Hindi ako sumagot, sa halip umalis sa pagkakasandal sa kotse at naglakad pabalik ng bahay. Mas gugustuhin ko pang makasama ang mga lasing na kabataan dun kesa naman manatili dito sa labas kasama ang lalaking yun. Pero hindi pa ako nakakalayo nang biglang may humawak sa kamay ko.

"Iiwanan mo na lang ako ng ganun-ganun?" tanong niya sa tenga ko.

Hinila ko ang kamay mula sa kanya at mabuti naman dahil binitiwan niya ako. I turned around and looked at him.

"Leave me alone," I told him with a glare.

He just shrugged. I sighed. Mas madaling pakiusapan kesa kay Raz. Maglalakad na sana ulit ako papuntang loob nang may humawak sa bewang ko. I was lifted up from the ground and was hung on someone's shoulder. Masyadong mabilis ang pangyayari. I was trying to collect my thoughts when I saw someone's back. And the ground was under my head. What the hell? Then it dawned on me. The guy. He was carrying me now. Fudge! I punched his back.

"Put me down!" sigaw ko.

He laughed. Then suddenly my feet was back on the ground. I clenched my fists at my sides. Gusto ko talaga siyang suntukin. He was just laughing at me. At ang mas nakakainis pa, it was a fake laugh.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya.

"I want us to talk... about your guy."

I crossed my eyebrows. My guy?

He huffed. "Alam mo bang ginagawa ng boyfriend mo? He's cheating on your back," he said angrily. "Oh let me rephrase that. He's cheating on you even when you can see him doing it."

I just stared at him quietly. What is he talking about?

"And you're not doing anything about it," he continued.

He moved forward and I stepped backward. We repeated that until it was my turn to stop. Wala na akong maurungan. I reached the cold brick wall. I looked around and saw that we were in the dark part of the parking lot. Malayo ang kinaroroonan namin sa pintuan ng bahay nina Raz.

I should be running right now. I could feel danger in this guy. At kung may gawin man siyang masama sa akin... kapag sumigaw ako, maliit ang tsansang may makarinig. When I turned my gaze at him, he took two big steps toward me and before I knew it, I was trapped.

Fudge. Ano nang gagawin ko?

"Alam mo bang iniwan ako ng girlfriend ko dahil sa magaling mong boyfriend?" tanong niya at alam ko sa boses niya na galit na galit siya.

He moved closer to me that his body was almost pressing against mine.

"At ngayon, pagkakataon ko na para gumanti kay Kale," sabi niya. Then he gave me a devilish grin.

Si Kale pala ang tinutukoy niya. Crap. Bakit ba lagi na lang akong napagkakamalang girlfriend ni Kale? Gusto kong sabihin sa lalaking ito na mali ang iniisip niya. For crying out loud, Kale's not my boyfriend. Kaya di dapat ako nadadamay dito.

But I didn't had a chance to tell him that because he held both of my hands with his strong one and put it between the wall and my back. Habang ang isa naman niyang kamay ay inilagay bulsa niya at may kinuha dito. Nang ilabas na niya ang kamay, nakita kong may hawak siyang cellphone.

"Anong gagawin mo?" kinakabahan kong tanong habang pilit na kumakawala sa hawak niya.

Pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin na pakiramdam ko magkakasugat na ang kamay ko sa tindi ng pagkakahawak niya. He pushed me on the wall even more and now he's already pressed against mine.

All I Ever WantedWhere stories live. Discover now