"Fuck!"

Nagulat na lang ako ng biglang tumayo si Christian at sinipa ang center table. Natumba iyon kasama ang flower vase at nabasag.

"Fuck!" Sigaw uli nito.

Medyo nahimasmasan ako dahil ngayon ko lang ito nakitang ganito kagalit. Nakita ko na lahat ng side niya, ito pa lang ang hindi.

Sinuklay ng mga daliri nito ang buhok saka marahas na bumuntong hininga. "Bakit ba nakikinig ka sa babaeng 'yon?! Kanina mo lang siya nakita and you instantly believed her?! How can you say you love me when you don't even trust me?" Halos pasigaw niyang sabi sa akin.

Hindi agad ako nakahuma.

Uhm...yeah, he was right. Gusto kong suntukin ang sarili ko kung bakit ba pabugso-bugso ako at hindi ko muna siya hinayaang magpaliwanag.

"You know what? I've been in love with you for a very long time, only God knows how long. But I was afraid to tell you 'cause I know you'll hate me for it. For what I've done to you before..." Umiling ito. "Never mind. It's all useless if I tell you now dahil sarado pa ang isip mo sa mga paliwanag ko. Let's just talk when you are ready to trust and listen to me."

Tumayo ako para lumapit sa kanya pero nag-alangan ako.

Magsasalita sana ako para humingi ng sorry kaso hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinungo na nito ang pinto saka lumabas at pabagsak iyong sinara. Naiwan akong natulala sa pinto kung saan siya lumabas.

Tila nauupos na kandilang napaupo akong muli at napasabunot sa buhok ko. Gusto ko sana siyang sundan kaso baka lalo lang siyang magalit sa akin. Hahayaan ko na lang muna siyang magpalamig ng ulo.

Bukas na bukas din magso-sorry ako sa kanya.

Bakit ba kasi ganito ako? Hindi muna nag-iisip bago magsalita. Hinayaan ko muna sana siyang magpaliwanag at hindi pinairal ang kakitiran ng utak ko.

Gusto kong sampal-sampalin ang sarili ko sa katangahan ko.

Bigla akong nakaramdam ng takot. Takot na baka tuluyang mawala si Christian sa akin at hindi na siya bumalik dahil sa kawalan ko ng tiwala. Bigla akong na-paranoid. Bumuhos ang mga negatibong ideya sa isip ko.

"Ahhhhhhhh!" Napasigaw na lang ako sa sobrang frustration.

Ano ka ngayon, Sabrina? Nganga ka!

Pero bigla akong natigilan ng maalala ko ang sinabi niya.

Matagal na niya akong mahal at natatakot siyang sabihin sa akin dahil baka kamuhian ko siya? Ano bang ginawa niya sa akin na pawede kong kamuhian?

Pilit kong inalala kong nagkita na ba kami dati pero wala talaga akong matandaan.

Hindi kaya mistaken identity lang ako?

Bukas tatanungin ko siya tungkol dito pagkatapos kong mag-sorry sa kanya.

***

Nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto. Napabalikwas ako ng bangon. Sa sofa pala ako nakatulog kagabi. Tumingin ako sa orasan. 1pm na pala. Actually, halos umaga na ako nakatulog dahil sa kakaisip kung nasaan si Christian. Nag-alala ako kung baka napa'no na ito.

Napalingon ako sa pinto ng kumatok uli kung sino man ang nasa labas. Imposibleng si Christian 'yon dahil hindi na nito kailangang kumatok pa. Saka may doorbell naman ah.

Iinot-inot akong tumayo at binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Daniel. "Hi, Bree!"

Gusto ko sana siyang patuluyin kaso baka magalit si Christian pag nadatnan niya ito. Sinabi pa naman niyang wala siyang tiwala kay Daniel. Ayoko ng madagdagan pa ang inis niya sa akin.

The Geek's Whore [Completed]Where stories live. Discover now