Chapter 1 - Alay

38 1 0
                                        

(NOTE: Terms and ideas are all fictional and made-up by the author.)

VIOLET'S POV

Panibagong gabi, panibagong misyon.

Ako nga palang si Lady Violet Abramson. 17 years old at naging hunter mula noong 6 years old ako.

Oo, isa kaming pamilya at organisasyon nang mga hunters. Ang angkan o lahi namin ay galing pa sa mga sinaunang tao na kumalaban sa mga halimaw noong unang panahon. Isang pamilya ng mga mangangaso na may malasakit at puso sa kapwa tao, ay boluntaryo na nag sagawa ng mission para magligtas ng mga taong biktima ng mga halimaw at sugpuin ang mga masamang gawain ng mga ito. Dahil dito ay nabiyayaan sila ng Diyos sa pamamagitan ng anghel ng regalong mag poprotekta sa kanila para mas maisagawa ang mission nila ng maayos at ligtas. Kung merong assassins na tinatrabaho ang mga taong target nila, kaming mga hunters naman ay tinatrabano ang nilalang nang dilim na kumakain ng tao. Ang tawag namin sa kanila ay mga Agrius o mas kilala sila sa bansa bilang mga Halimaw, Monsters o Aswang.

Agrius ang tawag sa mga nilalang na mga carnivorous predator na kalahating tao at kalahating hayop. Ang lahi nila ay mula sa mataas na uri ng nilalang na minsan tinatawag nating aliens. Ang mga mataas na nilalang na ito ay nag asawa ng tao, hayop at kung ano mang nilalang.

Ang mga nilalang na nagka-anak sa mga hayop ay mga naging halimaw. Shape shifter ang iba (Agrius/aswang) at ang iba naman na hindi na maitago ang hitsura ay nasa ibang dimensyon na nagtatago (Engkanto). Ang mga nagkaanak naman sa mga tao (Raphaim) ay may mga kakaibang talino at galing ang katauhan nila. Kilala ang mga lahi na ito sa mundo dahil karaniwan sa kanila ay mga naging dalubhasang scientist, genius, lider at iba pa.

Lahat ng nilalang na ito ay nakatira sa mundo kung saan pinamumunuan ng mga tao. Ginawa ang mundo para sa mga tao kaya naman, may kakayahan ang mga tao mag adapt at makipagsabayan sa agos ng mundo. Kaya nating mga tao maging malakas pag nag kakaisa, nag mamahalan at nag tutulungan. Malakas ang survival instict natin kompara sa mga ibang nilalang na naka focus lang sa mga pangunahing kailangan o obsession nila..

THOUGH DIFFERENT, WE ARE BOUND BY THE SAME EARTH.

Hunters like us have been trained like Ninjas to assasinate evil Agrius who eat human flesh and we protect the innocent.

Believe it or not, they exist. Most of them worship demons, that what's makes them dangerous. C'mon uncover the truth through my story.

Pangalawang beses ko na makatungtong sa suidad. Ito ang pangalawang mission ko dito, ang unang mission ko noon ay 12 years old pa lang ako. Ngayon ilang buwan na lang ganap na akong dalaga at ibig sabihin ay magkakaroon na ako ng posisyon sa organisasyon.

Ancient Hunters Organization ang tawag sa grupo naming mga manunugis ng mga halimaw at iba pang masasamang nilalang kagaya na lamang ng mga mangkukulam, mambabarang at kung ano pa na saliwat sa batas ng Diyos. Isang sekretong organisasyon na ang may mga kinalaman lang ang may alam.

Kasalukuyan akong nasa mission.

Nasa itaas ako ng isang mataas at makapal na puno ng Talisay, naka upo habang nag o-obserba sa kaganapan sa baba. Bilang Huntress ay naka suot ako ng gaya ng sa mga nakikita natin sa pelikula. Typical type ang hitsura ng suot ko dahil organisasyon namin ang gumagawa at nag de-develop ng mga kasuotan pati sandata namin. Black fitted jumpsuit pero short at shortsleeves ang suit ko dahil mainit sa Pinas, naka high knees na black socks lang ako at leather boots, may gloves ako na hanggang siko pero litaw ang mga daliri ko for easy grasping. Suot ko din ang violet cloak ko na velvet fabric, dahil sa lamigin akong tao, lalo na laging gabi ang mga mission namin na umaabot ng madaling araw. Minsan na giging kumot ko na rin pag naabutan ako ng madaling araw sa mga mission sa gubat. May iba't ibang maskara ako pero ngayon suot ko ang black mask na hugis paru-paru dahil mata at bibig lang ang makikita. May bow and arrow ako sa likod, small daggers sa magkabilang braso at binti ko, shuriken sa belt bag at espada sa kaliwang bewang ko. May suot akong relo na communication device namin dahil mahirap magbitbit ng cellphone sa mission. May partner ako sa mission na nakaabang sa labas at mga back-up na naka alerto pag tinawag namin.

The Hunter's Kiss (University File)Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora