Chapter 9

32.5K 1.6K 3.8K
                                        


Chapter 9

. ₊ ⊹ . ₊˖ . ₊

It felt like Kiran built walls after our conversation. Whenever I stitch the gaps between us, he would tear it apart as soon as he sees that I am near him already. Hindi ko alam kung dahil ba hirap siyang magtiwala sa akin. . .o sadyang naninibago siya sa ipinapakita ko.

"Gwapo si Kiran 'di ba?" tanong ko kay Mineth habang may sinusulat siya sa kan'yang notebook.

Nilingon n'ya ako, her forehead knotted. "Oo, pero kung paguusapan ang ugali? Nevermind na lang."

"Nagtataka kasi ako," isiniwalat ko sa kan'ya. Humarap pa ako para lalong makita ni Mineth ang mukha ko. "Parang first time lang n'yang makarinig na may nagkakagusto sa kan'ya."

"Umamin ka na?" singit ni Ruby habang may hawak na plastic cup na may lamang stick ng kwek kwek.

Tumango ako. Mineth gasped and her eyes widened a fraction before looking at Ruby who mirrored her expression. Bahagyang natawa na lang si Ruby at tumabi sa akin habang napapailing.

"Okay na 'yan! Ikama mo na tapos busalan mo na lang yung bibig kasi ang gwapo ng mukha pero ang talas ng dila nung isang 'yon eh," ani Ruby at kumagat sa kan'yang kwek kwek.

My eyelids stretched open. "Po?"

"Baka kahit ungol no'n ay puro bad words eh!" Halakhak ni Ruby. "Fuck, ang sarap mo, Nacia! Ganorn!"

"Bastos!" Mineth hissed then glanced at me. "Huwag mo siya pakinggan! Pero ano ang sagot ni Kiran?"

"Wala. . ." Napanguso ako. "Parang ayaw naman n'ya sa akin. Pero okay lang kasi masaya na ako maging kaibigan n'ya. Anything more than that is already a fantasy for me."

Parehong napalingon sa isa't isa si Mineth at Ruby. Both of them had confusion swirling in their eyes. Pakiramdam ko ay naguusap sila gamit ng kanilang mga mata.

"Hindi kami papayag!" Ruby told me. Binaba n'ya yung hawak n'yang baso at nilagay ang kan'yang mga kamay sa aking balikat. "Ipapa-arrange marriage kita sa kan'ya."

"Tangina mo," kalmanteng sabi ni Mineth at umirap. "Akala mo naman may pera ka pangsulsol sa mga Conjuanco; yung paubos mo ngang shampoo nilalagyan mo pa ng tubig para masimot!"

Ruby stuck out her tongue. "O edi ikaw na magbigay ng ideya! Gusto ko lang naman maging fulfilled ang love life ni Athanacia."

Ngumiti ako nang mapakla. "Okay lang talaga. Actually, nagaaral ako magsulat ng script. Kaya naman kung sakaling. . .kailangan ni Kiran ng isang script writer ay nandito na ako para sa kan'ya. I could help him."

"You like him that much?" tanong ni Mineth.

I have never adored anyone more than this; that's all I know. It was the sensation of putting my adoration for Kiran not because he can love me back but because I can love him.

Bumitiw ang isang ngiti sa aking labi. "Like is too shallow, I deeply adore him."

Ngumiti lang si Mineth sa naging sagot ko sa kan'ya. Bumaling na siya ng tingin kay Ruby matapos yun.

"Ano palang balak n'yo next semester? Huwag kayo papa-late ah, baka maubusan na naman tayo ng slots," paalala ni Mineth.

Natahimik si Ruby, agad ko itong sinipat dahil pakiramdam ko ay malalim ang iniisip n'ya. It's not typical of her to stay silent over Mineth's lecture.

"Ruby?" tawag ko sa kan'yang atensyon.

Lumingon siya sa akin saka ngumiti. "Yes, Nacia?"

"Okay ka lang?" tanong ko sa kan'ya. Ramdam ko na hindi siya naging kumportable sa sinabi ni Mineth.

Act Off Script | ✓Where stories live. Discover now