"Oo naman," she laughed then placed her hand around my shoulder. "Bakit mo naman natanong?"
"Bigla kang tumahimik," puna ko sa kan'ya. She's usually easy going so it's not common that she's being timid all of a sudden.
"Ang dami mong napapansin." Halakhak n'ya at umiling. "I am okay. Gusto mo bang mag-club tayo mamaya? East Drive?"
Grabe, ang sagot ba talaga sa lahat ng problema ay mag-party?
I bit my bottom lip. But maybe she'll open up when she's not sober? Baka doon n'ya gustong maglahad ng mga problema n'ya? I can sense that she's not comfortable for some reason but I don't know why?
Tumango ako at pumayag sa kan'yang imbitasyon. Umuwi lang ako sandali sa dorm upang maligo at magpalit ng damit. I decided to wear something a bit revealing because it's a club. No'ng huling beses ay sinita rin ako ni Ruby sa aking damit. I didn't want to look like someone who came for a lecture with my long skirt and floral top!
Sinundo ako ni Ruby gamit ng Vios ni Jakob na kanina pa namumutla sa passenger seat. Natatawa naman si Diether at Mineth sa itsura ng nasa harapan nila. Ako naman ay kadarating lang kaya medyo naninibago pa ako sa harutan nilang apat. Umupo na ako sa tabi ni Mineth at sinara ang pinto. Humarurot na ang kotse.
"Dito ka sa tabi ko, Nacia," yakag ni Diether at pinagpag pa ang tabing upuan n'ya.
I frowned because Mineth was already seated beside him. Nasa gitna siya kaya naman hindi ko alam kung paano ako uupo sa tabi ni Diether kung sakali. It would be a hassle on my part.
"Hoy, dito si Nacia," Mineth glanced at Diether and hissed. Naningkit pa ang mga mata nito.
Umatras naman agad si Diether, he looked like he was caught red handed while he pursed his lips. Umiling na lang ako at binaling sa iba ang tingin. I wonder if Kiran would join us? Inimbita rin kaya siya ni Ruby?
"Ito ang unang beses na nag-drive ako ng kotse ng iba!" Ruby guffawed then turned the steering wheels in another direction. Halos bumangga sa akin si Mineth at tumalsik naman si Diether sa kan'ya.
"Ito na rin ang huling beses!" Hilap ni Jakob na halos nanghihingi na ng saklolo ang boses. "Ang sasakyan ko, Ruby! Hindi pa ito fully paid!"
Natawa na lang kami dahil pakiramdam namin ay totoo iyon. This experience definitely left a lasting impression that Ruby isn't a good driver!
Nakarating kami sa East Drive na para bang galing sa isang rides sa isang amusement park. Halos magsuka si Diether at Jakob sa kaba siguro dahil sa pagmamaneho ni Ruby. Mineth only fixed her look while combing her hair using her fingers. Kinuha ko naman ang compact mirror ko sa aking purse at tiningnan ang aking itsura. I still. . .looked fine. Naka-itim na blazer ako at puting inner top at isang black skirt na hanggang tuhod ko lang.
Pumasok kami sa loob. . .at ang unang bumati sa akin ay ang sumasayaw na mga strobe lights at tumatama sa aming mga paningin. The sound coming from the DJ was making our heads bobbed almost immediately. Nakita ko rin ang ilan na sumasayaw na sa gitna.
"Nandito kaya si Eastre Zaguirre?" tanong ni Mineth, she sounded giddy and she was flustered.
"Crush mo?" tanong ko agad.
"Crush namin!" Hagikhik ni Ruby. "Siya rin may-ari nito. Pero hobby n'ya lang yata? Mahilig daw kasi mag-party kaya nag-invest sa isang night club! And well, the rest is history. Sumikat itong night club n'ya."
"Paano ka pala nakakuha ng table rito? Mahal nito ah?" tanong ni Mineth at lumingon pa sa mga couches na nasa bandang gitna, hindi enclosed ang mga tables kaya naman nagkakaroon ng paguusap ang mga tao.
YOU ARE READING
Act Off Script | ✓
ChickLitstand alone complete [unedited] To quote someone, no one can teach you how to write-because life is the one who would teach you how to pen the beginning, climax, and end of your story-but what if you don't like how life writes it? Athanacia Norainne...
Chapter 9
Start from the beginning
