Kabanata 56

1.5M 40.9K 17.3K
                                    

Kabanata 56

Platonic

Dalawang linggong wala si Jacob. Hindi kami nag uusap nina Callix, Belle at Ava. Ang tanging ginagawa lang ni Ava ay tignan ako gamit ang naawang ekspresyon. Si Belle naman, pinagkakalat sa lahat ang nagawa ko. Si Callix, balik sa dati, tawa nang tawa sa mga kaibigan niya pero tuwing nagtatagpo ang mga mata namin, agad siyang sumisimangot.

"Rosie, daan ako mamaya sa bahay niyo ah? Naiwan ko pala yung t-shirt ko kahapon."

"Whatever, Karl. Akin na lang yun." Sabi ko sa tanging kaibigang natira.

"Kaw talaga, this past few days ang sungit-sungit mo... Hmmm. Jacob's absence?" Ngumisi siya.

"Wa'g mo nga akong artehan." Inirapan ko na. "Sige, kunin mo maya." Sabi ko habang nagtititigan kami ni Belle.

Hindi parin siya natatapos sa pagkakalat ng pagiging gold digger ko at ang pag tuhog ko sa magpinsan.

"Lika na!" Sabay hila sakin ni Karl nang narealize niyang nag tititigan na ulit kami ni Belle.

"Sasabunutan ko talaga yang bruhang yan! Bwiset!" Sabi ko.

"Chill ka nga! Ang init ng ulo mo! Hayaan mo na lang yan! Huhupa din yang mga issue mo, soon. Mabuti pa wag mo ng dagdagan."

"Uwi na ako! Baka mapatay ko pa ang walang hiyang yun." Sabi ko.

Actually, baka mapatay ko ang halos lahat ng schoolmates ko. Marami kasi talagang nag tsitsismisan tungkol sakin. Hindi dahil sikat ako kundi dahil kay Jacob. Sa maiksing panahon ni Jacob dito sa school, marami siyang naging kaibigan. Halos lahat ng nakakakilala sa kanya, alam kung anong nangyari saming tatlo ni Callix.

"Okay! Pasok muna ako... See ya later!" Sabay kindat ng bakla sakin.

Naglalakad ako ng walang ulo dito sa school. Pag napapalapit ako sa isang crowd, agad silang tatahimik at titingin sakin. Imbes na mahiya ako, tinititigan ko rin sila pabalik.

"Huy, Rosie? Asan na si Jacob? Tsss!" Sabi nung isang kaklase ko sa Biology 10.

"Ewan ko. Mukha ba akong girlfriend niya?"

"Hindi! Ambisyosa ka!" Sigaw niya pabalik, umirap pa!

"Yun naman pala ba't ka nag tatanong diyan!?" Umirap din ako habang naglalakad papuntang gate.

Pagkarating ko ng bahay, wala pa si Maggie. Nandoon pa sa school. Tumawag si mama at papa at nangumusta samin ni Maggie. Wala masyado akong nasabi. Hindi nila alam na dito na nag-aaral si Jacob sa Maynila. Ayokong malaman nila, lalo na ni mama dahil ipagkakanulo na naman ako nun.

Biglang may nagbukas ng pintuan habang binababa ko ang telepono.

"Oh my sht!" Napasigaw ako.

"Bakit di naka lock ang pinto? Ikaw lang mag isa diba? Ba't di naka lock ang pinto? Paano kung may pumasok na masamang tao...?" Sigaw ni Jacob sabay turo sa doorknob.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now