IIWMC: First Day of School

8K 113 5
                                    

IIWMC: First Day Of School

(Francelle's POV)

*ring*

"Waaahhh!!!"hikab ko nung marinig ko na ang alarm clock ko. Bumangon na ako sa kama at iniligpit ito. Kinuha ko na rin ang damit ko at naligo na atafter 20 minutes, natapos na din akong maligo

Ano nga bang meron ngayon at maaga akong nagising? Syempre dahil sa pasukan na. Hindi naman ako ganun ka-excited kasi alam ko na naman ang mangyayari sakin sa school. Bubulihin ako, pagtutulungan at kung anu-ano pang parusa na akala mo'y pinaparusahan ako.

"Francelle! dalian mo nga"sigaw ng bestfriend ko na parang menopause na hindi mo malaman. Lagi kaming sabay nyang pumasok kasi walking distance lang naman eh. Pati kasama ko naman si Catherine na kasama ko habang naglalakad papasok ng school.

"Oo andyan na!"~sigaw ko rin sa kanya. Alam ko naman na bingi yun kaya sinigawan ko na. Bumaba na ako mula sa aking kwarto. At sinalubong ko si Catherine na kumakain na ng chocolate cake na alam kong galing sa ref namin dahil binili ko yun kahapon sa goldilocks.

"Tara na!"yaya ko kay Catherine. Tumango naman sya. Nagsimula na kaming maglakad at gaya nga ng nabasa nyo kanina ay walking distance lang ang school namin. Humawak sa braso ko  si Catherine at nagsalita."Sana parehas tayo ng section noh."

"Sana nga ehh. Alam mo naman kung ano mangyayari sakin kapag naghiwalay tayo."sabi ko naman sa kanya. Inaamin ko na dumedepende ako kay Catherine sa lahat ng oras dahil matapang sya. Lumaki kasi akong matatakutin dahil sa mga nangyayari sa paligid ko. Si Catherine lang iyong tumutulong sakin para makalimutan ang mga iyon hanggang sa dumating ang isang tao na umalis at nangakong babalikan ako. Hanggang ngayon ay hinihintay ko pa rin sya. Ewan ko ba kung paano ko natiyaga iyon pero  dahil narin siguro umaasa ako na magkikita pa kami.

After 10 minutes na sa school na kami. Dumeretso kami sa isang bulletin board at tinignan ang section namin. Sa school kasi namin kada first day ina-announce yung section. Actually pinopost sya, Hindi ko nga alam kung paanong sectioning ang ginagawa samin kasi feeling ko lokohan lang ito.

"Sayang! Francelle Section 2 ako."malungkot na sabi ni Catherine, kahit naman ako nalulungkot din eh. Gusto ko kasi ka-section ko si Cath dahil nga sa kanya ako dumedepende. Pero syempre kailangan ko yung tanggapin kasi school na ang nagdesisyon alangan namang salungatin ko baka ma-kick-out pa ako.

"Nako! Ok lng yun no!"~sabi ko sabay hila sa kanya paalis dun sa board. Kahit hindi ok sa kin sinabi ko na ok yun sakin.

Nasa corridor na kami ng makita namin sila Incess at si Kristine. Kitang kita na ako na naman ang guguluhin at pagtitripan nila. Hindi ko nga alam kung bakit napaka-init ng dugo nila sakin eh.

"Well, well... look whose here."sabi ni Incess na napakaarte

"The Freaking nerd and her Dirty bestfriend."sagot ni Kristine kay Incess

Hihilahin ko na sana si Catherine ng magsalita sya. Alam ko namang palaban si Catherine pero dahil first day ayoko syang mang-away baka mapa-office sya. "Sorry pero kayo ata ung Dirty and Freaking"sabi ni Catherine. Nagulat sila Incess kaya bumawi sila ng hirit kay Catherine.

I'm Inlove With Mr. Cassanova [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon