Chapter 16: Good bye Phire

178 23 9
                                    

'Death must be so beautiful,
To forget time, to forgive life,
To be at peace'

~Oscar Wilde

***Hevelline's P.O.V

"Hindi ka ba papasok?" Tanong ko sa kaniya ng makalapit ako sa kinauupuan niya.

Tinignan niya lang ako at umiling. "Mamaya na, wala rin namang gagawin don, Teka, ayos na ba yang kamay mo?" Tanong naman niya at tumingin sa kanang kamay ko kung saan wala na.

"Ayos lang naman," nakangiti Kong sagot at itinago sa likod ko.

"Bakit ba kasi pinaputol mo yan sa kanila? Nababaliw ka na rin ba?"

Umiling ako "Gusto kasi ni Phire para maipakita sa kaniya na patay na talaga ako,kaya tignan mo, bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat ng masaksihan ako." Nakangisi Kong sagot.
Nung plinano nilang ipalabas akong patay at ipadala sa classroom ang di umano'y pugot Kong ulo na kahit hindi naman, labis akong natuwa dahil mapapatay ko na sila ng patago.

"Eh si Candice? Buhay pa ba?" Tanong ko. Kahit naman papaano ay may kaunting awa pa ako lalo na sa kaniya. Sinabi ko ang sikreto ni Hellea noon sa kaniya dahil ayaw kong ang lahat na lang ay magbubulag-bulagan sa mga manyayari. Natatawa na nga lang ako dahil may awa pa palang natitira sa akin sa kabila ng lahat ng ginagawa ko ngayon. Ang maging traydor sa kanilang lahat. Pero natutuwa ako dahil nagagawa niyang makipag sabayan sa amin ngayon, siya ang magsisilbing 'last caller' namin, kung sa panahon na darating na iyon ay kung buhay pa ako.

"Bakit mo naman natanong?" Nagtataka niyang tanong. Kinuha ko ang baso na kaniyang iniinom at tinungga ito saka muling nilapag sa lamesa at tumingin sa kaniya.

"Wag niyo muna siyang patayin, utos ng matalik kong kaibigan." Sagot ko.

"Matalik mong kaibigan? Uso pa pala yon?" Natatawa niyang komento. Napangisi na lang ako sa naging reaksyon niya.

"Siya ang kapatid ni Candice," sabi ko kaya napahinto siya at tumingin sa akin. Muli akong ngumiti ng matamis "Ang pangalan niya ay Clarise."

"Buhay....pa siya?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Gusto niya mismo na siya ang papatay kay Candice,gusto niyang maghiganti."

"T-teka, anong ibig mong sabihin?" Bakas sa kaniyang mukha na naguguluhan na talaga siya.

"Huwag mong sabihin na hindi mo pa alam?" Napangisi muli ako ng hindi siya sumagot. "Tinangka ni Candice na patayin ang nag-iisa niyang kapatid,'' -sabi ko na ikinagulat niya.

''P-paano niya magagawa yon ? mabait na tao si Candice !''

Natawa naman ako sa sinabi niya at tinignan siya ''Mabait ? talaga lang ha ? kaya pala kating-kati na si Clarise na patayin siya ngayon kahit ayaw niya muna dahil gusto niyang gawin iyon sa tamang panahon.'' ngisi ko

Hindi ko na maipinta ang reaksyon niya, sabagay, sino nga ba naman ang hindi magugulat kapag nalaman mong may itinatagong demonyo sa pagkatao ng isnag tao. Nakakatawa.

''Nung panahon na dinala niyo siya sa hospital, hindi alam ni Candice na buhay pa si Clarise non. Tinawagan niya ako at humingi ng pabor sa akin, nilipat ko siya sa ibang ospital ng hindi niyo namamalayan at ng kanilang mga magulang at doon na rin namin pinalabas na patay siya.'' pagkuwento ko.

Death Valley [COMPLETED]  {Unedited}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon