HTL: my Aunty

20 0 0
                                    

pagkauwi ko sa bahay bumungad ang aking aunty teresa na ngayon ay mukang big time na.

"ikaw na ba yan Erin?" tanong nya

"opo aunty ako na ito, bakit po?" ako

"ang laki mona at mukang nagmana ka sa ganda ng aunty mo" sabi nya

"haha.. aunty talaga, bakit po pala kayo napadalaw" tanong ko

"oo nga teresa bakit ka pala pumunta?" tanong ni mama

"ano ba kayo, syempre namiss ko ang mga batang ito..

tsaka.........." sabi nya

"tsaka...... ano po?" ako

"kasi ate gusto kong ampunin si Erin at pag aralin sa manila" sabi ni aunty kay mama na ikinagulat ko

"uh.. eh..." ako na nangangapa ng sasabihin

"ayaw mo ba erin?" tanong ni aunty


tumingin ako kay mama at nakita ko syang naluluha.....

at...

"TALAGA TERESA!! PAG AARALIN MO SYA?!!!! SALAMAT TERESA!! HUHUHU" si mama sabay takbo at yakap kay aunty.

ugh, si mama akala ko kaya sya naluluha dahil aampunin ako ni aunty pero yun pala kaya sya naiiyak dahil sa tuwang pag aaralin ako ni aunty.

"oo ate pag aaralin ko sya sa isang sikat na eskwelahan sa manila na M.C" sabi ni aunty

"hindi bat mahal ang M.C na yon?"

tanong ni mama

"ate wag ka ng mag alala dahil ako naman ang magbabayad ng tuition nya ei." sabi nya

"salamat Teresa, kailan mo ba dadalhin si Erin sa manila?" tanong ni mama

"wow mama, parang pinamimigay mo na ko uh." sabi ko

"Erin para to sa kinabukasan mo kaya sumama kana sa aunty mo dahil sya lang ang paraan para makapag aral ka." sabi nya

"opo, sasama na ko" sabi ko

"talaga anak!!! mag aral kang mabuti don huh? wag kang pasaway" sabi ni mama na tuwang tuwa

"opo." sabi ko at sabay tingin kay papa kung payag-ba-sya-look

then parehong thumbs up ang kamay nya na tuwang tuwa din.

"kailan po ba tayo aalis aunty?" tanong ko

"ngayon"sabi nya na ikinagulat ko

"NGAYON na, as in NOW NA!?" ako na hindi makapaniwala

"oo erin kaya bilisan mo at mag impake kana." sya


agad akong kumaripas ng takbo sa taas para mag impake.

knock knock

"pasok!!" sabi ko

pumasok ang cute kong kapatid na si jade hawak ang piggy bear nya.

"ate saan ka pupunta." tanong nya

"jade pupunta si ate sa manila para mag aral" paliwanag ko

"kailan ka babalik?" tanong nya habang umiiyak kaya agad ko syang niyakap.

"maybe next year, pero jade wag kang mag alala uuwi ako dito sa birthday mo." sabi ko dahil malapit na pala ang birthday nya.

"talaga ate?" sya na kumikislap ang mga mata.

kinurot ko sya sa pisngi at pinagkikiliti.

"sa birthday mo may gift ako sayo." sabi ko

"ate ako din pasalubungan moko ng new earphone sira na kasi yung isa ko ei." singit ni gem

"ate gem ikaw talaga aalis na nga si ate ei.. ganyan ka pa din, pero ate Erin wag mong kalimutan PSP huh" singit naman ni diamond na ikinatawa ko

pero imbis na kotongan ko sila isa isa at sabihin na manila lang ako at hindi america para mag request ng gadgets nila.. ay niyakap ko na lang sila dahil sobrang mamimiss ko sila.

"ERIN!! ANAK BUMABA KANA DYAN AALIS NA KAYO NG AUNTY MO!!" sigaw ni mama

bumaba na ako bitbit si jade na ayaw humiwalay sa akin

"jade halika na, aalis na si ate" sabi ni mama kay jade.

"bye ate" sabi nya

"bye baby jade" sabi ko sabay halik sa pisngi

"kayong dalawa bye na.!" sabi ko kay diamond at gem sabay yakap

and last...

to my papa

"papa bye, I love you" sabi ko sabay ng sobrang higpit ng yakap na dinamayan na ni mama

"ma, bye mamimiss ko bunganga mo" sabi ko para mapangiti ko naman sya

"ikaw kang bata ka.." hindi ko na sya pinatapos at niyakap ko na lang sya ng mahigpit.

GROUP HUG ..

ajujujuju mamimiss ko sila..


~  ~

"Erin gising na." si aunty


"nasan na po tayo?" tanong ko habang humihikab

"nandito na tayo sa bahay ko" sabi nya


kinusot ko ang mata ko at sumilip sa bintana ng kotse nya.

isang simple at cute ang bahay ni aunty, hinatid nya ako sa kwarto ko at wow lang napakaganda.

mag isa lang sa bahay si aunty kaya siguro inampon nya muna ako para may makasama sya.


knock  knock

"pasok po aunty" sabi ko

"maganda ba erin?" sabi ni tita habang nakangiti

"opo aunty, uhm aunty.." ako


"ano yon erin?" sya

"gusto ko pong magpasalamat kasi pinatira mo po ako sa bahay mo at pag aaralin pa sa isang exclusive school, pero aunty okay lang ako sa public tutal graduating naman na po ako ng high school" sabi ko

"Erin hindi ka iba sa akin, pamangkin kita kaya dapat lang na patirahin kita at tsaka gusto kong mag aral ka dun dahil ikaw ang gusto kong tumupad ng pangarap ko na mag aral dun, tsaka wala naman akong anak kaya ikaw lang ang tinuturing ko." sabi nya

"aunty maraming salamat po talaga pangako ko po mag aaral akong mabuti." sabi ko na ikinatuwa nya.





@DreamingHeart

Haters turn LoversWhere stories live. Discover now