Humupa ang sakit ng ulo ko mayamaya lang, kumilos agad ako at naligo. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga sinabi ng Chairman pero nang makababa ako at makaharap ang mga kapatid ko ay ngumiti na lang ako at hindi na nag-isip pa.

Si Maxwell ang nagmaneho, katabi niya ako sa harapan. Sina Chairman at Maxrill naman ang nasa likuran. Tahimik kami sa unahan, maingay si Maxrill sa likuran. Araw-araw siyang ignorante sa maraming bagay, hindi na mawawala sa kaniya 'yon.

"Where are we going?" tanong ni Maxwell.

"Just drive," natatawang sabi ng Chairman.

"Tsh. Is this a date?"

"No, this is hanging out." Pareho silang natawa. "Sabihin na lang natin na ito ang una kong regalo sa nalalapit na pagtatapos ninyo ni Maxpein," mayamaya ay dagdag ng Chairman.

Nagkatinginan kami ni Maxwell, sabay ring napangiwi pero hindi sumagot.

"Ano ang gusto ninyong regalo sa graduation ninyo?" tanong ng Chairman pero walang sumagot. "Why aren't you answering me, Maxwell?"

"I have everything, Chairman. I got money, body, brain, looks..," mayabang na sabi ni Maxwell. Nakangising sinulyapan ang Chairman sa rear mirror 'tsaka humalakhak.

"Girls!" sabat ni Maxrill. "You don't have girls, Hyung!"

"I hate girls," seryosong sabi ni Maxwell.

"You're gay, Hyung?"

"No."

"Yes, you are!"

"Shut up!"

Nginusuhan ito ni Maxrill 'tsaka nilingon ang Chairman. "If they don't want to receive a gift from you, I do." Tumango-tango pa siya, seryosong-seryoso. "I want to have a Tamagotchi."

"You're too old for that, Maxrill Won."

"No!" ngumuso siya.

Humarap ako sa likuran, na kay Maxrill ang paningin. "Ang kelangan mo ay crossbow, at 'yon ang kelangan mong matutunan. Kapag hinde mo napag-aralan, ikaw ang gagawin naming practice-an."

"No!" inis niyang sagot.

"I think that's a good idea," nang-aasar na sabi ni Maxwell.

"No!" galit nang tugon ni Maxrill. Natawa ang lahat sa kaniya.

Nagdabog si Maxrill, pinagkrus ang mga braso at padabog na sumandal. Mayamaya lang ay ganoon na naman siya, ignorante sa mga nakikita sa kalsada. Nagsasalitang mag-isa, walang kausap, tapos tatawa.

"Treponema Pallidum!" mayamaya ay bigla na namang nangibabaw ang tinig ni Maxrill, walang pumansin sa kaniya. "Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona! Noona!" paulit-ulit niyang tawag hanggang sa lingunin ko siya. "Treponema Pallidum-ara?" nakangisi nitong tanong, inaalam kung alam ko ba ang salitang iyon.

"Ani," pagtanggi ko.

"Arasseo!" mayabang niyang sabi, ipinagmamalaking alam niya ang salitang iyon. Nag-iwas lang ako ng tingin.

"Stop messing with my stuff, Maxrill," seryosong sabi ni Maxwell. Ngayon ay mukhang alam ko na kung saan nakuha ni Maxrill ang salitang iyon, sa notes marahil ni Maxwell. Nakanguso na ang bunso nang lingunin ko.

Bumaling naman ito sa Chairman. "Where are we going?"

"Where do you want to go?" maganda pa rin ang ngiti ng Chairman.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Where stories live. Discover now