UpBeat

736 42 5
                                    


"Pwede makishare ng table?"
nakangiting lakas- loob kong sabi sa babaeng mag isang nakaupo sa pandalawahang lamesa.

Sa sobrang dami ng tao sa fast food chain at no choice na rin ako.
Gutom na gutom na ako at wala pang tanghalian alas kwatro na ng hapon.

Nag angat sya ng tingin, mukha syang badtrip base sa hitsura ng mukha nya..pero kung susubukan nya siguro ngumiti.. hmm. :)

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo.

Grabe.

Hindi ko pinansin ang ginawa nya dahil mas nangingibabaw ang gutom ko kaysa punahin ko pa yun.

Hindi sya sumagot.

So without her permission.
Umupo na ako sa bakanteng silya sa table nya.

" Kung may hinihintay kang date sabihin mo lang ha.. bibilisan ko nalang ang pagkain ko. Pasensya kana kasi gutom na gutom na talaga ako." sabi ko nalang sa kanya.

Narinig ko ang pag buntong hininga nya.

Ang lalim ng pinag hugutan base sa narinig kong hangin na inilabas nya mula sa ilong.

Habang kumakain napuna ko ang palaging paghawak nito ng cellphone at tingin ng tingin sa labas ng glasswall.

"Hay.. ang dilim na, uulan pa yata!." badtrip na badtrip nitong bulong pero dinig ko naman.

"Hindi yan! kagabi nga madilim hindi naman umulan." nakangiti kong komento.

Nakita ko ang pag rolled eyes nya na ikinatawa ko naman.

"Anong nakakatawa?" taas kilay nitong tanong.

"Ikaw."

"Excuse me?! Ako nakakatawa? mukha ba akong clown?."

"Hindi lahat ng clown nakakatawa like Joker." nakangiti kong sagot.

" So ano nakakatawa sken aber?" may diin na sa tono ng boses nito.. nakataas na din ang isang kilay.

Parang magsisimulang sumiklab ang digmaan.

Badtrip nga talaga sya.

"Yung kabadtripan mo. Kung makikita mo hitsura mo ngayon sa salamin.. Hindi ko lang alam kung ibabato mo yun o ibabagsak. Parang may ulap ka pa nga sa ibabaw ng ulo mo na pwede gumawa ng kidlat at tamaan kung sino ang gusto mo patamaan."

"Kung meron man, ikaw yun." anito.

"Wala naman masama kung ma-badtrip , nababadtrip din ako. Mas maganda lang kung madadala natin ng maayos.. tingnan mo badtrip kana nga tapos badtrip pa hitsura mo. Madali kasi makahatak yun ng bad vibes."nakangiti kong paliwanag.

"Kaya pala." Sabay tingin na naman nya sakin mula ulo hanggang katawan nalang hindi na nya kita mga paa ko. ^^,

"Ops. di siguro." nakangiting iling ko.

"Oo siguro at na i-stress ako lalo sayo."

" Ang hard mo naman.." napakamot ako sa ulo.

".... Teka tingan mo yung may edad na babae na lumabas mula sa grocery." segunda ko pa nang makita ko ang may edad na babae na naka- high heels at maraming dalang pinamili.

"Bakit ba.. ano naman meron?" masungit na tanong nito pero tiningnan din naman tinuturo ko.

"Ano sa tingin mo mangyayari sa kanya na hindi makalakad ng maayos at maraming dala?"

"Madadapa yan mamaya for sure."

Muntik ko na ibuga ang iniinom kong soft drinks, mabuti nalang nalunok ko agad.

UpBeat (One Shot)Where stories live. Discover now