Love Haters : Chapter 6.1

Magsimula sa umpisa
                                    

"Dare to speak up, dude. Kayo ang maglalaban at hindi ako. At ikaw na babae ka, pumili ka rin ng mahal mo. Alam mo bang sa isang tingin, alam mo na kung sino ang seryoso at hindi seryoso sa pag-ibig." sabi ko at sinuot ko ang hood  ng jacket ko. Lalakad na sana ako paalis ng may humawak sa braso ko.

Lumingon ako at handa na akong bigwasin ang walang hiyang ito.

"Gusto mo talagng masaktan huh?"

"Anata wa watashi no zutsū no otoko o ataete iru! (You're giving me headache man!)" at sinikmuraan ko siya. Ayoko sa lahat ng makulit eh. Napahiga siya sa sahig. Marami pa rin ang nanunuod.

"At ikaw? tutunganga ka nalang diyan?! Punyemas, ikaw ang nakikipag-away, sa akin mo ibibigay ang pagbugbog?!" sabi ko .

"A-ah. O-oo! Saglit lang." pinagtulungan namin yung lalake hanggang sa nakahiga na lang ang lalake habang namimilipit pa sa sakit.

"Lee. Pumunta ka na dito."  tawag ko sa body guard ko. Tinignan ko yung lalake at huminga ng malalim.

"Game Over. You lose. Huwag na huwag mo akong ip-provoke dahil MAS nakakatakot akong magalit. Nga pala, tungkol sa tanong mo kanina. Oo ako ang may-ari ng mall na ito. Base na rin sa uniporme mo, sa KiWal University ka nag-aaral diba?  Ako rin ang may-ari ng school na iyon. HAPPY?" 

Mukhang natakot siya dahil kahit masakit ang katawan niya sa pagbugbog ko sa kanya, nakatakbo pa siya kahit paika-ika pa. Weak.

Aalis na sana ako ng biglang may tumawag sa akin. "Hoy!!! Yung babaeng naka hood!!" lumingon naman ako.

Nakangiti syang lumapit sa akin, "Ano iyon?" emotionless kong tanong.

"Salamat nga pala. Ako nga pala si--"

"John Tyler Crowford. Alam ko kung sino ka. May sasabihin ka pa ba? Aalis na  ako." pagputol ko sa sinabi nya.

"A-ah. Oo. Ano pala ang pangalan mo?" 

Natahimik ako sa tanong niya. Hindi nya ba ako nakikilala?

"Shiwal. Nakirara Shiwal ang pangalan ko. Nasagot ko na ang katanungan mo. Pwede na ba akong umalis?" hindi ko na siya hinintay na sumagot at umalis na ako. 

Imposible. Napaka-imposible na makalimutan niya ako.

Fast Forward:

Matamlay akong umuwi sa bahay ni Aunty. Bakit? Kahit nasaktan niya ako, basta huwag lang niyang kalimutan ang pinagsamahan namin, Masaya na ako.

Pinigilan kong tumulo ang luha ko. Hindi. Kailangan kong maging matatag. Bakit naman ako iiyak?

"Shiwal.... Huwag mong pigilin ang luha mo.... Nakita ko.... Nakita ko ang lahat. Hindi masamang umiyak." napatingin ako kay ate na nagsalita.

"Ate, ayos lang sa akin na sinaktan niya ako. Pero bakit nakalimutan niya na ako? Kung hindi ko lang kasi sinabi sa kanya ang nararamdaman ko eh." sabi ko at tumulo na ang luha ko.

"Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan, Shiwal." pag comfort sa akin ni ate. 

Flashback:

Nobody's POV:

"La la la la la~♫" isang batang babae ang kumakanta habang patalon-talon pa. 

"Aray!" napatingin sya sa sugat nyang dumudugo. Masakit iyon pero kinuha nya lang ang panyo sa bulsa niya. Mayroong bubog na nasa tuhod nya. Imbis na umiyak, tumingin lang siya ng blanko rito.

"Ayos ka lang ba?" napatingin  sya sa isang batang lalake na lumapit sa kanya.

Umirap lang siya at dahan-dahan niyang hinila ang bubog rito. Napa sigaw siya sa sakit ngunit wala man lang bakas ng luha na tumulo sa kaniya.

"Kung ikaw kaya ang mabubog, at tanungin kitang ayos ka lang ba? Hindi ba't maiisip mong tanga ako?"

Tumayo na ito tsaka kinuha sa kanyang bag ang jacket nya. Napalunok naman ang lalake dito.

"S-sorry. A-ahm, sige mauna na ako." at naglakad na ito palayo sa kanya. Napangiti na lamang ang babae dahil gumana na naman ang kaniyang katarayan.

Hindi pa nakakalayo ang lalake sa kanya kaya tinawag niya ito.

"Saglit!" pag sigaw niya. Napalingon naman ito sa kanya. Tinuro nya pa ang sarili nya para makasigurado. Napa ikot na lamang ang mata neto tsaka tumango.

"Ako si Shiwal. Nakirara Shiwal. Ikaw? Patawarin mo sana ang nagawa ko kanina. Ganyan talaga ako sa lahat ng tao." sabi ni Shiwal.

Ngumiti ang lalake at tumango. "Nice meeting you, Shiwal. Ok lang. Ako nga pala si John Tyler Crowford." sabi naman ni Tyler.

Agad namang ngumiti si Shiwal. "Sige mauuna na ako. Babye!" at kumaway pa ito sa kanya.

to be continued.....

---

Author's Note: Yeah, chapter 6 na lang po siya kesyo mag part 3. Tinamad na po ako mag isip eh XD. Hehe Joke lang po. Sa sumusubaybay po sa Royalty Battles (Kung meron man po.) Salamat po sa paghihintay at pagbabasa nun. Bukas na po ako mag U-UD nun.

Love Haters (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon