Free 23

285 3 1
                                    

Free 23

---------

( A n d i )

Magdamag kong binantayan si Hiroki. Ewan ko pero, pakiramdam ko nasasaktan akong makita syang ganito. Naguguluhan ako at the same time nasasaktan.

Di ko alam kung kailan sya magigising dahil hanggang ngayon di parin naayos ang lagay nya.

Magdamag na akong iyak ng iyak habang hawak yung kamay nya. Nagdadasal na sana gumaling na sya pero wala namang epekto.

Di naman ako masamang abat...pero bakit parang ayaw akp pakinggan nung nasa langit?

May galit kaya sya sakin o nagtatampi dahil malimit akong magdasal? hindi ko alam...

Hinawakan ko pa ng mahigpit ang kamay ni Hiroki at nagdasal muli.

"Lord,pakiusap iligtas nyo sya..Di ko kayang mawala si Roki...Nakikiusap po ako..."

Nagulat ako ng bigla nalang nag-straight line nasa mukang monitor na oven. Di ako mapakali, di ko alam gagawin ko kaya sumigaw ako at lumabas ng kwarto nya. Nung dumating na ang mga doctor pumasok ako at napaupo sa isang tabi.

Nakatakip ang mga kamay sa tenga at umiiyak na nakatingin sakanya.

Di ko sya kayang tignang ganyan.

Masakit kasi...

Matapis ang mahigit isang oras lumabas na ang mga doctor.

Lumapit ako kay Roki.

"Roki nakakainis ka.. Lumaban ka naman kahit para sakin lang...akala ko ba hihintayin mo ko? Asan na yung pangako mo?"

Umiyak lang ako dun at lumabas ng dumating ang parents nya.

Habang nakaupo ako sa labas may nahagip ang mata ko na isang babaeng nakaupo sa wheel chair at may kausap na bata.

Si Sakura Yuki yun. Yung taong gusto malamang ni Crux. Twing nakikita ko sya ewan ko pero naiinis ako pero ngayon... gusto ko syang lapitan at kausapin.

Gusto ko syang tanungin kung bakit anong sakit nya at kung bakit nagkaganun sya pero nung lumapit ako at makita nya ako umiwas sya.

"S-sandali--"

Humarap sya sakin. Umiiyak sya.

"B-a-bakit...." Napamaang kong tanong. Puno ng sakit yung mata nya.

Nag-usap kami at napag-alaman kong may cancer sya.

"Paanong--"

"Nasa history na namin ang cancer.. Sabihin na nating handa na akong tanggapin ang kapalaran kong mauuna ko kaysa sa karaniwang tao.."

"K-Kaya ka ba lumayo kay Crux?" tumango sya.

All this time puro lait ginawa ko sakanya kay Kuya at sa isip ko... Ang akala ko pinaglalaruan lang nya si kuya pero mahal pala talaga nya to.

Ang masaklap pa...huli na ng malaman ko..

Niyakap ko si Sayuki.

"Sorry..." sabi ko.

"Ayos lang....Ang kuya mo...mahal ka nya..." ngumiti ako.

"I know....at alam ko ring kaagaw kita sakanya...Mahal ka rin nya Sayuki. Maaaring di nya pinapahalata pero...Trust me...Mahal ka nya..."

"Andi..."

"Okay lang ako ... Totoo.."

Pero ang totoo masakit. Ganito pala pakiramdam..

In less than a minute, nagbago ang lahat sakin.

May lumapit saking nurse at sinabing hinahanap ako nung mommy ni Roki kaya nagpaalam na ako sakanya.

( S a y u k i )

Bye Andi.... Siguro...ito na ang last time na makakausap at makakasama kita.

Masaya ako at nagkasundo tayo.

"Miss Yuki. Nakahanda na po ang sasakyan" sabi ng butler namin. Tumango ako at tinulak na nya yung wheel chair. Three days na akong di pinupuntahan ni Crux...

Sapat na siguro ang kasinungalingang narinig nya mula sakin..

;')

Hindi namanasayang magparaya nalang hindi ba? tutal mawawala rin naman ako..

Habang nasa kotse ako nakasalubong namin ang kotse nila. Nakita ko roon si Crux. Nakatingin sya sa labas ng bintana at parang malalim ang iniisip..

Yang mukang yan..

Ang mukang nagpapa-alala sakin na masaya akong nabuhay dito at masaya akong aalis ng dahil sakanya.

Nagsisisi lang ako dahil hindi ko naparamdam yung intensyon ko.

Hiroki, Patawad kung hindi ko na nasunod ang sinabi mo. Alam mo namang boba tong bestfriend mo kaya eto ko ngayon at mukang tanga. Baliw ka magpagaling ka kundi maaagaw ni Crux ang mahal mo. Alam ko namang mahal na mahal mo yun kaya...gumising ka na para sakanya. Nararamdaman ko....

Mahal ka rin nya.

"Nandito na po tayo sa airport ma'am" nilabas na nila ako at pumasok na.

Mamimiss kong mabuhay dito.. Pati ang mga taong nakilala ko..

Sana maging masaya sila....

lalo na si Crux. Sayang di ko nasabi kung gaano kita kamahal...

napangiti ako at napaluha ...

Sayonara..

YWF: Less Than A Minute (COMPLETED)Where stories live. Discover now