chapter 4:Ms. Flirt (Georgette)

97 4 0
                                    

hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng paa ko sa pagtakbo..wala din akong pakealam kung pinagtitinginan nila ko..wala akong pakealam kung muka akong tanga o baliw..wala akong pakealam sa kanila..Basta ang alam ko lang, nasasaktan ako ngayon..sobrang sakit...

hindi ko din alam kung paano ako nakarating sa tapat ng bahay ko ngayon..ni hindi ko nga yata sigurado kung bahay gate nga ba ng bahay ko yung pinaghintuaan ko..basta ang alam ko lang, masakit..masakit isiping may mahal syang iba...at sa nakita ko kanina, hindi sya natakot na ipakita sa ibang tao yun..

nakaluhod na ko sa harap ng bahay ko..patuloy pa rin ako sa pag-iyak...hindi ko na namalayan na may padating..

"anung drama naman yan?" sabi nung pamilyar na bose..

oo pamilyar yung boses na yun..narinig ko na yun...

pero bakit sya andito?..

diba umalis na sya dati pa.?

nag-angat ako ng mukha..at tama ang nasa isip ko..sya nga yun..ang babaeng halos magpakamatay noon para kay japhet..ang babaeng halos patayin din sya para mabawi lang si japhet..sya nga..pero anung ginagawa nya dito?...diba nasa paris na sya?..

"tsss..tititigan mo na lang ba ko?..oo alam kong maganda at sexy ako..pero gutom na ko.." maarte nitong sabi sabay lapit sakin..

kung nagtataka kayo kung bakit hindi nya ko inaway ngayon, simple lang..hindi naman kasi magkaaway..oo ex sya ni japhet peron hindi kami magkaaway..mahabang istorya..basta okey kami..

"tara na..sa loob mo na lang kwento kung bakit ka nag-eemo dyan" pagkatapos noon ay lumakad na sya papasok ng bahay ko..model nga sya...para syang rumarampa sa center stage habang naglalakad papasok ng bahay..

wala na kong nagawa kundi sumunod sa kanya as if bahay nya to diba?..nakaupo na sya sa sofa ng salas ng bahay ko ng makapasok ako..feel at home na feel at home ang luka lukang to...nakatingin lang sya sakin ng maupo ako sa upuan sa tapat nya..as ussual mataray syang tumingin..taas kilay..palayasin ko kaya to dito sa pamamahay ko...

"anung iniiyak iyak mo don sa labas?" ,mataray nyang sbi...hay hindi parin sya nagbabago..ang mean parin nya hanggang ngayon.. "balita ko hiwalay na kayo ni japhet two years ago.." saka ito nagsindi ng sigarilyo...modern dalaga talaga sya...hindi pala modern..liberated...flirt..mean...

kaya siguro sya andito para awayin ako..malamang kasi alam na din nya kung bakit kami naghiwalay ni japhet...hindi parin ako kumikibo...after all hindi naman si japhet ang dahilan ng luha ko ngayon...

"kelan ka pa naging pipi at bingi?..hindi mo ba ko naririnig? wala ka bang balak magsalita?" ang taray talaga nya..tumayo sya at lumapit sakin...napaurong ako ng bahagya.. natawa naman sya sa ginawa kong pag-ilag.."anu bang akala mo?..sasampalin kita?" natatawa nyang sabi sabay yakap sakin..pero bakit?

na tuluyan na syang nakaalis sa pagkakayakap sakin, naupo ulit sya.."alam ko yung nangyari two years ago..at naiintindihan ko yun...actually since the very beggining alam ko na yun..nararamdamn ko na...sinabi ko naman yun kay japhet pero hindi sya naniwala sakin..masyado ka yata nyang mahal.." mahaba nyang sabi..so alam na nga nya...

maang parin akong nakatingin sa kanya...kuna alam na pala nya dati pa, bakit hindi nya ko kinompronta?.bakit mas pinili pa nyang umalis noon?...kuna alam namana pala nyang may pag-asa pa sila ni japhet?..ang wierd nya..

"alam kong iniisip mo.." sabi at pagkuway dinildil nya yung sigarilyo nya sa ashtray..."bakit hindi ko sya pinaglaban kung alam kong may pag-asa pa..." may sumilay na kakaibang lungkot sa mga mata nya..ngayon ko lang nakita yung lungkot na yun..strong ang personality nya kaya sanay akong hindi sya nagpapatalo t hindi ko pa sya nakitaan ng weakness noon.."simple lang...mahal ko sya...mahal na mahal kaya nakontento na ko na makita syang masaya..isa pa.." tumigil sya sa pagsasalita at saka matamang tumitig sakin.. "mahal ka nya...higit pa nga yata sa buhay nya yung pagmamahal nya sayo.." ramdam ko parin yung sakit sa boses nya..sa mahigit tatlong taon na nawala sya, hanggang nagyon mahal parin nya sa japhet..

my BORROWED GIRLFRIENDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang