Chapter 7 - SC Thing 2/ Back

51 4 0
                                    

Joshua's POV

Nang umakyat ako sa stage.. Nagtilian yung mga tao..

At nung nagsimula na akong kumanta.. Nakita ko yung barkadz at tulala sila.. Lalo na si Joanna.. Haha! Pero mas nakakatawa yung mukha ni Cameron..

*After Performance*

Bumaba na ako sa stage at pumunta na sa barkada namin...

"Wow, brad! Galing mo mag-rap at kumanta!! Idol!" sabi ni Terrence. Abaa! Masaya ata 'to ngayon ahh!

"Biruin mo yun?! Kung sino pa yung tahimik at walang imik minsan, yun pa ang nag-rap?" manghang mangha na sabi ni Joanna.

"Astiiiig, bro!" Salamat po Mervin.. Haha.

"We love youuuu naaa!!" sabi ni Cameron at yayakap sana sakin kaso...

"Sapaw!" sabi ni Alex.

"Uuy! Ano bang problema mo? Ha?" tanong ni Cameron kay Alex na halatang naiinis.. Oh My.. Gulo to!

"Pssh..Magkaintindihan nga tayo." Sabi ni Alex at nagharapan sila. Ang tatapang ahh!!

"Lalaki ka ba, talaga? O bakla ka? At ayaw mo lang sabihin, dahil baka itakwil ka ng barkada? Wag ka mag-alala, susuportahan ka naming lahat..!" haha.. grabe naman 'tong si Alex. Pagtitigil kasi siya sa pagsalita, sasagot na sana si Cameron kaso itutuloy niya naman.. Haha.

"Oo nga, brad! Susuportahan ka namin.. Hahaha!!" sabi ni Mervin..

"Loko kayo ahh! Hindi ako bakla! Hindi! Hinding hindi! Joke ko lang yung I love you.. Binabawi ko na Joshua!"

"Hahahahaha!!!"tawa naming magbabarkada..

"Todo denying?!! Napaghahalata ka Cameron!!.. Hahahaha!" sabi ni Kate.. Hahaha..

Tumigil na rin kami sa pagtawa dahil sabi daw kailangang nandun kami sa program.. Kaya pumunta na nga kami..

Hans Esherka's POV

I'm baaaackk!! Tagal ko din di nagkaPOV noh! Pero okay lang.. Nagpeperform na si Gavin... Sumayaw lang naman siya.. Ako ang sunod na magpeperform, sasabayan ako ni Kuya.. Mag gigitara kami habang kumakanta....

Natapos na rin si Gavin sumayaw at inannounce na siya ang vice president.. So, kami na ata magpeperform.. So, una na kami!

Terrence Kevin's POV

Nandito kami ngayon sa may stage, hinihintay kung sino yung president...

"What the?!"

"Ahhh! Takot akooo!"

"Hahahaha!"

Sabi, sigaw at bulong-bulungan ng mga tao.. Bigla kasing namatay yung ilaw...

Biglang may tunog ng gitara ang narinig naming lahat.. Ahh.. Magigitara rin pala sya.

{Playing: Two Is Better Than One}

I remember every look upon your face,

boses ng babae ang narinig ko, at kilala ko kung sino yun..

The way you roll your eyes

The way you taste

You make it hard for breathing

boses naman ng lalake... At kilala ko rin kung sino itong dalawang kumakanta. Hindi talaga ko pwedeng magkamali!

The Way It Should BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon