"Pwede ko na ba tong hubarin, Mahal na senyora?" Kalokong tanong niya dito. Kanina pa kasi siya nito inuutusang suotin ang mga dress na pinamili nila.

Ngumiti ito sa kanya. "Sure. Now it's time for the bikinis!" Kinuha nito ang isang kulay pula na bikini galing sa isang karton. They fucking bought ten pairs! Ten fucking pairs of bikinis in different colors, styles and designs! Ang isang tang-inang piraso ay tumatakbo sa halagang—

"Wear this, Axia! Ang cute kasi tingnan oh? The design and color will surely flatter your skin! Ano kaya ang magiging reaksyon ni Adam pag nakita ka niyang naka bikini for the very first time?" Kinikilig na tanong nito sa kanya. Nandiri siya sa sinabi nito. Yuck.

Hinablot niya sa kamay nito ang iniabot na isang piraso. "Gaga! Ba't naman ako bibigyan pansin ng gunggong na yon? Nakalimutan mo na bang sa Boracay kami pupunta? Ang daming magaganda't sexy na babae doon noh!" Binigyan niya ng emphasis ang salitang Boracay.

"Maganda ka naman ah? And you're sexy as hell! I'm sure hindi ka aalis sa line of vision ni Adam pag naisuot mo ang bikining iyan!" Pambobola nito sa kanya. She just rolled her eyes and went inside to her bathroom.

Nang naisuot na niya ang bikini ay lumabas na siya ng banyo. There was no way in hell she's gonna wear one of these! Ramdam niya'y parang wala na siyang naitago! She might as well wear nothing dahil wala naman din—

"Ahhhhhh!!!!" Nagulat siya ng biglang sumigaw si Megan. She was looking at her with wide eyes and an open mouth. Did she really look that bad? Alam naman niyang wala siyang curves sa katawan pero pumupunta naman siya sa gym every weekends to tone her body.

Tinaas niya ang dalawang kamay. "I knew I look hideous in these! I'll take it off then give it all to you if you want—"

"No!!!!" Sigaw ulit nito. Naka-drugs ba itong kaibigan niya na hindi niya nalalaman? Bipolar ba ito o may psychological disorder?

"Wow, Meg. Di mo naman kailangang sumigaw. I'm standing right in front of you!" Aakma na siyang papasok sa banyo ng bigla nitong hinila ang braso niya.

"You, my dear friend, are going to be a legend!" Kinuha nito ang cellphone and started taking pictures of her.

Napamura siya ng malakas sa ginawa nito. "What the fuck are you doing?!"

"Instagram." Simpleng sagot nito sa kanya.

Napakunot ang noo niya. "Ha? Instagram? Ano ba yan? Porn site yan ano?! Gagawin mo pa akong porn star ha." Mabilis niyang hinablot ang cellphone nito at binura ang mga litrato.

"Tanga! Anong porn site?! It's a social networking site where you can post your pictures, okay?" Natatawang paliwanag nito sa kanya. Ibinalik na niya dito ang cellphone nito habang natatawa parin ito na parang sira ulo.

"That's stupid. So you take pictures and then post them there? Then what?" Kinuha niya ang isang kulay pula na satin robe sa mga pinamili niya at sinuot.

Kinukunan parin siya nito ng litrato pero wala na siyang pakialam. "Well, you will then have hundreds and thousands of likes if they find your picture cute and attractive! Dadami din ang followers mo."

Napailing nalang siya sa sinabi nito. "So ganun lang 'yon? Take a picture, wait for someone to like it, then have followers? That's it?"

"Yeah, I know it sounds boring but it's pretty addictive! You can—Wait, bakit ba tayo nag-uusap tungkol sa Instagram? We should be talking about how stunning you look—" Naputol ang sasabihin nito nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. It was Adam calling. Ano na naman ang kailangan nito?

Playing Between the SheetsWhere stories live. Discover now