"Kaya ko na 'to, Mom."
It's still early in the morning pero nakikipagtalo na ako sa aking ina. Ngayon ang araw ng pag-alis ko sa bahay namin.
"I know but I still want to help you, and please mag-almusal ka man lang," pamimilit ni Mom.
I look her in the eyes, I know she's sad that I'm leaving the house and right after my birthday.
"Alam ko namang hindi ka papipigil," I hug her.
I'll be a senior high school this school year 2018-2019 at Foxford Academy. It excites me knowing that I'll be living alone now, but it also gives me the fear that I might not be able to be an independent person.
"Pwede ka naman kasing dito hanggang kelan mo gusto, anak."
I sighed, "Mom, hindi naman pwedeng kung kelan ako matanda saka po ako magse-separate sa inyo. I should learn now, si Tita Shaina nga, she's 16 years old that time."
"Iba naman ang sitwasyon ng tita mo, she got pregnant at a very young age tapos hindi pa sinustentuhan ng Tito Trevor mo," paliwanag ni Mom.
Tita Shaina is my mother's younger sister, maagang nagka-anak kaya tinakwil sa pamilya nila, kaya natutong buhayan ang sarili pati ang pinsan ko na si Aidan.
"My point is I want to handle things on my own, like an adult. Pupunta-punta pa rin naman po ako rito," I want Mom to know that I'm really a grown up now.
"Hayaan mo na si Z, Hon," si Papa. He is my step dad but he never made me feel like I was not part of the family.
I smiled 'cause I know that Papa will take my side.
"Hay nako! Ano pa nga ba ang magagawa ko, panigurado ay pagtutulungan niyo lang naman ako," sabay irap ni Mom sa amin.
After our mini chat bumaba na rin kami para mag-almusal, nagkwentuhan pa muna saglit bago ako nagpaalam na itutuloy na ang pag-aayos ng gamit ko.
11:30 ng umaga, natapos na ako sa pag-aayos ng gamit ko, ihahatid ako ni Papa ngayon mula Bulacan papunta sa Baguio. It will take approximately 6 hours, depende pa sa traffic. Bumaba na rin naman ako agad para makapagpaalam sa kanila.
"Hindi pa kasi kayo mag-express way," rinig na rinig ko ang boses ni Mom habang bitbit pababa ang huling maletang ini-ayos ko.
"Alam mo naman na gusto ni Z ng mga long road trip, saka may mga dadaanan pa ako bago dumeretso sa baguio," si Papa.
"That's a waste of time, Camilo," I see frustration in my mother's face.
Kaya sumingit na ako sa usapan nila, "Bakit kasi hindi na lang po kayo sumama ni Zanaya?"
"I won't take the risk, mas lalong babagal tayo lalo na at hindi naman ganon kasanay sa mahabang byahe ang kapatid mo," paliwanag ni Mom.
I look at my sister sitting in her push walker, lumapit ako to hold her tiny little hand.
"I'm gonna miss you, princess," I kiss her on the both cheeks.
Zanaya was my half-sister, she's 2 years old and full of joy. Kahit na dumating siya sa buhay naming hindi naman nagbago ang tingin nila Mom at Papa sa akin, I'm still part of this happy family.
"Mag-ingat kayo sa byahe. Camilo huwag mabilis magpatakbo at ang layo pa ng pupuntahan niyo. Z, once na ma-settle ka na roon, please call me agad ha, "naluluhang sabi ni Mom.
I'm not an emotional person but maybe because of the sad moment I got carried away.
"I'll message you po agad once we got there, don't worry too much about me."
I hug her so tight to show my mom how much I love her even though I don't usually express it. Ilang sandali lang umalis na rin kami ni Papa para tumulak papuntang Baguio, it's gonna be a long journey kaya I make sure na comfy ako, so I brought my pillow and wear my jeans, sweater, and a sneaker.
"Matulog ka muna malayo-layo ang byahe natin," agad ko namang sinunod ang sinabi ni Papa.
Nagising lang ako nang maramdamang nag-stop over kami. Umayos ako ng upo mula sa pagkakahiga.
"Nasan na po tayo?" I asked Papa.
"We're in Tarlac, anak. There's a restaurant around here kumain muna tayo."
I looked at my phone and saw that its 3 pm already. Traffic daw pala sa Clark, Pampanga kaya medyo nakain ang oras namin. Nagmessage din si Mom asking kung nasaan na raw kami. Sinabihan din ako ni Papa na magpakabusog and gumamit na ng restroom since mula Tarlac ay dere-deretso na raw ang byahe naming pa Baguio.
"Z, I have to meet a friend here in Tarlac. Maybe it will take 30 minutes since ngayon na lang kami magkikita mula nung kinasal siya. You can shop first since nasa SM Tarlac na rin naman tayo."
I took my Papa's advice and roam around the mall, may mga nakita akong magagandang bags and clothes but I suppress the feeling to buy them. I'm adulting now so I should stop being impulsive. Imbes na magfocus ako sa mga damit at bags dumiretso ako sa 7/11 sa labas ng mall para bumili ng snacks na babaunin ko sa byahe.
I'm at the counter ng may biglang sumingit sa harap ko, tinaasan ko siya ng kilay.
"Pasingit ah, isa lang naman to," sabi niya.
Tumango na lang ako, pinalagpas ko na since totoo naman na tubig lang ang binili niya.
Habang papalabas ako ng 7/11 ay tumawag si Papa, "Where are you? Papunta na akong parking lot."
"Galing lang po ako sa 7/11 sa labas ng mall, I'll be there in a minute."
Pagkabalik ko sa parking lot ay agaran kaming umalis dahil halos mag-4:30 na.
Hindi na ako natulog sa byahe, nakipagkwentuhan na lang ako kay Papa para na rin hindi siya ma-bored while driving.
Exactly 8 pm ng dumating kami sa condo unit ko sa Baguio kung saan ako magsstay. Binaba lang ni Papa ang lahat ng gamit ko at umalis na rin agad. Hinatid ko siya sa lobby ng condominium to formally say my goodbyes.
"Thank you, Papa. Ingat ka po pauwi," I said as I hug my father.
"I will, mag-ingat ka rin dito. Pipilitin ko ang Mom mo na bumisita kami bago magstart ang pasukan mo," he kissed my forehead before waving his hands as a sign of goodbye.
Pumunta na rin ako agad sa elevator at pinindot ang Floor 7 kung saan nandoon ang unit ko. My unit is fully furnished, ito ang gift ni Mom and Papa sa akin for my Junior Graduation and recent birthday.
Ang lahat ng maleta ko ay nasa sala pa pero wala na akong lakas para ayusin ito ngayong gabi, dumiretso na agad ako sa kwarto. Hindi na rin ako nakapagpalit ng damit dahil hinila na ako ng antok.
I will fix many things... tomorrow
ESTÁS LEYENDO
You and I
RomanceA teenage girl (Zarina) now learns to live by herself. From being raise by a single mother, she wants to start providing for herself just like what her mother did when she was young. Dahil malaki ang gustong patunayan ni Zarina, pinilit niyang itagu...
