chapter5: Georgette's plan A

Start from the beginning
                                    

"anuh?..bakit naman natin gagawin yun?" mahinahon nyang sabi..

"simple lang..dahil sinaktan ka nya..kaya mo sya gagantihan...tanga kaba?.."sabay irap

"wala naman syang alam e..kaya technically wala syang kasalanan.." malungkot nyang sabi...

"so ikaw lang pala ang assuming?.." sabi ko sa kanya habang nakapameywang.. "two years nang wala dito si japhet hindi parin ba alam ni bliss yang pesteng feelings mo sa kanya..." hay hindi ko maiwasang maging mean at maldita sa babaeng too.naiinis ako sa kanya pero at the same time, angel ko sya...may chnce na ulit maging sakin si japhet..

"babae ako..alangan namang ako pa ang magsabi sa kanya na mahal ko sya.." nakayuko nanaman sya..may ano ba sa paanan nya at don sya lagi nakatingin?..."saka hindi ko nga alam kung may pagtingin din sya sakin e..lalo pa sa nakita ko kania.."hindi ko man nakikita muka nya alam kong malungkot sya...

"kung lahat ng tao ganyan ang paniniwala katulad ng sayo na dapat lalaki lang ang aamin ng feelings, malamang madami lalo ang love less sa pinas.." taray ko.. "paano na lang kung torpe lahat ng lalaki?..sigurado wala ng pag-asa ang mundo..single na lahat ng tao.." saka ako bumuntong hininga...nakakaasar yung paniniwala nila...dapat kung gusto mo ang isang tao, sabihin mo..kahit babae ka pa o lalaki o bakla...

"ikaw kaya mo yun, ako hindi..saka guilty parin ako sa nangyari kay japhet.." at ayun nanaman yung iyak nya..wala bang katapusan yung luha nya...

"hindi ka kaya ma-dehydrate nyan??iyak ka ng iyak...wala ka na yatang tubig sa katawann..naiiyak mo na lahat.." eto nanaman ang pagiging pilosopa ko..nakakainis kasi e... "gusto mo bang mag artista?..sana nag- audition ka, hindi sakin ka iyak ng iyak.." wala naman akong pakealam kung lalao syang umiyak sa sinabi ko...

"hindi ko lang mapigilan..pasensya na." bukod sa iyakin sya...masyado pa syang mabait..nakakainis..anu ba sya santa?

"aakitin ko sya"

FELICE POV


"aakitin ko sya" gulat akong napatingin sa kanya..anu bang iniisip nya?..akala ko tutulungan nya ko pero bakit nya aakitin yung lalaking mahal ko..

"anu?..anung pinagsasasabi mo?..nababaliw kanaba?" sa wakas nagawa ko din syang kontrahin... "akala ko ba tutulungan mo ko?..bakit moh sya aakitin?" hindi ako makakapayag..hindi pwede..magsasalita pa sana nang bigla syang tumawa ng malakas...baliw nga yata talaga sya...

"chill Felice chill.." tawa parin sya ng tawa..mukang tuwang tuwa sya sa reaksyon ko...nakakainis sya..pinagtitripan ba nya ko?.. "masyado kang hot.." hawak hawak pa nya yung tyan sa sobrang kakatawa...saka pinahid yung namuong luha sa gilid ng mata nya sobrang kakatawa...

"wag mo nga akong pinagtitripan.." inis kong sabi..bigla syang tumahimik...natakot naman ako...tatarayan nanaman ba nya ko ngayon?..napalunok ako..

"masyado kang eksaherada...aakitin ko sya...kung kakagat sya sakin, akin na sya, kung hindi, aamin sya kung bakit.." paliwanag nya.."hindi naman nya tatanggihan ang gorgeous kong katawan at tong maganda kong muka kung wwla syang mahal diba?" patuloy pa nya...

"hindi...hindi ko kaya...paano kung maakit mo sya..hindi ko yun matatanggap.." tama..ayoko..hindi ko kayang sumugal...

"ang arte mo..ganun din ang ginawa mo sakin dati girl.." saka sya tumitig sakin..titig na may hinanakit. "pero dont worry, hindi ko sya type...misteryoso sya masyado...hard to get pa.." saka sya umirap.

nakahinga ako ng maluwag..buti na lang hindi nya type si bliss..sya lang yata ang may disgusto sa lalaking yun..lahat kaya ng madaan nun, namamagnet sa kanya..siguro kasi masyado nyang mahal si japhet..at oo nga naman pag naging kami na ni bliss, may chance na syang mabawi si japh..henya din sya noh??

"o anuh?..payag ka ba?.." ngumiti sya ng malapad..pero ang gorgeous parin nyang tingnan.." sabagay, pumayag ka man o hindi, wala ka namang magagawa kung gagawin ko yun e.." saka sya umiling...grabe talaga sya..tinanong pa nya ko kung gagawin din naman pala nya yung gusto nya..nakakaasar lang sya...

"pa...pano kung magpaakit sya sayo?.." mahina kong sabi..hindi ko gusto yung idea na maaakit sya kay georgette..

bumuntong hininga sya saka tumitig sakin..."tanga kaba talaga ha Felice?.." maka tanga naman to?.."mahal na mahal ko si japh..alam mo naman siguro yun noh?..." yung tingin na nagbibigay ng assurance sakin na hindi nya talaga gusto si bliss..."dont worry!!kung hindi mag work yung plan A ko..madami pang ibang plan..ang dami ng alphabet.."saka ito tumawa..joke nanaman ba yun?

Plan A?...ibig sabihin may iba pa syang balak kung sakaling hindi nya mapaamin si bliss...hindi ko alam pero napapayag ako ni georgette..kahit hindi ko gustong isipin yung pwedeng mangyari na maakit nga ng babaeng to si bliss..hay ayokong isipin..ayokong isipin na hahalikan ni bliss si georgette..hindi..hindi ko yun gusto..pero siguro naman hindi mangyayari yun..

siguro naman..

siguro....

my BORROWED GIRLFRIENDWhere stories live. Discover now