Second Chance

120 3 4
                                        

I'm Mich. A 3rd year college student. Civil Engineer. Siguro wala naman na akong mahihiling pa sa buhay ko, I have a stable family and I also have a bestfriend and boyfriend. Everything went smoothly until one news barged into my life.

"Ija, kailangan mong magpa-opera para matanggal natin yung bukol mo sa left lung. It's too dangerous for you." sabi sa akin ng family doctor.

"Po?" wala sa sarili kong sagot. How did that happen?

"Yung bukol na tumubo sa lung mo, hindi naman siya cancerous pero kailangan na natin agad yung matanggal. Kasi pwede nung maapektuhan ang health mo." Nagaalalang sabi ulit ni Doc.

I sighed. Sasabihin ko ba toh sa kanya?

"Sige po Doc. Kayo na rin po bahalang magsabi kay mom."

After kong sabihin yun. Umalis na ako kaagad dun sa hospital.

Hindi ko alam kung saang lupalop ng Universe nanggaling yung bukol na yun! Aba! Napakaepal naman niya sa buhay ko. (sigh) Wala naman na akong magagawa eh.

I dialed his number. At several rings pa lang, sinagot na niya.

Alam niya kasi kung gaano ko katindi magtatatalak.

Kahit pala sa ugali kong toh, may magmamahal sa akin ng totoo nuh? Kahit na sobrang taray, sunget, ingay at bossy ko may tao pa ring magtyatyaga sa tabi ko.

"Hello Babe," I started. I need to tell him.

"Uhm... Mich..." He spoke. Nanginginig yung boses niya.

"Jake?! Anong nangyare sayo?!" Ako naman si worried girlfriend, nag-panic.

"I need you..." He managed to say. And I heared few sobs. Omygod. My babe...

"Nasaan ka?"

"Bahay..."

"Okay. I'm on my way! Don't do anything stupid okay?!" Then I hung up. Masyado na kasi akong nataranta. Baka kung anung mangyari dun. Baka hindi ko kayanin.

Pumara agad ako ng taxi at dumeretso sa kanila. Hingal na hingal ako. Shit! Nakalimutan kong may something pala sa stupid lungs ko.

Dumeretso agad ako sa loob, tutal binigyan ako ng spare key ni tita sa bahay nila.

Magbestfriend na kasi kami ni Jake since elementary. Kaya ganyan na sila kaluwag sa akin.

"Babe?" And I saw him. Sitting on the floor. May alak sa tabi. Kulang na lang sigarilyo at baraha mukha na siyang tambay sa kanto. Ang gwapong tambay.

Nilapitan ko siya agad at nilayo ang alak sa tabi niya. He looked so... Vulnerable.

"What happened?"

"May... May ibang pamilya si Papa..."

"What?!"

"May asawa pa pala siya... Nauna kay mama..."

Omygod. This can't be happening.

"Kaya pala ganun siya sa akin Mich... Bastardo lang pala niya ako..."

And I saw his eyes water.

I hugged him. Para macomfort ko naman ang bestfriend at boyfriend ko.

"Shh. Don't cry."

"Nakita ko kung gaano nasaktan si mama Mich... Ang sakit nung makita para sa akin... Peste."

Naiyak ako dahil sa nangyayari sa kanya. Sa 4 na taong kami, ngayon ko lang siyang nakitang ganito kahina. Para siyang bata na pinalo ng kanyang ina at pinagalitan.

Second ChanceWhere stories live. Discover now