ni Andi! di pa ba sapat sayo ang tatlo kaya magdadagdag ka pa?! Fvck!"

"Hindi ko gusto to ang tono ng pananalita mo Crux ah!" Daddy

"Wag mo syang sigawan! Lumabas ka Mond!"

"Xii-"

"Lumabas ka!!" Sigaw ni Mommy at pinagtulakan si Daddy palabas. Napahagulgol nalang si Mommy.

Niyakap ko sya at inalo hanggang sa huminahon sya.

"Ang Daddy mo...Ang Daddy mo..." paulit ulit na sinasabi ni Mommy.

"Tama na Mommy...Wag ka na umiyak...Bubuti rin ang lahat...Wag ka na po umiyak" Pinatahan ko si Mommy. Di ko namalayan nakatulog na pala sya kaya pinasan ko sya papuntang kwarto nila ni Daddy. Puro basag yung mga gamit pati yung family picture namin..

Hayyyyy. Humanda ka sakin Daddy.

Naglibot ako sa kwarto nila Mommy. Ngayon lang ulit ako napasok dito..

"Ganito parin pala..."

Naisipan kpng tawagan si Andi..

"Andi, kumain ka na ba?" tanong ko.

"H-hindi pa Crux..Si Roki...Katik...katik na.." umiiyak din sya.

"Andi, gusto mo bang puntahan kita dyan?"

"Wag na Crux..Gabi na rin.. Dyan ka nalang at bantayan mo sina Mommy at Daddy baka..."

"Sige"

"Good night Crux..See you tomorrow"

at binaba na nya yung line nya. Napabuntong hininga nalang ako.

Pinili ko nalang na wag sabihin sakanya dahil dadagdag lang yun sa problema nya.

Sabi ng doktor napuruhan daw sa saksak at pasa si Hiroki., Umabot pa nga sa puntong nag-blank na pero naagapan parin naman kaya alalang alala si Andi. Minsan,Tulad ngayon, hindi na sya nakakauwi..

Nagising na ulit si Mommy at tinawag nya ako kaya napalingon ako.

"Mommy.." Umupo ako sa tabi nya.Pinat nya yung ulo ko at ngumiti aakin tulad nung mga bata pa kami.

"Mommy, di naman kayo maghihiwalay di Daddy diba?" natahimik lang sya.

at naging mapait yung ngiti nya.

"...."

"Mommy,Wag.. "

Nag-buntong hininga sya at yumuko.

"Nak, mahal ko ang Daddy mo at hindi ko magagawang hiwalayan sya.Pero natatalo ng sakit yung nararamdaman ko...Ilang beses na nyang ginawa yan. Oo sanay na ako pero yung huling to...Bumigay na ako..."

"Maghihiwalay po kayo?" basag na boses ko. Pakiramdam ko magwawatak kami..

"Minsan kailangan lang talaga ng space para pag-isipan ang mangyayare sa hinaharap,Nak. Kailangang maghiwalay kung di na kaya ng bawat isa.."

Nanahimik nalang ako...

Time and space para pag-isipan ang mas makakabuti para sa hinaharap...

Kung ganon tama pala ang desisyon ko...

"Mommy,. I-promise mo pong di kayo maghihiwalay" sabi ko at inabot ko ang kamay nya saka nag-pinky promise.

Napatulala lang sakin si Mommy at saka ko sya niyakap.

"Opo, babaero si Daddy, normal lang po yun sa mga lalake. Hayaan nyo po..Ako na mismo ang magtuturo sakanya mg mga itunuro nya sakin."

Pinalagutok ko ang kamay ko at tumayo.

"Patay ka sakin Daddy"

Napangiti si Mommy sakin.

"Mas bagay po sainyo ang nakangiti Mommy."

"Ikaw bata ka! halika nga dito at nang maharass kita"

"Mommy naman *pout* wala namang ganyanan. Para naman kayong si Lola Maryl at Tita Chelle eh"

Naupo ulit ako...

"Mommy..."

"Hm? ano yun anak?"

"Pupunta po ako sa London"

Nanlaki mata nya sakin at napanganga.

"B-Bakit? kinukuha ka ba ni Lolo? Pinilit ka ba nya? Aish"

"Hindi po mommy. Di ba nga po, Ang sabi mo kanina ... Time and space ang kailangan para sa ikaaayos ng lahat?"

"Pero Nak..."

"Wag po kayong mag-alala...at isa pa...may isa papo akong ipupunta dun.."

"Pero.....Sige..Kausapin mo si Andi , okay?"

"Yes,Mommy."

It takes less than a minute to change everything..

YWF: Less Than A Minute (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon