Con

8.6K 2.3K 18
                                    

Hello po Miss Jen! Hindi na ako mag-iinarte, magkukwento na ako.

Four years na po kaming break nung ex boyfriend ko, and may girlfriend na sya ngayon for 3yrs. Pero sa 3yrs na in a relationship sya dalawang beses kaming nagkaroon ng communication kahit ayaw ng gf nya at pinabura na number ko. Inaabot po kami ng madaling araw na magkausap sa phone, minsan nga mas madalas pa nya kong kausap kaysa sa gf nya. Pag nalalaman ng gf nya, nagpapalamig lang sya tapos kokontakin na naman ako. Ngayon po hindi na kami gaano nag uusap, pag tumatawag sya parang magkabarkada lang kami. Hindi ko alam pero bakit ganon kami? Alam naman namin na hindi na talaga pwede pero hindi namin maiwan/mapabayaan yung isat isa. Yung feeling na after ilang years kaming walang communication bumabalik at babalik pa rin kami sa isat isa.

Highschool friends nga po pala kaming tatlo, at hanggang ngayon nagkakasama sama pa din kami with our friends kaso hindi kami nag uusap ni gf. at ni ex sa personal. Nanghihinayang ako sa friendship namin ni girl pero hindi ko po alam ang gagawin.. Ang awkward po pag magkakasama kami. Gusto kong maibalik yung dati naming samahan kaso..



Dear Con,


Hm...I sensed something else here. Pasensya ka na, ha, pero hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Ang sabi mo ex mo, ibig sabihin ay natuldukan na kung ano mang namagitan sa inyo. Pero, ang sabi mo rin ay ngayon, hindi na kayo masyadong nag-uusap at kapag nagkausap kayo ay parang magkabarkada na lang. Hindi ba gan'un dapat? Magkabarkada na lang kayo dahil tapos na kayo? Ano bang gusto mo? Hindi ba may girlfriend s'ya ngayon, tatlong taon na sila at magkaibigan kayong tatlo dati? Bakit parang naloka ka na barkada ang turingan ninyong dalawa? Dapat ba hindi?


At 'yung tanong mong kung bakit gan'un kayo, 'yung tipong kahit hindi na pwede ay hindi ninyo maiwan at mapabayaan ang isa't isa.  Hopia everywhere. He's just being friends with you but you are putting too much meaning into his actions. Neng, move on. Mag-isa ka lang sa pag-iisip nang ganyan. Sa'yo na mismo nanggaling na barkada ang turingan ninyo ngayon, aba, bakit mo pa lalagyan ng kulay? He is communicating with you because you are his friend. Nothing more.

Alam kong hindi mo intensyong iparating na may hang-ups ka pa kay ex. You wanted for this letter to come across as a friend who just wants to revive a friendship, pero, pasensya ka na kasi hindi gan'un ang dating sa akin. Babae rin naman ako, alam ko ang mga galawang ganyan. You are still hoping, Neng and I want you to stop. Stop asking questions why he still communicates with you, he's a friend and that's what friends do. If you sensed that he wants more than friendship, jusme, mangilabot ka, may girlfriend 'yung tao pagkatapos ay kaibigan mo pa. If you are staying in touch with him because you still have feelings for him, remember who you are -- you are his ex, you two had a chance at a relationship and it didn't work. Let. Him. Go.

Kadalasang naririnig ko ito sa mga kaibigan ko, iyong itatago ang feelings sa likod ng sayang ang pagkakaibigan  kuno kaya nagpapauto, mngpapagoyo at sa huli ay iiyak. Irespeto mo ang sarili mo sa pamamagitan ng pagrespeto sa relasyon ng iba. You are already out of the picture, stay out of it. H'wag ka nang makisiksik at hindi ka naman sardinas. You are entertaining the possibility that you two might have another chance kasi kung simpleng problema tungkol sa magkakaibigan lang ito ay ang dali-dali lang pag-usapan. Mahirap lang naman kapag feelings other than friendship na ang involved.

Breaking other people's relationship is not romantic. Walang romantic sa pagiging atrebida at tanga. Walang romantic sa pananakit ng iba at walang romantic sa patuloy na pag asa. Be the friend you say you are -- h'wag ka nang makigulo pa sa kanila. And if you want to be friends with them again, get rid of you lingering feelings towards your ex first. Naniniwala ako na nararamdaman ng mga girlfriends, partners o asawa kapag may naglalandi, umaasa at nagihintay mangulimbat ng mga mahal nila, may gan'ung instinct ang tao. Kaya 'yang kaibigan mong gf ni ex,  kaya hindi kayo nag-uusap n'yan ay dahil ramdam n'yang hopia ka sa bf n'ya.

I'll let you off the hook and say that you might  not be aware that you still have these thoughts of forever churva together with your ex, alam mo naman tayong mga babae, mahilig magkunyari minsan. Pero, sasabihin ko na sa'yo 'to -- tantanan mo 'yang kakaasa d'yan. Sa tagal na nitong message mo sa akin ay hindi ko alam kung ano na ang balita sa inyo, kung updated pa ba ito o hindi. I hope you were able to move on. Stop wasting your time on your ex; stop wasting your time on anyone who chose to stay in a relationship with someone else; stop wasting your time. Just stop.

Hindi naman mahirap magmahal at mahalin. Madali lang s'ya, kadalasan nga lang ay maling tao ang minamahal mo at hinihingian mo ng pagmamahal. Pero, mahahanap mo rin 'yun, 'yung taong handang mag-aksaya ng oras, puso at buhay para lang sa'yo. Go, seek for that happy ending. God bless.


 


Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now