Chapter 1:Awakening

351K 6.6K 1.4K
                                    

GUILLIER ACADEMY

WRITTEN BY: Shane_Rose

Copyright 2015© ALL RIGHTS RESERVED

The unauthorized reproduction or distribution of this copyrighted work is a crime punishable by law. No part of this book may be scanned, uploaded to or downloaded from file sharing sites, or distributed in any other way via the Internet or any other means, electronic or print, without the Author's permission.

_________________________

Chapter 1 - Awakening

*Rosallie's POV*

"Guys! Look! May mga dolphins dun oh." Excited kong sabi sabay turo sa parte ng dagat kung saan ko nakita ang mga dolphins.

Mabilis naman na nagpuntahan sa tabi ko sa railing ng barko ang apat kong matatalik na kaibigan. Sina Teresa at Joie ang pumesto sa kanan ko habang sina Christine at Jeanine sa kaliwa ko.

"Asan? Ay! Oo nga no! Ayun oh" natutuwang sabi ni Tin habang hinahawi niya ang magulong buhok palayo sa mukha nya. Malakas kasi ang ihip ng hangin. Kaya inililipad nun ang mga buhok namin. Pero mas magulo lang talaga ang lampas balikat na buhok ni Tin kumpara sa aming apat. May malakas na hangin man o wala.

"Asan? Patingin ako! Tumabi ka nga Tin at di ko makita. Nakaharang ka kaya!" Wika ni Jeanine at tinabig patabi si Tin.

"Ayun oh! Lakihan mo kasi yang mata mo. Ang liit eh." Nakangising pangaalaska pa nito kay Jeanine.

"Tse! Di maliit ang mata ko no. Singkit lang ." Sabi ni Jeanine at nakangiting inirapan si Tin.

Natatawang tumalikod ako at sumandal sa railing ng barko. Pagkatapos ay pinanood ko ang mga kaibigan ko. Mas masaya kasing panoorin ang mga ito kapag nag-asaran. Hindi nakakasawa.

Sandaling inalis ko ang tingin sa kanila at inilibot sa  kabuuan ng upper deck kung nasaan kami. May pangilan-ngilan na estudyante din ang nandito. Nagsasight seeing at ang iba ay kumukuha ng larawan. May mga Professors din akong nakita. Nagtatawanan at masayang binabantayan kaming mga estudyante.

Fieldtrip namin ngayon. At imbes na sa educational trip kami pumunta ay napagdesisyunan na Cruise nalang ang gawin para saming mga nasa senior year ng high school . Mas marerelax daw kasi kaming mga estudyante. At makakatulong daw yun sa peace of mind namin.

Sus.. baka peace of mind nyo kamo. Isip isip ko.

"Shhh.. Ang iingay nyo! Manahimik nga kayo." Narinig kong saway ni Joie sa mga kaibigan namin. Mahirap talaga basahin ang pangalan nya. Pero simpleng 'Joy' lang naman ang bigkas nun. May lahi kasi syang chinese.. kaya ganyan ang spelling.

Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa kanila at nangingiting pinanood lang ang mga nangyayari.

"Parang di ka na nasanay sa mga yan" natatawang sabi ni Teresa.
Sumandal din sya sa railings at pinanood ang tatlo.

"Oo nga. Ganyan ka rin naman samin", pagsangayon ko sabay ngisi kay Joie.

"Oy Ming! di ah! Di ako ganyan kaingay" kaila ni Joie sabay turo kela Tin.

Ming ang petname nya sa aming apat. Ewan ko ba sa kanya at kung saan nya napulot yun... pero cute naman eh, kaya hinayaan na namin.. parang kuting lang tuloy kami.

"Weh? Eh diba nga.. birds with same feather flocks together. Kaya kung ano kami, ganun ka din" I said still grinning at her.

"Ah ewan. Bahala na nga kayo" anito at humarap sa dagat. Bahagyang umangat din ang gilid ng labi nito, halatang nagpipigil ngumiti.

Guillier AcademyWhere stories live. Discover now