stand alone
complete [unedited]
To quote someone, no one can teach you how to write-because life is the one who would teach you how to pen the beginning, climax, and end of your story-but what if you don't like how life writes it?
Athanacia Norainne...
"Jakob! P'wede maki-share ng seats? Wala na kasi sa may field," sabi ni Mineth habang papalapit.
"Wala naman kaming choice kasi papalapit na kayo sa table namin eh," Jakob snorted then grinned at us.
"Manang-mana sa 'yo mga kaibigan mo, Mine. Ang sasama ng ugali," Ruby sneered and affectionately called Mineth as 'Mine' as in akin.
Iritado siyang binalingan ng tingin ni Mineth. "Tigilan mo ako, Rubylyn!"
True to his words, Jakob gave us some space so we could sit. Tatlo lang naman sila at pangwalo ang upuan. Umupo ako sa tabi ng isang lalaki na mukhang nagpapahinga. His forearm was placed on the table as his whole face was resting on it.
"Si Diether," pakilala ni Jakob sa katabi n'yang naka-sumbrero at malaki ang ngiti. "BA Film din. Balita ko baka may gen end subjects na tayo raw ang magkaka-blockmate?"
"Yes." Tumango si Mineth at lumingon sa amin para ipakilala kami. "Si Ruby tapos si Nacia nga pala. Maging mabait kayo kay Nacia kahit huwag na kay Ruby."
"Pakyu ka, girl," Ruby sneered at Mineth. "Pero totoo iyon, prinsesa namin si Nacia. Itago n'yo mga etits n'yo kasi studies first 'yang prinsesa namin."
Namula naman si Jakob at Diether. I could feel the embarrassment steaming from them. Kahit ako ay nahihiya dahil nanalo na naman ang pagiging prangka ng dalawang kaibigan ko. Si Ruby at Mineth ay kanina pa naga-away pero alam ko naman na hindi seryosong away iyon.
"Uh, hi po," nahihiyang bati ko sa kanilang dalawa. "Sorry sa abala. Wala na kasi talagang seats sa kung saan kami galing."
"Hindi naman." Ngumiti si Diether sa akin. "Never ka naman naging abala."
Tumikhim si Jakob. "Si Kiran nga pala, yung katabi ni Nacia. Nasa BA Film din, medyo puyat kasi kahapon yata ay may dinaluhan na party."
Nanglaki ang mga mata naming tatlo. Oh my goodness! Halos tumalbog ang puso ko sa kaba nang sabihin n'ya iyon. Tumitig naman agad si Ruby at Mineth sa natutulog na si Kiran. Nagtaas-baba ng kilay si Ruby at nag-gesture sa akin na gisingin ko si Kiran. Umiling-iling ako. Mineth encouraged me as well by gesturing that I should nudge Kiran a bit.
Para naman nila akong inuutusan na manggising ng dragon!
I was sweating. My palms were producing so much sweat that I feared I would look like I had Pasma. Paulit-ulit akong umiling hanggang sa nakaramdam ako ng kaunting paggalaw sa gilid ko.
"Hi. . ." baritonong bati ni Kiran habang kinukuskos gamit ng kan'yang kamay ang mga bagong gising na mata.
"I love you," I muttered straight away upon seeing his face. My cheeks are slowly heating up.
"Puta," Ruby gasped. "Binakuran agad! May tinatagong skills si Nacia! Bakod skills pro max!"
"Madaya, Nacia!" Mineth hissed but laughed in a ladylike manner.
Nanglaki ang mga singkit na mata ni Kiran. This was the first time that I saw his face this close. Wala siyang pores at mas maamo ang features n'ya. The confusion was plastered on his pretty face.
"I mean! I-I love your works! I love your roleplays! Ang totoo nga n'yan ay pangarap ko talaga maging screenwriter dahil sa 'yo! I w-would be honored to be someone that can create scripts for you! I-I can be someone useful for you! Kung gusto mo ipagtitimpla kita ng kape habang nagdi-direct ka, okay lang! If kailangan mo ng masahe, marunong ako manghilot! Kung magkakaanak ka man in the near future, willing din ako alagaan! I really love your artistry and I'm such a huge fan—" I blabbered as soon as I was given the chance to talk. Nauna na naman ang kadaldalan ko!
Kumuha ako ng papel at ng ballpen sa tote bag ko. Inabot ko ito kahit nanginginig na ang aking mga kamay. His eyes landed on it almost abruptly. Mas naningkit ang kan'yang mga mata.
"C-can I get your autograph?" I asked in a small voice, almost inaudible. Pakiramdam ko lahat ng kapal ng mukha magmula no'ng bata ako ay dito ko na ibinuhos.
I thought he would be flattered. He would feel my appreciation and love for him. Umangat ang tingin ko sa kan'ya dahil ang tagal n'yang kunin ang inaabot kong papel.
He was glaring at me, the intense disdain was vivid enough because I had to look away. I saw how he seethed as if he couldn't believe me.
Hala. . .bakit siya nagalit?
Am I also weird? In his eyes?
Kinuha n'ya yung papel at pinirmahan. His hands were gripping my pen so hard. My entire face blanched with the thought that I ruined our first encounter. Inabot n'ya sa akin yung papel at ni-roll patungo sa akin ang ballpen. I looked at the paper and I could feel my soul slowly ascending towards heaven.
"Una na ako," he coldly told us. Tumayo siya at mabilis na dinampot ang body bag upang makaalis agad. Sinundan naman siya ng tingin.
Nagkaroon ng mahabang katahimikan bago nagsalita si Ruby upang maputol ito.
"Ang sungit! Porke't gwapo!" Ruby huffed then went beside me. "Pero ang bango n'ya, ano? Amoy hindi ko lalapitan kasi mahal yung pabango."
"Hala, Nacia," Diether said, clearly concerned.
"Okay lang yun," Jakob consoled. "Masungit talaga siya sa lahat eh. Sorry ha? Pero mabait naman iyon. Wrong side of the bed lang yata. Puyat din kasi."
"Still, not a valid reason to be an asshole," Mineth scoffed.
"K-kasalanan ko. . ." I bit my lower lip. "Hindi m-man lang ako nagpakilala bilang Athanacia Norainne Samonte. BA Creative Writing ang course. Nakatira sa Las Piñas City. Blood type ay O. May isang kapatid—"
"Huwag na, Nacia. Baka lalong matakot sa 'yo iyon kasi parang nagbibigay ka na ng resume sa kan'ya," Mineth said then shook her head.
"I'm sorry," nahihiyang sabi ko. Napayuko na lang ako. I am really an awkward person. Hindi ko alam kung paano mang-approach na hindi mukhang 'weird'.
"Don't blame yourself! Parang pirma lang eh. Bakit big deal sa kan'ya?" iritadong sabi ni Ruby. Humalukipkip siya. "Gwapo siya! Pero ubod ng antipatiko!"
"At least gwapo." Mineth shrugged. "His face can make you forget his awful attitude."
"B-baka kasi sa papel. . ." Napalunok ako habang nakasilip sa papel kung saan ko siya pinapirma. A part of me feels bad because I think the way he reacted was valid.
"Saan ba? Saan siya pumirma?" Sinilip ni Ruby at agad na nanglaki ang mga mata n'ya. Her relaxed stance slowly turned hard. "Gaga ka pala talaga!"
Lalo akong napalunok habang nakatitig sa marriage certificate na pinirmahan ni Kiran para sa akin. Para ko siyang pinilit na pakasalan ako! Maybe that's why his mood turned sour!
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Kahit siguro ako. . .kung ikakasal ako sa unang linggo ng klase ay mababadtrip din.