Chapter Three

50.3K 960 174
                                    

Chapter 3

"You're going to have a vacation with one of the yummiest bachelor in town and you don't even have a single bikini with you?" Di makapaniwalang tanong ng kanyang kaibigan na si Megan. Buti nalang kahit hindi pareho ang interes nila sa buhay ay nagkakaintindihan parin sila sa isa't isa.

They were currently having coffee at Starbucks to catch up with each other. Bumalik na kasi galing sa London si Megan after three years of working there as an editor-in-chief sa isang prestigious magazine. She was currently on her vacation. "Kailan ba ako nagkaroon ng interes sa mga bikinis, Meg?" Walang ganang tanong niya dito.

"Then we'll have to do something about that, won't we?" Nakangising tanong nito sa kanya. Oh no, she already knew what was going inside Megan's mind.

Binaba niya ang kanyang cup sa mesa. "Meg, thank you for the very kind offer of helping me which is alam kong gagawin mo din kahit hindi mo pa sinabi, but I don't even have the slightest interest to go shopping for a bikini."

Tinaasan siya ng kilay ni Megan. "So anong susuotin mo pag pumunta kayo sa Bora at Surigao?"

Nagkibit lang siya ng balikat. "My usual get-up maybe?"

Napahalakhak si Megan. "Are you serious, Axia? Loose t-shirts, baggy pants and your favorite Vans?! Yan susuotin mo sa Bora?"

"Hey! What's wrong with what I wear? Komportable naman ako nito ah!" Depensa niya sa kanyang sarili.

"Axia, I know you're comfortable with your style pero natitiyak akong huhubarin mo parin yan pagdating mo ng Bora at Surigao dahil sa sobrang init! Baka ma-heat stroke ka pa." Napaisip siya sa sinabi nito. She has a point.

Nagpatuloy ito nang hindi siya nagsalita. "At susuot ka ng Vans sa isang beach? Are you sure? You'll feel really uncomfortable."

Ininom niya ang kanyang kape habang iniisip kung meron ba siyang sandals sa bahay. Napasimangot siya nang matandaang binigay niya lahat kay Chey ang mga sandals na binili sa kanya ng kanyang ama noon. "Well..."

"And talaga bang hindi mo huhubarin yang bullcap mo at ilulugay ang buhok mo? Magkakaroon ka ng kaspa at lisa dahil sa sobrang init kung itatago mo yan diyan sa helmet mo! Sige ka! Magkakakuto ka talaga!" Pananakot nito sa kanya. Napaisip siya nang tinanong ni Adam sa kanya noon kung may kuto ba siya sa ulo. Crap.

Ilang minuto din siyang natahimik sa kanyang upuan. Megan was just smiling at her dahil alam nitong bibigay na siya sa kung ano man ang gusto nito. She sighed before drinking the last drop of her Frapuccino. "Fine! You win! Anong gagawin ko?"

Megan was now grining at her like an idiot. Napamura siya sa kanyang isip. She's gonna kill me. I know she will.

"Oh, Alexandria. Ako na ang bahala sayo."

-

"Turn around one last time, Ax." Utos ulit sa kanya ni Meg.

"The hell, Meg? Pang sampung ikot ko na to ah? Nahihilo na ako dito!" Naiiritang pahayag niya kay Megan na nakatunganga parin sa kanyang harap. Nasa loob sila ng kanyang kwarto at pinapasukat nito sa kanya ang lahat ng kanilang pamili.

"You don't have any idea how sexy you look, Alexandria. Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin!" Nilingon niya ang kanyang sarili sa salamin at napatango. Well, she looked okay. She was currently wearing a maxi dress with a bare back. Okay naman ang fitting niyon sa katawan niya but she felt naked! How in the world do women survive wearing dresses like these?

Playing Between the SheetsWhere stories live. Discover now