Aimee

26.5K 3.1K 60
                                    

Ate, true love na po ba itong matatawag kung yung taong nagustuhan ko nung Grade 5 eh sya pa din ang gusto ko hanggang ngayon kahit nasa College na ako?  Sya lang talaga yung gusto kong maging first & last boyfriend ko at pati asawa na rin. Ewan ko, naloloka na ako. Ini-stalk ko pa din sya hanggang ngayon dito sa FB. Nahihiya rin naman akong mag-message dahil baka nakalimutan na nya ako. Tapos binibigyan ko pa talaga ng malisya yung jersey nyang number 29- birthday ko kasi yun. Hahaha!  Umaasa lang yata ako sa wala or katangahan lang ba itong matatawag? Parang bumaliktad yung mundo kasi noong Grade 4 kami ay sya yung may gusto sakin. Pagkatapos noong nasa Grade 5 na kami ay unti-unti na akong na-develop sa kanya hanggang sa nagtransfer na lang ako dito sa Cebu City, sya pa din. Ang saklap lang kasi sya nakamove-on na.

Dear Aimee,

I would have found it cute kung wala lang yung panghuling sentence:

Ang saklap lang kasi sya nakamove-on na. 

Nakamove-on na sya, Neng pero nagtatanong ka pa rin kung matatawag pa yang true love. Teka lang, tragic love affair ba ang bet mo? Aba, nakamove-on na pala, eh, pabayaan mo na. Hindi ka pa yata nagdalaga noong nagsimula ang pagtitinginan nyong nauwi sa pagmove-on nya. Jusme College ka na and you are still pining for this guy?

Ayokong kutyain yang nararamdaman mo pero ikaw mismo ang gumagawa ng hakbang para masaktan ka sa sitwasyong ito. Nakamove-on na sya, di ba? Kailangan ko bang ulit-ulitin? Nakamove-on na sya. Nakamove-on na sya!

Ang nakakaloka, bakit mo iisiping nakamove-on na sya eh hindi naman naging kayo? You were just a phase to him. He might have liked you; he might have had a crush on you but his infatuation faded. He did not even do anything about his attraction to you. Niligawan ka ba? Is it safe to say na hindi or else hindi na sana crush ang tawag mo sa kanya kundi ex na? Besides, Neng, at ten or eleven years old, isa lang sa ilang daang libo (baka nga milyon pa) ang batang lalaki na nagseseryoso pagdating sa pagmamahal. Wag mo nang saktan ang sarili mo. Wag mo nang paasahin. Wag mong bigyan ng kulay ang isang nakaraan na matagal nang nawala at kumupas. Wag na, Neng, mahabag ka sa puso mo, nag-iisa lang yan.

Mahilig tayong mga babae sa desti-destiny na yan kaya nga maraming kababaihan ang nagogoyo. Alam mo na, pareho lang kayo ng kulay ng t-shirt ni kras ay feeling mo nakatadhana na kayong mag-iisang dibdib sa hinaharap. Magkasalubong lang kayo ni kras sa canteen ay feeling mo na sinusundan ka nya at kung siguro wala lang tao ay nag-song at dance number na sya para maipahayag lang sayo ang pagmamahal nya. Hindi ba nakakaloka? Kung pinagdaanan mo ito, normal lang yan. Mahilig kasi tayong mag-assume at umasa. At yang mga lalaking yan, akala lang natin mahilig silang magpa-assume at magpaasa pero ang totoo, tayo lang din ang gumagawa ng mga sarili nating kahibangan.

Which brings me back to your question: Matatawag bang truel love ang isang nararamdaman na nagsimula noong naka-baby bra ka pa lang? Hindi. Kapraningan na tawag dyan. I am not going to apologize for being harsh because I am sure you have friends who might be feeding your delusions (oo, delusions) and you need a hard slap of reality to finally wake up from this dream that you're in. O pwedeng ring nagpayo na nang bongga ang mga kaibigan mo sayo pero pinili mo lang na hindi pakinggan.

Makinig ka, utang na loob. Bakit ka ba nagpapakulong sa isang nakaraan na hindi naman nangyari? Maraming lalaki dyan na sigurado ako ay nagpapansin sayo pero hindi mo napapansin kasi masyado kang obsessed dito kay Guy-with-number-twenty-nine-jersey. Okay lang namang pangarapin na sya ang magiging first and last boyfriend mo pati asawa mo pero ang problema baka mag-menopause ka na lang ay hindi ka pa nakaka-first boyfriend. Hindi ko sinasabing magmadali ka, ha, ang gusto ko lang ipahiwatig ay bigyan mo ng chance ang sarili mong magpasuyo sa iba. Hindi yung mang-i-stalk ka, mananaginip at magigising sa katotohanang one-sided itong nararamdaman mo. Sayo na mismo nanggaling that he might already have forgotten you. Aba, makiuso na rin, tama na.

Alam kong hindi ganoon kadali. Puso yan eh. Puso na nagtiis ng ilang taon at naghintay nang matagal para sa lalaking nagka-crush sayo noong Grade 4  kayo pero hindi ka ba naloloka na nagpapakamartir ka dyan eh ni hindi kayo nag-uusap, nagti-text o nagtatawagan man lang? Until when are you going to keep this charade up? You are missing a lot because of this self-made prison. Buksan mo na ang pinto ng nakaraan, magsuklay ka, magbihis at rumampa.

Pero, bago mo i-prioritize ang paghahanap ng mamahalin, give yourself time to adjust to your new-found freedom. And while you're doing some adjusting, do not forget that before you are someone else's someone special, you are a daughter, a sister, a student and a friend. Don't rush. Love will come. Love will find you. And when it finally does, make sure that you're prepared. Good luck!

Pumapag-ibigWhere stories live. Discover now