Love Haters : Chapter 6.1

51 2 0
                                    

LOVE HATERS

Chapter 6 : About Her Past

(Part 1)

Shiwal's Point of View: 

Naglalakad ako sa isang mall dahil naisipan ng kapatid kong may tama sa utak na mag shopping.

Actually, mall NAMIN ito. Hindi nga lang alam ng mga bully kong classmates.

"Pare, sinasabi ko na sa iyo! Oras na makita kong lumapit ka sa kapatid ko, papaduguin ko ang bibig mo..!" napalingon ako bigla sa isang pamilyar na boses. Siya. 

"Ano namang pakialam mo? Tsk. Uto-uto naman yan eh.." sabi ng isang lalakeng mukhang gangster at may   sigarilyo pa siyang nakalagay sa bibig niya. Loko pala siya eh. Alam ng mall KO to, naninigarilyo pa siya?!

"Ano ba ang problema mo!? Akala ko mahal mo ako yun pala niloko mo lang ako?! How dare you? Ibinigay ko na ang lahat! I even gave my virginity to you!" sabi ng isang babae.

 Napa 'oooohh' naman ang mga nanonood sa kanila.

Tsk. Gumagawa pa sila ng eksena sa mall NAMIN ni ate. Kaya ayaw ko sa mga lalake eh. Mga wala silang kuwenta.

Lumapit ako sa kanila at napansin ko rin na mga kaklase ko ang nanonood. Nandito rin yung mga nang bu-bully sa akin.

"Anong problema?"

Nabigla ang ilan kong mga kaklase ng makita nila ako. Psh.

"Well,well, well. Look who's here? Nag m-mall na pala ang isang panget ngayon." sabi ni POKWANG #1

"Hindi ko akalain na may nags-shopping palang panget. Isa itong milagro. Hahaha!!" at akma akong sasabunutan ni POKWANG #2 pero nakailag lang ako.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Lee, ang aking body guard.

"Lee, mayroong nag aaway dito sa 2nd floor malapit sa  Time Zone. Kung pwede huwag nyo munang pipigilan ang gulo. AKO na ang mag-aayos." sabi ko at inend iyon. Tinignan ko sila na mga nakataas ang kilay.

Binulsa ko lang ang kamay ko sa Jacket na suot ko at bigla kong sinipa si POKWANG #1. Nanginig naman siya sa takot ng lumapit ako sa kanya.

"Bitch, kung maka arte ka wagas at kala mo kung sino kang mayor-doma. Sipa ko pa lang takot ka na, ano pa kaya ang bugbog?" sabi ko. 

Agad naman siyang napatakbo ng wala sa oras. Tsk. Serves her right.

"At kayo.." turo ko dun sa dalawang nagbabangayan. "Lumayas kayo sa harapan ko at baka mabigwas ko kayo." 

"Bakit? May problema ka miss?" sabi nung maangas kanina.

"Ako? Wala. Pero ikaw, MERON. Umalis ka na sabi dito."

"Aba't! Alam mo Miss, ikaw nalang kaya ang umalis. Hindi ako pumapatol sa babae pero baka mawala ka ngayon ng wala sa oras. Masama akong magalit..." - sabi nung lalakeng GUWAPO na MAANGAS. Sinabi ko bang guwapo? Huwag niyong pansinin iyon.

Napangiti ako ng lihim. Tagal ko na ring hindi ginagamit ang gangster skills na tinuro sa akin ng kaibigan ko na si Megan. (The COLD and HEARTLESS Gangster QUEEN by: Hannah Jewel. ^_^ Lakas maka plug ah.)

"Ayaw mo talagang umalis?"  tanong ko at ngumiti. Ngiting pang-demonyo.

"Bakit naman? Pagmamay-ari mo ba ang lugar na ito ha? Ikaw lang ba ang pwede dito?" hindi ko siya pinansin subalit tumingin ako sakanya. Mukhang hindi na nya ata ako kilala.

Love Haters (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon